CHAPTER: 72

366 22 2
                                    

Umalis na si Damian upang bumalik sa Nightraven, habang si Elara naman ay naiwan kasama ang ilang gamma ng kanilang pack para magbantay sa kanniya habang wala pa si Calisto. Dalawang bantay ang nasa labas ng opisina ni Elara habang ang lima naman ay nasa labas ng pack house, walang nagtatangka na gawan ng masama si Elara dahil alam nilang si Elara na ang bago nilang Luna.

Lumabas si Elara sa loob ng kaniyang opisina pagtapos niyang maayos ang mga naiwan na trabaho ni Damian, nais niya sana bisitahin ngayon si Elijah para tanungin ito at tignan kung makakausap niya ba ito ng maayos upang makahanap ng ilang sagot at pruweba sa mga krimen na ginawa ni Fiona.

Dumating na rin ang back ground check na pinagawa ni Elara kay Fernanda at tama ang kutob niya na si Fernanda nga ang lumason at pumatay sa kaniyang ina, hindi lang mahanap ni Elara ang iba pa nitong koneksyon katulad na lamang ng kung sino ba ang tunay na asawa ni Fernanda at ama ni Fiona.

"Luna Elara, saan po kayo pupunta?" Tanong ni Jake, sumunod silang dalawa ng isa pang kasama niyang gamma sa paglalakad ni Elara.

"Bibisitahin ko si Elijah, baka may makuha pa akong information sa kaniya," sagot ni Elara at tumango naman si Jake. Sa totoo niyan ay nag-aalala sila Jake at iba pang pack members sa pagbalik ng knailang Luna sa Forestheart dahil alam nila kung ano ang ginawa at dinanas ni Elara sa kamay ng mga pack members ninto.

Pero pansin nila na walang ni isa ang tumitingin nang masama kay Elara ngayon, bakas sa mukha ng mga ito na takot sila kay Elara at nagsisisi sa lahat ng mga ginawa nilang kasalanan noon sa kanilang Luna.

Sa paglalakad ni Elara ay binabati siya ng bawat pack members na makasalubong niya, nginingitian na siya ng ilan sa mga ito at ginagalang. Karamihan din ng mga omega ay hinahangaan siya at tinuturing kanilang savior dahil na rin sa ginagawang pagmamalupit sa knaila ni Fiona noong nakaupo pa ito bilang kanilang Luna.

Nagtungo sila sa hospital ng kanilang pack at dumaretsyo sa kwarto ni Elijah, may bantay din doon at nakita ni ELara na nakaupo na si Elijah at nakatulala na lamang sa labas ng kaniyang bintana. Nasa loob din ng kwarto ang kaniyang ina na si Esmeralda, at nang makita niya ang pagdating ni Elara ay agad siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan.

Nilalamon ng konsensya at hiya sa kaniyang sarili si Esmeralda pagtapos niyang ituring na parang basura si Elara, ngayon na nakita niya ang itsura ng kaniyang nag iisang anak na si Elijah ay hindi niya maiwasan na sisihin ang kaniyang sarili kung bakit nangyari ito. Kung hindi niya lang sana hinadlangan ang pag-iibigan ng kaniyang anak at ni Elara ay sana hindi ito sasapitin ni Elijah, kung nagtiwala lang sana siya kay Elara noon at hindi ito hinusgahan ay sana masaya pa rin ang kaniyang anak na ngayon ay hindi na maigalaw ang kaniyang mga binti, hindi makatayo at makakain mag-isa.

"Magandang gabi, Luna Esmeralda," bati ni Elara kahit na ayaw niya magbigay galang dito ay hindi niya pwede sirain ang imahe na binubuo niya sa pack na ito. Gusto niya man gantihan si Esmeralda sa mga pinag gagawa ninto sa kaniya noon ay pinili niya na huwag na lamang at patawarin ito, tutal hindi naman ganoon kalala ang pagmamalupit sa kaniya ni Esmeralda kumpara sa mga ginawa sa kaniya ni Fernanda at Fiona.

"Magandang gabi rin, Luna Elara. Kailangan mo bang kausapin si Elijah?" Tanong ni Esmeralda at tumango lamang si Elara bilang sagot.

Tumingin si Esmeralda sa kaniyang anak na si Elijah na patuloy lamang nakatulala sa labas ng bintana at nakatingin sa malawak na kalangitan na puno ng bituin, hindi mapigilan ni Esmeralda maging emosyonal kaya pinilit niya na lamang magpakatatag.

"Maiwan na namin kayo," sagot niya kay Elara at inutusan ang kaniyang mga tauhan na lumabas na ng kwarto ni Elijah, kampante naman si Esmeralda na walang gagawin na kahit ano si Elara sa kaniyang anak, kung papapiliin siya ngayon ay mas magtitiwala siya kay Elara kaysa sa sariling fated mate ng kaniyang anak na si Fiona.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now