CHAPTER: 17

509 20 1
                                    

Nabigla si Elara sa mga sinabi ni Damian, hindi niya alam kung parte ba ito ng plano nilang dalawa o may iba pang kahulugan. Kinakabahan siya dahil napakagaling ni Damian umacting sa harap ng pack members nila, na miske siya ay parang mahuhulog sa mga salitang iyon.

Tumingin si Damian sa direksyon ni Elara, nagtama ang mga paningin nila at nakita niya ang pilyong ngiti sa mukha ng Alpha at ito na naman ang kakaibang pakiramdam sa buong katawan niya na para ba siyang nililiyaban.

"Itigil na natin ang ceremony na 'to," napatingin ang lahat kay Alpha Diego, halata sa mukha niya ang galit dahil sa gulong ginagawa ng kaniyang dalawang anak. Hawak ni Deigo ang kaniyang ulo dahil sa mga nangyayari sa loob ng Forestheart, hindi niya maintindihan ang anak niyang si Elijah at sa kung bakit hindi ninto mabitawan ang isang omega na katulad ni Elara.

"Pero Alpha Deigo, hindi pwede 'to! Hindi ko pwede pakawalan si El—"

"Tumigil ka na Elijah, tama na ang kahibangan na 'to." Mariing na utos ni Alpha Diego sa anak niyang si Elijah, saka siya tumingin sa direksyon ni Elara.

"Elijah, sabihin mo ng nire-reject mo na bilang chosen mate mo si Elara ngayon din. Pakawalan mo na siya bago pa ako mainis sa mga kahibangan na ginagawa mo," dugtong ni Alpha Diego at wala ng nagawa si Elijah kung hindi iyukom ang kaniyang kamao.

Kahit kasi isa na siyang Alpha sa kanilang pack ay mas malaki pa rin ang hawak na kapangyarihan ng kaniyang ama, hindi lang sa pack nila pati na rin sa mga business at iba pang koneksyon ng pamilya nila. Para walang silbi ang pagiging Alpha niya kapag nasa harap na siya ng kaniyang ama at ito ang kinagagalit ni Elijah.

"Pero dad..." tugon ni Elijah ngunit hindi siya makalaban sa aura na binibigay ng kaniyang ama, mas malakas pa rin talaga ang autoridad ninto na miske ang wolf niyang si Dexter ay umuurong ang buntot tuwing nararamdaman ang kapangyarihan ni Deigo.

"Huwag mong hayaan na ulitin ko pa ang sinabi ko Elijah," bulong sa kaniya ng kaniyang ama.

"A-ako si Alpha Elijah Reed ay ti-tinatanggap ang rejection mo, E-Elara Celestia Arundel," nanginginig ang boses ni Elijah habang binabanggit niya ang mga katagang iyon. Labag sa puso niya ang bitawan si Elara at alam niyang hindi niya kakayanin na mawala si Elara sa kaniya.

Naglakad si Elara papalapit sa kaniya, pinakita ni Elara ang malambing niyang ngiti sa harap ni Elijah at iniisip na kung noon ay nais niyang mamarkahan siya ni Elijah bilang chosen mate niya, ngayon ay sobrang luwag na ng pakiramdam niya na marinig ang rejection mula kay Elijah.

"Ako si Elara Celestia Arundel, buong pusong tinatanggap ang rejection mo Alpha Elijah Reed," masayang sagot ni Elara at pinakita niya pa talaga kay Elijah na masaya siyang marinig ang rejection na iyon na lalong dumurog sa pride at puso ni Elijah.

Nakayuko si Elijah habang si Elara naman ay bumaba na sa stage, na una siyang umalis sa loob ng ceremony hall saka siya sinundan ni Damian at Melody sa paglalakad palabas. Pagtapos mawala ni Elara sa paningin ng lahat ay doon na umugong ang usap-usapan na totoong hiwalay na ang magkasintahan.

Pero habang nakayuko si Elijah ay hindi niya pa rin matanggap ang ginawang pang iiwan sa kaniya ni Elara, pakiramdam niya ay niloko siya ni Elara at pinagpalit sa kapatid niya. Pinangako niya sa kaniyang sarili na gaganti siya at babawiin niya si Elara sa lahat ng paraan na makakaya niya, saka niya ibabalik ang sakit na nararamdaman niya ngayon kay Elara at Damian.

Pero 'yung galit at sakit na nararamdaman ni Elijah ay wala pa sa katiting na sakit na naramdaman ni Elara nung nalaman niya ang panloloko na ginagawa nila Elijah at Fiona sa kaniya noon. Kaya alam ni Elara na kulang pa ito, nais niya pang sirain ang buhay ni Elijah, Fiona at Fernanda gaya ng pagsira nila sa buhay niya at sa buhay ng kaniyang anak.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now