CHAPTER: 32

377 15 1
                                    

'Dala mo ba lahat ng meds mo? Kaya mo ba talaga? Bakit hindi ka nagsasabi sa 'kin na aalis ka, ha!?' Rinig na rinig ni Damian ang panenermon ni Melody kay Elara habang naka video call ang dalawa. Andito na sila ngayon sa loob ng hotel, iniintay niya si Elara matapos sa call dahil marami itong reklamo sa kwarto na pina-book niya.

"Oo dala ko 'yung gamot ko, saka hindi ko rin alam na aalis kami ngayon, kagabi lang sa 'kin sinabi ni Damian," sagot naman ni Elara pero ang totoo niyan ay isang linggo na siya hindi nakakainum ng gamot dahil ubos na ito at hindi niya talaga alam kung saan nakakakuha ang kaniyang ama ng gamot niya.

Nais niya sana tumawag kina Fernanda para tanungin kung may stock pa siya ng gamot niya pero kinakabahan siya na baka palitan nila iyon at lasunin na naman siya katulad ng ginawa ng mga ito sa past life niya.

'Naku wag kang uuwi dito na hindi ka pa namamarkahan ni Alpha Damian, nabalitaan ko na sa sunday na ang union nina Elijah at ng bruha mong stepsister,' sagot ni Melody kaya agad na hininaan ni Elara ang volumn ng cellphone niya. Maaari kasing may ibang lycans sa paligid nila at baka marinig pa ang usapan nilang dalawa.

"Shhh— baka may makarinig sa usapan natin, osiya sige na aalis na kami. Kailangan ko pa paayos ang hotel room namin ni Damian," tugon ni Elara at nag thumbs up na lamang si Melody saka nagpaalam kay Elara.

Binaba na ni Elara ang call at nakita niya na kinakausap na ulit ni Damian ang receptionist sa front desk, halata sa babae na gwapong gwaop siya kay Damian dahil kung makatango ito ay wagas at hindi ninto inaalis ang mga tingin niya kay Damian.

Agad na nakaramdam si Elara ng pagiging possessive niya, sinukbit niya ang braso niya kay Damian at ngumiti ng malambing sa hotel receptionist. Agad na nahalata ni Damian ang ginawa ni Elara kaya tinaggal niya ang pagkakahawak ninto sa braso niya, agad siyang nakatanggap ng masamang tingin mula kay Elara kaya hinawakan ni Damian ang bewang ni Elara at nilapit ito sa tabi niya.

"Ayos na pala ang kwarto, hindi na namin ipapabago hahaha," sagot ni Damian kaya pinanlakihan siya ng mata ni Elara.

"Okay sir, ito po ang keys sa room niyo," sagot naman ng receptionist at umilag na ng tingin kay Damian. Sa paglalakad nila papunta sa elevator ay hindi pa rin binibitawan ni Damian ang pagkakahawak niya sa bewang ni Elara kaya naman panay ang siko sa kaniya ni Elara sa tagiliran.

"Pwede ba bitawan mo na ako, saka bakit hindi mo pinaayos 'yung room natin? Bakit isang kama lang ang pinabook mo?" Tanong ni Elara, hindi niya alam kung makakatulog ba siya ng maayos lalo na kung alam niya na may kasama siyang ravage dog sa loob ng hotel room niya.

"Ano na lamang ang iisipin ng mga makakakita sa atin dito kung makita nilang magkahiwalay tayo ng kwarto?" Tanong ni Damian na lalong nagpagulo sa isip ni Elara.

"Hindi ba't mas magkaka-issue tayo kung makikita nila na lalabas at papasok tayo sa iisang kwarto?" Tanong naman ni Elara, napapailing na lamang si Damian habang hawak niya ang kaniyang ulo.

"May internet naman sa pack house hindi ba? Nagbabasa ka ba ng article or social media? Para kang si Lilian hindi na tambay sa internet," sagot ni Damian at lalong kumunot ang noo. ni Elara.

"May kailangan ba kong malaman?" Tanong ni Elara. Hindi siya sinagot ni Damian at sabay silang pumasok sa loob ng elevator, may ilang mortal silang nakasabay sa pag-akyat sa elevator at pansin ni Elara na lahat sila ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Damian, may ilan pang nagbubulungan at mukhang pinag-uusapan sila.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon