CHAPTER: 74

303 25 2
                                    

"Tumayo ka na r'yan, nag-iintay na si Fiona sa back entrance ng pack house," utos ni Algern kay Feranda at habang binubuksan ninto ang selda. walang nagawa si Fernanda kung hindi sumunod sa kaniyang fated mate dahil sa ngayon ay ito na lamang ang tanging paraan nila para makatakas sa Forestheart.

"Maglagay ka ninto sa katawan mo," utos ni Algern, gamit niya rin ang perfume na kahanv itago ang wolf scent nila sa ibang pack members.

Ginawa naman ito ni Fernanda at sumunod sa paglalakad nila palabas ng dungeon pero bago pa sila tuluyan makaakyay ng hagdan ay sinalubong sila ni Calisto.

Halos kumawala ang puso ni Fernanda sa kaniyang dibdib nang makita niya ang kaniyang chosen mate. Galit na galit itong nakatingin sa kanilang dalawa, nanlilisik ang mga mata nitong umiilaw sa madilim na dungeon at kitang-kita nila ang mahahabang kuko at pangil na handa nang sakmalin at sugatan sila.

"Ca-Calisto?" Nauutal na tawag ni Fernanda pero agad siyang pinaurong ni Algern at pinatago sa kaniyang likuran.

Nangangatog si Fernanda dahil sa takot, ngayon niya lang nakita na magalit nang ganito si Calisto na walang ginawa kundi maging mabuting chosen mate at ama sa anak niya.

Nanlambot si Fernanda, habang si Algern naman ay naghahanap ng paraan para makatakas sila nang hindi nakakatawag ng ano mang atensyon sa labas.

"Anong ginagawa mo Algern?" Tanong ni Calisto, nakahanda na itong sumugod pero nais niyang kausapin ang kaibigan bago siya gumawa ng hakbang.

"Anong ginagawa sa dungeon kasama si Fernanda? Bakit siya nakakulong? At bakit niya pinatay si Emely?" Nang bitawan ni Calisto ang tanong na iyon ay alam na ni Fernanda at Algern na hindi na nila matatago pa ang totoo, na hindi na nila makakausap o makumkumbinsi si Calisto.

"Ah, so ibig bang sabihin ninto ay inagaw mo ang masayang buhay ni Emely dahil sa hindi ka masustentuhan ni Algern? Ginamit mo ako para makuha ang buhay na gusto mo at pinahirapan mo ang anak ko habang nakatalikod ako?" Tanong ni Calisto, namginginig ang buong kalamnan niya at nais niya na pakawalan ang wolf niya na kanina pa nais lapain ang nasa harapan nila.

"Sa totoo lang ay hindi ko na maintay na patayin kayo, pano ko ba mababawi ang buhay ko na sinira niyo?" Tanong ni Calisto, unti-unti na nangbabago ang kaniyang anyo, binabalot ng makapal na balahibo ang kaniyang buong katawan simula sa kaniyang mga binti at braso papunta sa kaniyang leeg at mukha, lumabas ang kaniyang mga pangil na sing laki ng isang palad, lumabas ang kaniyang matutulis na tenga at nguso na anyong lobo.

Buo na ang wolf form niya, handa na makipaglaban sa ano mang oras. Alam ni Algern na wala siyang laban kay Calisto kung  iisipin niya si Fernanda sa kaniyang likuran, pero kung pagtutulungan nilang dalawa ni Fernanda si Calisto ay malaki ang kanilang advantage rito.

"Fernanda, humanda ka sa pakikipaglaban," sagot ni Algern na hindi inaasahan ni Fernanda.

"Ha? Gusto mo akong mag transfrom sa wolf form ko? Ayoko, saka wala akong laban kay Calisto," sagot ni Fernanda kaya wala na nagawa pa si Algern kundi magbuntong hininga at siya na lang ang nagtransform bilang wolf.

Isang kulay grey na wolf ang kulay ni Algern samantalang brown naman si Calisto. Malakas na umungol si Calisto na dumaundong sa buong Forestheart, kinaantala ito ni Algern dahil magigising ang mga gamma at iba pang warrior sa loob ng pack at lalong mabubulilyaso ang plano nila.

'Fernanda tumakbo ka na,' utos ni Algern at hindi nagdalawang isip si Fernanda na iwan siya sa loob ng dungeon kung saan hindi na siya makakalabas pa kung matalo siya ni Calisto.

'Mukhang walang pakialam sa'yo si Fernanda, hindi man lang siya lumingon nung iwan ka niya,' sagot ni Calisto kay Algern sa pamamagitan ng mind link at bago pa tuluyan makatakbo si Fernanda palabas ng dungeon ay agad siyang hinabol ni Calisto.

Revenge of a RejectedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora