CHAPTER: 05

587 27 2
                                    

Hindi inaasahan ni Elara na darating ang araw na pandidirihan niya at kasusuklaman si Elijah— ang lalaking nagpapatibok ng puso niya, ang lalaking itinuring niyang mundo at buhay niya.

"May nagawa ba akong mali?" Nasaktan si Elijah sa reaction na binigay ng nobya sa kaniya, first time niyang maramdaman ang rejection mula kay Elara.

Noon kahit na wala siyang gawin ay masaya na si Elara sa piling niya, hindi man siya mag effort o bigyan niya man lang ng simpleng regalo ang nobya ay masaya na ito.

Pero ngayon ay para bang nandidiri sa kaniya si Elara, ramdam niya ang paglayo nito sa kaniya at miske ang wolf niyang si Dexter ay nararamdaman ang paglayo ng loob ni Elara sa kanilang dalawa.

'Anong ginawa mo? Bakit galit sa atin si Elara? Alam niya na ba na nakita na natin ang fated mate natin?' Tanong ni Dexter sa pamamagitan ng mindlink nilang dalawa ni Elijah. 'Wala akong ginawang ikakainis niya, siya pa rin naman ang pipiliin ko kahit nakita ko na ang fated mate ko.' sagot naman ni Elijah pero ramdam ni Dexter na nagsisinungaling na lang sa kaniyang sarili si Elijah.

Nung tumuntong si Elijah sa edad na bente ay nakilala niya si Fiona, hindi niya akalain na ang magiging fated mate niya ay ang step sister ni Elara na chosen mate niya. Alam niya na hindi pa alam ni Fiona na silang dalawa ang fated sa isa't isa dahil hindi pa sumasapit ang 18th birthday nito na gaganapin tatlong buwan simula ngayon.

"Elara, hindi ko alam kung anong nagawa ko pero sorry. Gusto kitang makita ngayon, ilang araw ka na rin may sakit kaya nais kitang dalawin," paliwanag ni Elijah, muli niyang inabot ang kamay ni Elara at hinimas ito. "Magaling ka na ba? Mukhang maayos na ang pakiramdam mo, gusto mo bang pumunta sa glass garden ng pack house?" Panay ang suyo ni Elijah kay Elara pero hindi magawa ni Elara na tignan sa mga mata niya si Elijah.

Puno pa rin siya ng pagtatanong, hindi niya na kumpirma ang totoong dahilan bakit siya iniwan ni Elijah o bakit siya nagawang lokohin ng lalaking ito na mukhang inosente at napakabait sa harap niya. Nais niyang magtanong sa Elijah na nasa haraparan niya ngayon, pero alam ni Elara na hindi kayang sagutin ni Elijah ang mga tanong na ito dahil hindi siya ang Elijah na kilala niya sa hinaharap.

"Wala kang nagawang mali. Pasensya na pero wala ako sa mood para lumabas ngayon, masama pa ang pakiramdam ko kaya kung maaari ay iwan mo na lang muna ako at kailangan ko pa magpahinga," pinilit ni Elara na ngumiti at bigyan ng assurance si Elijah para lubayan na siya nito dahil hindi niya kaya pang magtagal ng isang minuto na kasama niya si Elijah.

"Ganoon ba? Ikaw lang ba mag isa rito? Aalis pa mamaya si Calisto dahil may mission akong binigay sa kaniya para pumunta sa border, sure ka bang kaya mo mag isa? Nasaan sina Fiona?" Tanong ni Elijah at tumingin sa ibang parte ng bahay, hindi niya maiwasan na hanapin si Fiona dahil naamoy niya ang naiwan na amoy ng dalaga na medyo nagpapabaliw sa kaniya.

Hindi maitatanggi ni Elijah na kakaiba ang epekto sa kaniya ni Fiona, iba pa rin talaga kapag fated mate mo na ang iyong nakilala. Mas magiging malakas kayong dalawa dahil sa bond at blessing na binigay ng moon goddess, isang bagay na kailangan niya bilang Alpha at hindi maibibigay sa kanila ni Elara.

"Nasa bakasyon pa sila, uuwi sila ngayon weekends," sagot na lamang ni Elara. Ngayon alam niya na ang totoo ay unti-unti niya nang napapansin ang kinikilos ni Elijah, kung noon ay patay malisya siya sa mga hint at iba pang kilos ni Elijah kapag kasama nila si Fiona, ngayon ay malinaw na sa kaniya kung anong dahilan nito.

"Bakit, may kailangan ka ba sa sister ko?" Tanong ni Elara, hinuhuli niya si Elijah sa ibibigay na sagot ninto.

"Ah wala naman, iniisip ko lang na baka wala kang kasama sa bahay. Gusto mo bang samahan at alagaan kita habang wala sila?" Tanong ni Elijah. Ngumiti si Elijah at akmang yayakap sa bewang ng nobya pero agad na umalis sa tabi niya si Elara at inilagay ang pinagkainan niya sa lababo.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon