CHAPTER: 65

283 18 1
                                    

Apat na araw nang nakakulong sa pack dungeon si Fiona, wala siyang ano mang balita mula sa labas, hindi nakakatulog sa malamig na selda at matigas na higaan ninto.

Binabalot ang malamig na brick wall ng mga sapot ng gagamba, maliit na bintana na gawa sa rehas lamang ang pinagkukunan ng liwanag at hangin sa selda niya, isang mahabang tabla ng kahoy ang kaniyang higaan, isang gripo at balda ang kaniyang paliguan.

Para siyang mababaliw habang tumatagal ang pag-iintay niya sa trial, wala siyang ibang makagawa kundi isipin kung pano niya itatanggi ang akusasyon sa kaniya.

Pabalik-balik siyang naglalakad sa loob ng kaniyang selda, kagat-kagat ang pudpod at nagdudugo niyang hinlalaki sa kamay. Hindi niya na alam ang gagawin, gusto niya na lumabas sa mabaho at maduming lugar na ito.

"Mom! Gumawa ka ng paraan!" Hiyaw ni Fiona pero walang sumasagot, nagtataka siya kung bakit hindi sumasagot ni isang beses man lang ang kaniyang ina na si Fernanda, hindi niya alam ay nasa ibanb selda ito malayo sa kaniya.

Sinugurado ni Elara na paglayuin ang selda nilang dalawa para wala silang mabuong ano mang plano habang nakakulong sa dungeon ng pack house.

"Ahhh! Wala bang ibang tao rito! Palabasin niyo ako rito!" Naghehesterikal na si Fiona, naiinis sa mga nangyayari sa kaniya. Hindi siya makakapayag na maging ganito na lang ang kahinatnan niya, hindi maaaring mabulok na lamang siya sa kulungan na ito.

"Ah! Palabasin niyo ko rito! Pano niyo nagawang ikulong ang Luna niyo! Palabasin niyo ko!" Malakas na sigaw ni Fiona pero bumabalik lamang ang boses niya sa tahimik at mahabang dungeon na ito.

Napasalampak sa sahig si Fiona, habang nakasabunot sa kaniyang buhok. Panay ang bulong at isip sa kung ano ang pwede niyang gawing sulosyon upang makalabas ss lugar na ito.

"Asan si Francis? Bakit hindi niya ako tinutulungan makalabas dito? Iniwan niya na ba ako? Hayop talaga ang lalaking iyon," bulong ni Fiona at mas hinihpitan pa ang sabunot sa sarili niyang buhok, habang sinasaktan niya ang kaniyang sarili ay mas ramdam niyang totoo ang nangyayari sa kaniya, na hindi siya nas aloob ng bangungot at kailangan niya itong gawan ng paraan.

Ayaw niyang mabaliw, ayaw niyang lamumin siua ng katahimikan at kadiliman sa lugar na 'to. Kailangan niyang umisip ng paraan upang mabaliktad ang kwento ni Elara, kailangan niyang makaganti.

Napaangat ang kaniyang ulo nang marinig ang pag ingit ng selda, oras na ng pagkain niya at ito lang ang oras na may makakausap siya at mapagtatanungan ng mga nangyayari sa labas.

"Hapunan mo," sagot ng isang omega at nilapag sa ilalim ng selda ang tray. Isang soup, matigas na tinapay at tubig lang ang laman nun, parang pagkain ng pulubi sa daan.

"Tingin mo kakainin ko 'yan? Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na kumakain lang ako ng mamahaling pagkain? Gusto mong isubsob ko ang pagmumukha mo sa sabaw na 'yan?!" Galit na tanong ni Fiona habang nanlilisik ang mga mata sa omega na nasa harapan niya.

"Kung ayaw mong kainin, mamatay ka sa gutom," mataray na sagot ninto, simula nang malaman ng pack members ng Forestheart ang ginawang panlalason ni Fiona sa kanilang Alpha, lahat sila ay tumalikod na sa kanilang Luna at isinumpa ito.

"Anong sabi mo?! Ang kapal naman ng mukha mo na sumagot sa Luna mo!" Hiyaw niya at ngumiti lang ang omega.

"Pasensya ka na Fiona, pero apat na araw ka ng hindi Luna. Tanggal ka na sa posisyon na 'yun at wala ka ng otoridad para utusan kami," sagot ng babae sa kaniya at sumadal sa pader para mag check ng social media niya.

Kailangan niyang intayin matapos kumain si Fiona, pinapabantay din ito sa kaniya ni Alpha Diego upang malaman na hindi magtatangka si Fiona na patayin ang kaniyang sarili.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now