CHAPTER: 78

515 38 0
                                    

Sinalubong nila Calix at iba pang pack members ang pagdating ng kanilang Alpha at Luna, ilang linggo na rin nilang hindi nakikita si Elara dahil sa matagal na pananatili ninto sa Forestheart. Pagbaba pa lamang ni ELara ng sasakyan ay ramdam niya na ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng pack members ng Nightraven, ito ang tunay na tahanan niya, ito ang pack na tunay na tumanggap sa kaniya.

"Calix, kamusta na? Sorry kung naiwan ka sa dami ng trabaho sa pack," sagot ni Elara kaya umiling lang si Calix. Alam naman ni Calix na mas maraming ginawang trabaho si Elara lalo na ngayon na isasabak ito sa malalamng training sa Lumire Empire.

"Ayos lang Luna Elara, sanay na akong iwan ng maraming trabaho no," sagot ni Calix sabay tingin sa direksyon ni Damian.

"Pinaparinggan mo ba ako?" Tanong naman ni Damian sa kaniyang Beta, nagbangayan ang dalawa na kinatawa lamang ni Elara. Habang naglalakad sila papasok ng pack house ay pinaulanan siya ng tanong at pagbati sa pagbabalik niya.

"Kamusta ang pagiging Luna sa Forestheart, Luna Elara? Sabihin mo sa amin anong mas gusto mong pack?" Tanong ni Jake, kahit kasama siya sa pagbabantay sa Forestheart ay nakikisali pa rin siya sa kaguluhan ng pack members nila.

"Syempre mas gusto ko pa rin sa Nightraven no, ito kaya ang tahanan ko," sagot ni Elara at masayang sinamahan sa saglit na kwentuhan ang pack memebers niya.

Nagkaroon ng munting salo-salo ang Nightaven, panay lang sila kwentuhan habang kumakain sa mahabang lamesa sa gilid ng training ground. Mainit at mataas ang sikat ng araw pero hindi ito alintana sa kanila dahil sa mga makakapal na puno na nakapalibot sa kanila. Masasayang tawanan at asaran ang umaalingawngaw sa paligid, mga kwentuhan at catch up sa mga nangyari sa lumipas na linggo.

"Sayang wala si Melody ngayon," tugon ni Elara, inabutan siya ng maiinum ni Liliam at agad naman siya nagpasalamat dito.

"Alam ko nasa mission pa rin siya eh, pero oo nga bakit hindi pa rin nakakauwi si Melody? May balita ba kayo sa kaniya?" Tanong ni Lilian na nagtataka na rin sa hindi pag-uwi ni Melody.

Alam ni Elara, Damian at Calix ang totoong dahilan, kaya hindi pa nakakauwi si Melody sa pack nila ngayon ay dahil siya ang sasama kay Elara sa training ninto sa Lumire empire. Hindi kasi nila napapayag si Alpha Kalil na papuntahin si Emmanuel sa Summergrave dahil delikado ito para kay Emmanuel lalo na't hindi naman natatago sa matataas na opisyal ang totoong pagkatao ni Emmanuel, isa pa ay Beta ng Hervauex si Emmanuel at hindi niya maaaring iwan ang kaniyang posisyon sa matagal na panahon.

"Sana okay lang siya, nag me-message naman siya sa inyo right?" Tanong ni Lilian.

"Oo, huwag kayo mag-alala okay lang ang babae na 'yun," sagot ni Calix, hindi niya kasi alam kung dapat ba malaman ng ibang pack members ang tungkol sa totoong pagkatao ng kanilang Luna. Wala pa sa kasiguraduhan kung makakayanan ba ni Elara ang training at pagkontrol sa kaniyang wolf kaya naman hindi pa rin magawang sabihin ni Calix ang totoo sa ibang pack members nila.

Napatingin si Elara kay Damian at Calix, halata ni Elara na wala pa ring balak ang dalawa na aminin sa lahat ang kalagayan niya. Pero para kay Elara ay kailangan malaman ng pack members nila ang totoo, dahil karapatan nilang malaman na ang kanilang Luna ay isang Lerian.

"Guys, may sasabihin ako," sagot ni Elara na nakatawag ng atensyon ng lahat, bawat isa ay napatigil sa kanilang ginagawa, may ilan na napatigil sa pagnguya, may ilan na hindi na naabot ang pagkain sa kabilang plato at may ilan naman na napatingin sa direksyon ni Elara na may pagtataka.

Unang beses lang nila marinig si Elara na mauna mag open ng conversation kaya naman laking gulat pa rin nila na magsasalita sa kanilang harap ang kanilang Luna.

"Elara," tawag naman ni Damian, halatang hindi pa ito sigurado kung dapat bang sabihin sa lahat nag tungkol sa tunay na pagkatao ni Elara.

"Okay lang Damian, kailangan din nila malaman ang bagay na 'to dahil pano kung pumalpak ako? Pano kung hindi ko magawa? Kailangan nilang maging handa sa kahit anong outcome," sagot naman ni Elara na agad na naintindihan ni Damian.

Revenge of a RejectedOnde histórias criam vida. Descubra agora