CHAPTER: 93

293 21 3
                                    

Napatayo si Calisto nang makita niyang paparating si Francis sakay ng itim nitong sasakyan. Naamoy niya na mag isa lamang si Francis at mukhang hindi nagtagumpay sa kaniyang mission.

"Andyan na si Francis," sagot ni Calisto kay Elijah na busy pa rin sa kaniyang pagtatrabaho. Napatingin si Elijah sa labas ng bintana at natanaw sa main gate ang papasok na sasakyan ng kuya Francis niya.

Hindi maiwasan ni Elijah na kabahan, kahit na sira na ang bond nila ni Fiona ay naging fated mate niya pa rin ito at hindi pa rin tinatanggap ni Fiona ang rejection niya bilang mate.

Sa kanilang mga lycan kasi ay pwede nilang i reject ang fated mate nila, kahit magkalayo sa isa't isa ay mararamdaman nila ang pagputol ng koneksyon nila sa isa't isa. Mararamdaman nila ito na para bang dinudurog ang kanilang puso at mahihirapan sa paghinga, manghihina at ilang araw na hindi makakakain.

Alam niyang dinanas na ito ni Fiona dahil ilang buwan na rin ang lumipas nang ireject ni Elijah ang bond nila. Kaya wala na siyang alam sa ano mang nangyayari kay Fiona, hindi niya na nararamdaman ang nararamdaman nito ko na sesense ang lungkot at saya ni Fiona. Pero siya, hindi niya pa nararamdaman na ni reject na siya ni Fiona bilang fated mate, kaya alam niyang nararamdaman pa rin ni Fiona ang galit nya.

Nakarinig ng pagkatok si Calisto at Elijah kaya agad na tumayo si Calisto upang pagbuksan ng pinto si Francis. Pagbukas pa lamang ng pinto ay nakangiti nang bumati ito kay Calisto.

"Pano ba 'yan malaya na ko," masayang sagot ni Francis kahit na nagluluksa ang wolf niya sa pagkamatay ng kanilang anak.

"Panong malaya ka na eh hindi mo kasama si Fiona? Nasaan siya?" Seryosong tanong ni Calisto at napatingin si Francis sa kapatid niyang si Elijah na ngayon niya na lang ulit nakita. Hindi niya maiwasan na maawa rito at nakokonsensya pa rin siya sa nangyari sa kapatid niya. Wala naman kasi sa usapan nila na lalasunin ni Fiona si Elijah at ngayon ay hindi na siya makatingin sa mga maga ni Elijah dahil sa nangyari.

"Nakita ko siya, nagkausap kami pero pumalag siya at nahulog sa bangin," sagot ni Francis saka pinakita ang video at ilang picture na kinuha niya. Nakita ni Calisto ang kalunos-lunos na nangyari sạ stepdaughter niya, nakaramdam siya nang awa at hindi magawang tignan ang sinapit ni Fiona.

"Ang anak mo, hinayaan mo siyang mamatay kasama ni Fiona?" Tanong ni Elijah, hindi niya akalain na ganito ang tunay na ugali at pagkatao ng kaniyang kuya Francis, na makakaya nitong patayin ang sarili niyang anak para lamang makalaya sa mga kasalanan na kaniyang nagawa.

"Wala na akong magagawa, nagdugo na siya at hindi ko naman iyon ginawa sa kaniya kundi siya mismo ang gumawa nun sa sarili niya. Kung sumuko na siya nang maaga pa lang ay hindi siya mahuhulog ss bangin na iyon at makukunan," sagot ni Francis, iwas ang tingin niya sa dalawa dahil alam niyang isa siyang walang kwentang ama.

Napayukom ng kaniyang kamao si Calisto, hindi niya nais na ganun ang sapitin ni Fiona. Alam niyang marami itong nagawang kasalanan pero hindi kailangan madamay ng batang dinadala niya.

"Ano, malaya na ba ako?" Tanong ni Francis at nagkatinginan si Calisto at Elijah.

"Kailangan ko muna sabihin kay Alpha Damian ang balita na ito pagtapos ay iintayin ko kung anong pasya niya," sagot ni Calisto kaya walang nagawa si Francis kundi mag intay ng sagot ni Damian sa bagay na ito.

Agad na tumawag si Calisto kay Damian, saktong break time naman nila Damian sa training kaya may oras siya para i-check ang mga report nila Calisto at Calix sa kaniya.

"Anong report?" Direktang tanong ni Damian sa kabilang linya, napatingin naman si Elara at Melody na kasama niyang kumakain sa lilim ng puno habang break time.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon