CHAPTER: 96

284 20 3
                                    

Pagmulat ng mga mata ni Elara ay nagulat siya sa tumambad na gulo sa loob ng cabin. Ang mga kagamitan ay nakatumba, may ilang gamit din ang nabasag, mga kurtinang nakabagsak at mga gamit na wala na sa lugar.

Nalunok siya sa kaba, ano bang nagawa nila? Wala na siya sa sarili kahapon dahil sa in heat siya, hindi niya na rin makontrol ang sarili niya kahit naalala niya lahat ng mga pinaggagawa nila ni Damian.

"Hmmm..." napalingon si Elara nang makita niya sa kaniyang tabi si Damian, halatang pagod na pagod ito at masarap ang tulog. Nakayakap si Damian sa kaniyang bewang habang pareho silang walang anumang damit sa katawan.

Napatakip si Elara sa kaniyang mukha dahil sa sobrang hiya, hindi niya akalain na magiging ganon ka intense at wild ang mangyayari sa kanila ng kaniyang Alpha.

Gusto niya na lang lamunin ng lupa habang nag pa-flashback sa kaniyang isipan kung gano siya ka wild kahapon at kung pano niya pagurin ng todo si Damian.

"Ano bang pinaggagawa ko," nahihiyang bulong ni Elara habang hindi niya maalis ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.

Ramdam niyang hindi pa tapos ang in heat cycle niya, kung tama ang pagkakaalam niya ay umaabot ito ng lima hanggang sa pitong araw. Isang linggo rin kung tutuosin, pero habang natutugunan ang uhaw ng kaniyang katawan ay mawawala rin paunti-unti ang init na kaniyang nararamdaman.

Masaya siya na andito si Damian sa tabi niya para punan ang mga hinihiling niya, masaya na si Damian ang fated mate niya.

Napangiti si Elara at inayos ang magulong buhok ni Damian, natatakpan nito ang makapal na kilay ni Damian ganoon na rin ang nakapikit nitong mga mata at mahahabang pilik mata.

Ang gwapo ng kaniyang Alpha, kahit may mga pilit ito sa mukha at katawan ay hindi nabawasan sa paningin ni Elara ang kagwapuhan na tinataglay ni Damian. Hindi niya akalain na ang gwapong mukha na ito ay pupwesto sa pagitan ng kaniyang mga binti— "ano ba 'tong pinag-iisip ko," nahampas ni Elara ang kaniyang mga pisngi dahil muli na naman naglalaro sa kaniyang isipin ang mainit na paglalaro nila sa apoy ni Damian kagabi.

Marahan na inalis ni Elara ang pagkakayakap sa kaniya ni Damian, at dahan dahan na umalis sa kama. Pansin niyang pagod na pagod talaga si Damian dahil hindi nito naramdaman ang pag-alis niya sa kama. Noon kapag magkatabi sila at balak niya na bumangon sa kama ay agad siyang hihilahin ni Damian pabalikat yayakapin nang mahigpit, ngayon ay tulog na tulog ito, bahagya pang nakaawang ang bibig nito dahil sa pagod.

Nagtungo naman sa banyo si Elara para maghilamos at linisin na rin ang kaniyang katawan na sobrang lagkit. Nais niya na rin magbabad sa tubig dahil nararamdaman niya na naman ang pag-init ng kaniyang katawan.

Kinakabahan si Elara, hindi niya alam na ganito katindi ang in heat cycle niya ngayon na magigising na ang kaniyang wolf. Ano pa kaya ang mangyayari sa kaniya kung totoong gising na ang wolf niya?

Agad na binuksan ni Elara ang shower at naligo na, buti na lamang at may mga damit na sa loob ng cabin, hihiram na muna siya ng damit dahil hindi niya na alam kung saan niya naiwan ang mga damit niya.

Nang makatapos maligo ay pinilit ni Elarang ibaling ang kaniyang atensyon sa paglilinis ng loob ng cabin. Kailangan niyang lituhin ang kaniyang utak upang hindi niya mapansin o mangibabaw ang nararamdaman niyang init sa kaniyang katawan.

Pagbaba niya sa first floor ay nagimbal siya sa mga kagamitan na nagkalat sa buong paligid, para itong dinaanan ng ipo-ipo dahil sa gulo. Lalo tuloy namula ang kaniyang mga pisngi dahil kahit saan siya lumingon na sulok ng cabin ay nakikita jiya ang mga ginawa nilang posisyon ni Damian sa parte na iyon ng cabin.

"Moon Goddess Chandra, ano bang nangyayari sa'kin," bulong ni Elara sabay iling ng kaniyang ulo dahil hindi mawala ang hiya na kaniyang nararamdaman ngayon.

Revenge of a RejectedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang