CHAPTER: 92

330 23 3
                                    

Isinara ni Elijah ang laptop niya at tumingin kay Calisto, kanina pa siya nakikinig sa mga plano ni Calisto na nagdudulot sa kaniya ng pangamba. Hindi sigurado si Elijah kung tama ba na sundin ang sinasabi sa kaniya ni Calisto pero kung sang-ayon at payag si Damian doon ay wala na siyang karapatan na makialam.

"Sigurado ka bang magandang paraan ang gagawin mo? Pano kung tumakas lang si Francis? Pano kung tulungan niya pa si Fiona para makatakas?" Tanong ni Elijah habang nakaupo sa wheelchair niya, tinulak niya ang mga gulong nito at humarap sa bintana. Gusto niya makalanghap ng sariwang hangin para mawala ang stress niya

"Hindi niya papatakasin si Fiona dahil matalino si Francis, mas gugustuhin niya pa na makalaya siya kaysa sa makasama si Fiona at habang buhay na magtago," sagot ni Calisto, nakatingin siya sa baso ng tsaa na hawak niya.

"Pinayagan ako ni Alpha Damian na palayain si Francis kung maiuwi niya si Fiona rito ng buhay, pero syempre exile na siya sa pack," dagdag ni Calisto at napatingin kay Elijah na ngayon ay malayo ang tingin at mukhang naglalayag din ang isip.

"Pareho kaming mapapaalis ss pack na kinalakihan namin dahil sa pagkasakim namin sa kapangyarihan. Pinag-aagawan namin ang posisyon bilang Alpha pero tignan mo kung kanino na punta, doon pa sa walang balak na patakbuhin ito— sa outcast at blacksheep ng pamilyang Reed." Huminga nang malalim si Elijah, at muling tumingin sa malawak na lupain ng Forestheart.

Ngayon na baldado na ang dalawa niyang binti at hindi na makalakad, iniisip niya kung pano siya maglalakbay sa malawak na mundong ito gamit ang wheelchair niya.

Hindi niya akalain na ang minamahal niyang pack ay iiwan niya na at lalabas na sa mundo bilang isang normal na he-wolf. Hindi niya nga alam kung ituturing pa ba siyang rogue dahil pano siya magiging isang werewolf o lycan kung hindi niya magamit ang mga paa niya para tumakbo nang mabilis at sumabay sa hangin?

"Makakapagsimula ka pa ng bagong buhay Elijah, mahahanap mo rin 'yung tunay na kasiyahan mo," sagot ni Calisto saka binaba ang tsaa na hawak niya sa lamesa.

"Habang buhay mong pagbabayaran ang mga kasalanan na ginawa mo sa pamamagitan ng mga paa mong 'yan, pero hindi ibig sabihin nun ay habang buhay ka na rin magiging malungkot at mag-isa, humahanap ka ng dahilan para sumaya," sagot ni Calisto sabay tapik sa balikat ni Elijah. Alam ni Calisto ang ginawang pangloloko si Elijah sa anak niya pero hindi niya rin nakakalimutan ang magagandang bagay na ginawa niya kay Elara.

Kaya siya boto kay Elijah noon ay nakira niya kung pano ito magsikap maging Alpha para hindi na maliitin ng iba ang anak niyang si Elara, nakita ni Calisto kung gano kasaya si Elara nung mga panahon na totoong mahal pa nila ang isa't isa, pero mukhang iba talaga ang balak ng Moon Goddess para sa anak niyang si Elara at para kay Elijah.

"Mauna na ako, kakausapin ko na si Francis sa dungeon," sagot ni Calisto at naglakad na palabas ng opisina. Naiwan doon si Elijah na nakatingin lang sa malawak na lupain kung saan siya madalas tumatakbo noon, masayang sumasabay sa hangin at dinadama ito sa kaniyang buong katawan.

Napatingin si Elijah sa kaniyang mga binti, at malungkot na napangiti, "mangangarap na lang ako na bigyan ako ng Moon Goddess ng bagong fated mate, isang mate na tatanggipin ang kakulangan ko," bulong niya sa kaniyang sarili at bumalik na sa harapan ng table para basahin lahat ng report.

Naglakad si Calisto pababa ng hagdan, daladala niya ang isang lampara at nagtungo sa dulong bahagi ng dungeon. Habang naglalakad ay rinig na rinig niya ang umeekong bulong ni Fernanda, araw-araw ay ganito ang naririnig niya kay Fernanda, kinakausap nito ang kaniyang sarili buongrg araw at gabi habang binibilang ang hibla ng kaniyang buhok.

Hindi na tumuloy si Calisto sa selda ni Fernanda dahil tatlong selda bago iyon ay ang selda naman ni Francis. Huminto siya ng hakbang sa harap ng selda ni Francis at tinapay ang lampara para makita ang kalagayan ng dating Beta ng Forestheart.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon