CHAPTER: 80

392 30 2
                                    

Kasamang naglalakad ni ELara si Emmanuel at nililibot siya sa buong Herveaux pack. Pansin ni Elara ang malaking pagkakaiba ng pack na ito sa mga pack na nakita niya na. Naghahalo ang mga tao at, werewolf at lycan sa iisang pack na para bang isang malaking komyunidad, halata rin sa bawat mortal na alam nila ang tinatagong sikreto ng mga Herveaux dahil sa normal na pakikitungo nila sa bawat isang member ng pack na ito.

"Naninibago ka ba? Ngayon ka lang ba nakakita ng isang pack na may members na mortal?" Tanong ni Emmanuel sa kaniyang pamangkin dahil ito ang nahahalata niya sa mga mata ni Elara ngayon. Puno ito ng katanungan at kuryosidad, pero may halo rin pagkamangha at excitement ang ekpresyon na nakikita niya sa kaniyang pamangkin na si Elara.

"Ang galing lang dahil ngayon lang ako nakakita ng isang pack na may kasamang mga mortal, kadalasan kapag may isang pack members na may fated may na mortal ay pinapalayas sila sa pack house para maitago ang sikreto nating mga lycan at werewolf pero sa pack na ito ay magkakasama silang nabubuhay," sagot ni Elara. Gaano kaya kasama maging parte ng pack na ito na wlaang deskriminasyon o hadlang sa ano mang uri ng nilalang.

"Hahaha, baka magulat ka kapag nalaman mo na may dalawa kaming bampira na members sa pack, well actually hindi naman totally pack members sila pero parang ganoon na rin dahil dito sila nakatira at umuuwi pagtapos ng isang mission," paliwanag ni Emmanuel, gusto niya pa gulatin ang kaniyang pamangkin na si Elara dahil halata niya na ngayon lang ito nagsisismula na lumabas sa safe xone niya, ngayon lang ito nagsisimula mag explore at mag adventure sa ibang lugar.

"Totoo po? Pero hindi ba't mortal natin silang kaaway? Ang daming bampira na pumapatay ng kapwa werewolf at lycan natin, lalo na sa Summergrave Empire," sagot ni Elara, nung nakaraan lang ay may nakita siyang report tungkol sa insedente na iyon kung saan tatlo sa mga rogue lycan ang inatake ng mga vampire.

"Pero hindi naman lahat ng bampira ay kalaban natin, kagaya ng mga werewolf at lycan, hindi naman lahat sa kanila ay kakampi natin," sagot ni Emmanuel. Napayuko si Elara, may punto ang kaniyang tiyuhin sa bagay na iyon, hindi porque hindi mo kauri ay sasaktan ka na at kundi dahil sa kauri mo sila ay hindi na sila kalaban, napatunayan na ni Elara ang bagay na iyan sa pack na kinalikihan niya kung saan siya pinagmalupitan kahit na pack members naman siya.

Napansin ni Emmanuel ang pananahimik ni Elara, halata rin sa mukha ninto ang lungkot at pagtatanong. Naalala tuloy ni Emmanuel ang nakwento sa kaniya ni Calisto at Melody sa kung paano tinuring ng Forestheart si Elara nitong mga nakaraang taon dahil sa pagiging wolfless niya at mahinang omega.

"Nabalitaan ko kay Calisto na hindi maganda ang naging trato sa'yo ng Forestheart pack. So, bakit pinaglalaban mo pa sila ngayon? Bakit nais mo silang protektahan at pangalagaan bilang Luna?" Tanong ni Emmanuel, nais niyang makilala pa ang kaniyang pamangkin na si Elara upang malaman din ang kakayahan, kung gano katibay ang loob ni Elara dahil iyon ang kailangan niya para makontrol ang wolf niya bilang isang Lycan na may dugong Lerian.

"Sa totoo lang ay hindi ko na rin nais pang maging konektado sa pack na iyon, masyado akong maraming masasamang memorya roon na nais ko na lang iwan at kalimutan. Pero nung nakita ko kung gano kagusto ni Damian na maligtas at mabago ang pamamalakad ng Forestheart para na rin sa kinabukasan hindi lang ng mga members ninto ngayon kundi para na rin sa mga kabataan na may magandang hinaharap. Nung nakita ko siya kung pano niya iligtas sa maling pamamalakad ang mga pack members ng Forestheart kahit na pareho lang kaming sinusuka ng pack na iyon noon ay naramdaman ko sa sarili ko na, hindi porque pinagmalupitan nila ako ay kailangan ko na rin maging mababa kagaya nila. Ayoko maging kagaya nila kaya gusto ko baguhin ang paniniwala nila," sagot ni Elara na hindi mapigilan mapatingin sa mga palad niya at mapangiti nang maisip niya ang kaniyang Alpha.

Ramdam ni Emmanuel ang malalim na pagtitiwala ni Elara at Damian sa isa't isa, bagamat hindi niya pa personal na nakikita o nakakausap si Damian, ramdam ni Emmanuel na si Damian ang nagtuturo kay Elara pano magtiwala ulit, pano magpatawad at tumingin sa hinaharap nang buong puso at walang takot.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon