CHAPTER: 76

412 33 4
                                    

Nagtataka si Elara kung bakit bigla siyang pinatawag ni Calisto upang makipag-usap. Alam niya na may mga bagay pang mahirap pag-usapan sa pagitan nilang dalawa ng kaniyang ama, ayaw niya na lalong malungkot si Calisto at sisihin ang sarili niya sa mga nangyari, pero hindi niya rin naman pwede takasan ang mga bagay na ito na kailangan nilang harapin.

Gusto sana ni Elara na bigyan ng space ang kaniyang ama upang makapag-isip pa at makapagpahinga sa lahat ng mga nangyari nitong nakaraang araw.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Fiona at Algern na tumakas sa mga kaso nila. Habang si Fernanda naman ay iniinteroga ni Alpha Diego at iba pang gamma sa Forestheart.

"Dad, okay lang naman sa 'kin kung gusto mo muna magpahinga." Sagot ni Elara habang hawak ang kaniyang buhok na tinatangay ng malumanay na hangin sa malawak na libingan ng Forestheart pack.

Sumasayaw ang mga bulaklak sa pagdampi ng hangin sa malawak na pakapatagan, tanging maririnig lamang sa paligid ay ang pagpagaspas ng mga dahon sa puno at ilang huni ng ibon at hayop sa gubat sa kanilang likuran.

Nasa harapan sila ngayon ng puntod ng kaniyang namayapang ina, nakatingin si Calisto sa pangalan ni Emely habang may bagong pitas na white daisy sa ibabaw ng puntod ninto.

"Marami akong kailangan sabihin at aminin sa'yo, gusto ko na matapos at maayos ang lahat ng gulo na 'to kaya ayoko na maglihim pa," sagot naman ni Calisto na siyang kinalito ni Elara.

Anong lihim? May iba pa bang bagay na hindi nalalaman ni Elara? May kailangan pa ba siyang malaman sa sarili niya? O may koneksyon ang lihim na 'to sa bagay na hindi rin masabi sa kaniya ng kaniyang fated mate na si Alpha Damian? Malakas ang kutob ni Elara na konektado ang dalawa na ito, kinakabahan lamang siya sa kung pano niya ito haharapin ngayon.

"Una sa lahat, gusto ko humingi ng pasensya sa'yo dahil hindi ko nakita ang ginagawang pagmamalupit sa'yo ni Fernanda at Fiona. Buong akala ko ay nakahanap na ako ng katuwang na mag-aalaga sa'yo habang wala ako, hindi ko alam na nagpatira na pala ako ng ahas sa sariling pamamahay ko," sagot ni Calisto, nagsisimula na naman umakyat ang galit sa kaniyang puso, nayukom niya ang kaniyang mga kamao at pinigilan ang kaniyang galit dahil ayaw niya ipakita sa harap ng kaniyang anak at asawa ang panget niyang imahe.

"Naiinis ako dahil naloko nila ako, totoong napaikot ako ni Fernanda sa mga kamay niya na para bang puppet na pinapagalaw niya" dagdag ni Calisto, patuloy siyang nakayuko at wala ng mukhang maihaharap pa sa kaniyang anak.

"Hindi ko man lang tinanong kung kamusta ka, kung anong nangyayari sa'yo habang wala ako. Nalaman ko rin na binabago ni Fernanda ang laman ng suppressant medecine mo, kagaya ng ginawa niya sa mga gamot na binibigay ko sa iyong ina," saad ni Calisto, nasapo niya ang kaniyang ulo. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Fernanda at nahulog siya sa klase ng she-wolf na ipapahamak ang totoong pamilya niya.

"Dad, tapos na ang lahat. Hindi ko rin naman hinayaan na pagmalupitan nila ako, lumaban naman ako kaya huwag mo na sisihin ang sarili mo," sagot ni Elara, pero kung tutuosin ay isa rin siyang malaking tanga noon.

Kung hindi binigyan ng second chance ng Moon Goddess si Elara ay isa rin siya sa naging uto-uto at puppet ni Fernanda at Fiona. Isa rin siya sa mga naloko ninto at ginamit sa mga plano nila.

Hindi kasalanan ni Calisto ang lahat dahil aminado si Elara na nais niya rin na magkaroon ng buong pamilya, akala niya ay pupunan ni Fernanda at Fiona ang pagkukulang na iyon sa pamilya nila, kaya tinatanggap ni Elara ng buo ang bagong parte ng pamilya nila.

"Pero Elara, hindi ka maghihirap kung hindi dahil sa akin. Hindi mamamatay si Emely kung hindi dahil sa pagkawalang bahala ko," sagot ni Calisto, alam niyang hindi niya na maibabalik pa ang nakaraan para itama pa ang mga nagawa niyang kasalanan, hindi niya na maitatama ang mga desisyon niya at hinding hindi niya na maibabalik pa ang buhay ng kaniyang asawa na si Emely.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon