CHAPTER: 01

1K 30 4
                                    

Hindi makapaniwala si Elara nang makita niya ang dalawang linya sa pregnancy test na hawak niya, dalawang buwan ng delay ang menstruation niya at may kakaiba na rin siyang pagbabago na nakikita at nararamdaman sa kaniyang katawan.

Nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin sa dalawang pulang linya. Agad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan ang boyfriend niyang si Alpha Elijah pero ilang beses na itong nagri-ring ay wala pa ring sumasagot sa kabilang linya.

"Bakit ayaw mong sagutin Elijah?" Tanong ni Elara at hindi maiwasang kabahan. Pero alam niyang mas nangingibabaw ang saya sa puso niya dahil sa wakas ay nagbunga na ang pagmamahalan nilang dalawa ni Elijah.

Matagal na silang magkasintahan ni Elijah, hindi pa ito hinahalal bilang Alpha ng Forestheart pack ay magkarelasyon na silang dalawa. Magkababata sila at sabay na lumaki, si Elijah ang nag iisang kaibigan ni Elara dahil bilang isang sakitin na Lycan ay walang ibang bata ang nais makipaglaro sa kaniya noon.

Niligawan siya ni Elijah nung tumuntong siya sa edad na fifteen habang si Elijah naman ay eighteen at sinagot niya ito nung sixteen na siya. Ngayon na nineteen na Elara ay hindi siya makapaniwala na maaga siyang magiging ina at bubuo ng pamilya kasama ang pinakamamahal niyang si Elijah.

Masunurin at mabait na anak si Elara, maaga man siyang nawalan ng ina at lumaki sa pagpapalaki lamang ng kaniyang ama ay hindi naman ito naging hadlang para maging isang mabuting anak si Elara.

Seventeen siya ng muling mag asawa ang kaniyang ama na si Calisto. Pinatira ni Calisto ang kaniyang chosen mate na si Fernanda at ang anak nito na si Fiona sa kanilang bahay. Simula noon ay hindi na mag isa si Elara tuwing umaalis para sa misyon ang kaniyang ama.

Masaya si Elara sa muling pagpapakasal ng kaniyang ama, nais niyang makita itong masaya at may kasama sa pagtanda. Mabait din ang pakikitungo ni Fernanda at Fiona sa kaniya lalo na kapag nasa bahay si Calisto, kahit na minsan ay nararamdaman niyang hindi siya tinuturing na tunay na anak ni Fernanda ay sapat na sa kaniya ang pakiramdam na may tinatawag siyang ina.

Kaya hindi nagdalawang isip si Elara na sabihin ang balita kay Fernanda at Fiona. Agad siyang tumakbo pababa ng hagdan at hinanap ang step mom at step sister niya na nakaupo sa sala habang binubuksan ang mga bagong shopping bag na nagkalat sa sala.

"Mom! May maganda akong balita na gustong i-share sa inyo," masayang sabi ni Elara at agad na lumingon ang dalawa na may pagkairita sa kanilang mga mukha.

Hindi maitago ni Fiona ang pagkainis dahil sa excited na siyang tignan ang mga bagong damit na kanilang binili gamit ang credit card ni Calisto.

"Ano 'yun Elara?" Tanong naman ni Fernanda habang nakangiti ng peke kay Elara.

Agad na pinakita ni Elara ang pregnancy test na hawak niya at naningkit ang mga mata ni Fernanda nang makita ang dalawang pulang linya na naroon. Napatayo sa gulat si Fernanda at hindi makapaniwala sa balitang pinakita sa kaniya ni Elara.

Masaya naman nakangiti si Elera, iniintay ang congratulations galing sa kaniyang step mom at step sister pero ang pinagtataka niya ay bakit parang gulat na gulat ang mga ito at may halong pagkadismaya ang pinapakitang reaction ng mga ito sa kanilang mukha.

"Si-si Alpha Elijah ba ang ama ng pinagbubuntis mo?" Tanong ni Fiona kay Elara at masaya naman sumagot ng oo si Elara habang hindi matanggal ang ngiti sa kaniyang mukha.

Lumapit si Fernanda kay Elara at hinawakan ang dalawang balikat ng dalaga, tinignan niya nang seryoso ang mga mata nito. "Pero hindi ka pa naman niya minamarkahan hindi ba? Hindi ka pa opisyal na chosen mate ni Alpha Elijah?" Tanong ni Fernanda na nagbigay ng pagtataka kay Elara na walang nagawa kung hindi itango ang na lamang ang kaniyang ulo.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon