CHAPTER: 12

508 27 0
                                    

"Hindi ba siya nahihiya? Pagtapos niyang sabihin ang mga salitang iyo sa harap ng buong angkan ng mga Reed, may mukha pa rin siyang ihaharap ngayon?"

"Ang kapal talaga ng mukha ng omega na 'yan, hindi porque anak siya ni Calisto ay ganiyan na ang iiasta niya. Siguro ay palabas niya lang ang pagiging mabait at mahinhin niya para mapaikot niya si Alpha Elijah." Samo't saring mga bulung-bulangan ang bumati kay Elara habang naglalakad siya papunta sa hunting ground.

Sa araw na ito gaganapin ang taunang contest ng Forestheart pack kung saan lahat ng mga kalalakihan ay maghuhunting at paramihan ng mahuhuling mga hayop. Kung ang isang member ng Forestheart pack ang mananalo ay maaaring tumaas ang rank niya sa pack, kung bisita naman at member ng Reed family ay bibigyan ng premyo o kahilingan mula sa Alpha.

Pinaghahandaaan ito ng bawat member ng pack dahil ito na ang pagkakataon nilang tumaas ang rango sa pack, excited din sila dahil tuwing idadaos ang event ay may paraan na sila para umamin sa nagugustuhan nilang she-wolf. May kasabihan kasi sa pack na kapag ang isang contestant ay binigay lahat ng kaniyang nahuli sa isang dalaga ay isa na rin itong pagpapakita ng pag-ibig niya, dahil dito ay excited na rin ang mga babaeng member ng pack sa kung sino ang maaaring makatanggap ng pag-amin.

Noon, kada taon ay binibigyan ni Elijah si Elara ng mga nahuhuli niyang hayop, si Elijah din ang parating nanalo sa palarong ito kaya madalas ang hinihingi niyang premyo ay ang malaking halaga ng pera na ginagamit niya sa mga luho niya.

"Ang ganda ng araw ngayon," sagot ni Elara kay Melody habang naglalakad sila papunta sa hunting ground.

"It's the perfect weather for screwing someone over," dagdag pa ni Elara habang nakangiti nang malambing kay Melody. Napangiwi at kabado naman si Melody sa mga naiisip na plano ng best friend niya, alam niyang siya ang pasimuno ninto at kung hindi niya sinulsulan si Elara na gumanti ay hindi naman ito papatol sa mga kaaway nila.

Pero ngayon mukhang nagsisisi na siya, alam niyang nakakatakot kapag napuno na ang isang taong mabait.

"Girl, pwede ba kumalma ka. May binabalak ka na naman ba?" Bulong ni Melody, pansin niya kasi na nakatingin ang lahat sa direksyon nila at hindi naman sila bingi para hindi marinig na sila ang pinag uusapan ng mga tao.

"Hmm... depende, pero balak ko naman kumalma ngayon. Manonood lang tayo promise," sagot ni Elara pero hindi naniniwala si Melody pagtapos bigkasin ng best friend niya na magandang panahon ito para manira ng iba.

"Saka masaya ako kasi wala si Fernanda ngayon, at binalik niya na sa akin ang savings account ko," bulong ni Elara at napangiti naman si Melody.

Sinabi na ni Elara kay Melody ang mga pakitang tao na ginagawa ni Fernanda at Fiona sa kaniya at sa tatay niya na si Calisto. Kaya nang makuha ni Elara ang savings account niya at makitang binalik ni Fernanda ang mga nagastos niya rito ay sapat na iyon sa kaniya para magsimula ng maganda ang araw niya.

"Saan naman pumunta 'yang manglukulam mong stepmom?" Tanong ni Melody at nagbikit balikat lamang si Elara. "Hindi ko alam, may kailangan daw siyang asikasuhin," sagot ni Elara pero hindi siya nagpapakampante kay Fernanda, ngayon na kilala niya na ito ay malakas ang kutob niya na may binabalak itong masama at may panibagong binubuong plano.

"Sis!" Napalingon sina Elara at Melody sa kararating lang na si Fiona. Agad na kumunot ang noo ng dalawa nang makita ang pananamit ni Fiona, nakasuot ito ng simpleng yellow dress, straight na ngayon ang laging kulot na buhok ninto at simple lang ang make up sa kaniyang mukha.

Agad na bumulong si Melody habang nandidiring nakatingin kay Fiona. "Damit mo ba 'yun? Ginagaya niya ba ang style ng pananamit mo at ng pag-aayos mo? Ngayon ko lang nakitang hindi kulot ang buhok ng babaeng 'yan at hindi naka red lipstick," mahinang bulong ni Melody, hindi niya kasi magawang makipagmind link kay Elara dahil sa wolfless ang best friend niya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now