CHAPTER: 28

485 38 8
                                    

Gusto na lamang magreklamo ni Calix dahil hindi niya gusto masali sa gulo na 'to, alam niyang pag-iinitan siya ni Alpha Damian dahil siya ang pinili ni Elara na kanilang Luna.

"Pwede ba mag back out?" Tinatamad na tanong ni Calix, nakasuot na siya ng puting t-shit at may towel na puti na nakasampay sa kaniyang balikat.

"Bakit ka magbaback out? Ugali ba ng isang Nightraven ang umurong sa dwelo?" Tanong ni Damian, hinawakan niya ang kaniyang leeg at binaling ang kaniyang ulo sa magkaibang direksyon, panay ang oag uunag ni Damian at handa na sa laban.

"Alam mo ang petty mo," sagot na lamang ni Calix sabay buntong hininga at ibinaba na ang note book at mga perang kinulekta niya.

"Alam ko," sagot naman ni Damian habang nakangiti, gusto niya lang ipakita kay Elara na matatalo niya si Calix at siya ang pinaka malakas na Alpha sa buong Summergrave.

"Mag start na ang laban," excited na sagot ni Melody at hindi na rin maitago ni Elara ang excitement sa mga mangyayari. Mahigpit siyang napakapit sa railings at pinanood ang labanan.

Tumayo an sa gitna ng training ground si Damian at isa-isa naman pumuwesto pabilog ang mga kakalaban sa kaniya. Ang rules ng palaro ay dapat makuha ng kahit sino sa kanila ang scarf na nakatali sa braso ni Damian sa loob ng limang minuto.

"Lagi niyo 'tong ginagawa 'di? So, sino laging panalo?" Tanong ni Elara at hindi na rin makapag-intay mapanood ang palaro.

"Syempre si Damian, pero one time nanalo si Calix kasi kailangan na kailangan niya ng pera hahaha," sagot ni Melody at lalong na excite si Elara dahil doon, iniisip niya na dodoble rin ang pera na tinaya niya kay Calix.

"Pero isang beses lang 'yun, hindi naman kasi sumasali si Calix sa palaro na 'to, saka kapag walang malaking pera na nakataya ay hindi gagalaw ang beta na 'yan, tamad 'yan eh, ayaw niya ng hassle," sagot ni Melody.

"Buti nanalo siya kay Alpha Damian?" Tanong ni Elara at natawa si Melody dahil doon, naalala niya kasi 'yung katangahan na ginawa ni Calix para makuha 'yung panyo sa braso ni Damian.

Isang epic na moment para sa kanilang lahat iyon, at iyon lang din ang unang beses na natalo si Damian.

"Hindi mo na ko mauutakan ngayon," sagot ni Damian kay Calix at napakamot na lamang ng kaniyang ulo si Calix dahil alam niyang hindi niya na magagawa ulit 'yung ginawa niya noon.

Noong laban kasi nila ay kailangan na kailangan niya ng pera, kaya sumali siya dahil sobrang laki ng perang nakataya sa ulo ng kanilang Alpha noon. Kung makukuha niya iyon ay mabibili niya na ang nais niyang game at makakapunta sa event na gusto niyang puntahan, kaya nagkunwari siyang nabalian ng buto habang naglalaro at nung lalapit na si Damian ay agad niyang sinunggaban ang panyong nakatali sa braso ninto.

Hindi naman siya na eliminate, wala namang rules sa palaro na 'to kaya ginamit niya lang ang utak niya nun kaya siya nanalo, pero kung ibabase lang sa lakas ay wala siyang laban sa kaniyang Alpha, kahit magseryoso pa siya.

"Start na ang game! In three! Two! One!" Malakas na naghiyawan ang mga manonood at isa-isa na nilang sinugod si Damian sa loob ng training ground.

Nagkampi-kampi sila at sabay-sabay na sinugod si Damian. May ilan na nagpalit ng anyo bilang werewolf at may ilan naman na nanatili sa form nila bilang tao. Lahat sila ay inatake ng buong lakas si Damian pero ni isa sa kanila ay walang nakalapit dito.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon