CHAPTER: 15

520 23 2
                                    

Kapag ang dalawang Lycan ay in heat at nasa kalagitnaan ng pagtatalik, wala silang ibang naamoy kung hindi ang scent ng kanilang mate. Isa itong kahinaan ng mga Lycan kung saan bumababa ang awareness nila sa kanilang kapaligiran.

Nakafocus lamang sila sa mating at hindi na naiisip ang ibang bagay na para bang sila lang dalawa ang nasa paligid. Walang pakialam sa mundo o sa ingay ninto.

Ito ang dahilan kung bakit kumakabog ang dibdib ni Elijah habang papasok sa bahay nila Elara. Sa gate pa lang ay naamoy niya na ang scent ni Damian, hindi lang iyon, dahil naamoy niya rin ang matamis na scent ng chosen mate niya na si Elara.

Malakas ang kutob niya na may ginagawang kasalanan sa kaniya ang dalawa, hindi maaaring pumunta lang si Damian sa bahay ni Elara ng ganitong oras ng gabi at mag-uusap lamang sila? Talagang tyempo pa na wala sa bahay si Fernanda at Fiona na para bang pinag usapan at pinagplanuhan nilang dalawa ang pagkikita nila.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Elijah, ang mga ugat niya sa noo ay galit na galit. Gusto niyang sirain ang pinto ng bahay ngunit nais niyang mahuli ang dalawa sa akto upang maipamukha niya ang panloloko na ginagawa nina Damian at Elara sa kaniya.

"Dito pa talaga sa teritoryo ko?" Mahinang sabi ni Elijah at marahan na binuksan ang door knob, napangiti siya nang mapait nang malaman na naiwan pang bukas nina Elara ang pinto ng bahay at tila walang pakialam sa kung sino ang makakakita sa kanila.

'Siguro hindi alam ni Elara na kanina ka pa tumatawag sa kaniya,' kumento ni Dexter at sumagot sa pamamagitan ng mind link si Elijah. 'Paalam ko sa kaniya ay may gagawin akong trabaho ngayon gabi, kaya siguro sinakto niyang walang tao sa bahay nil at busy ako. Hindi niya alam na pinasa ko ang trabaho sa beta ko,' sagot naman ni Elijah at tumingala sa taas ng second floor.

Lalo tumindi ang matamis na amoy ni Elara, alam niya ring may kakaiba sa amoy na iyon dahil sa arousal scent na nilalabas ng isang she wolf kapag mating.

Dahil doon ay mabilis siyang umakyat sa second floor at dumaretsyo sa kwarto ni Elara, nakabukas ang pinto at doon niya na huli si Damian na nakadagan kay Elara habang ang braso naman ni Elara ay nakapulot sa leeg ninto.

"Elara!" Malakas na sigaw ni Elijah at agad na sinugod si Damian, hinila niya ang shirt ninto at kinuwelyuhan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Damian? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Chosen mate ko ang ginagalaw mo!" Naging mas matingkad ang mata ni Elijah na para bang si Dexter na ang kausap ni Damian.

Galit na galit ito at ang mahahaba nitong kuko ay unti-unting lumalabas na tumutusok sa balat ni Damian.

"Elijah! Itigil mo 'yan! Nasasaktan mo si Damian," sagot naman ni Elara at lalo niya pang inaasar si Elijah sa pamamagitan ng pagpanig niya kay Damian.

Masamang tumingin si Elijah kay Elara, kumikinang na ang mga mata ninto dahil sa galit. Pero mas tinapangan pa ni Elara ang mga tingin niya kay Elijah, nais niyang ipamukha ang sakit na pinaramdam sa kaniya ni Elijah noon.

"Kinakampihan mo pa siya? Ako ang Alpha mo at ang chosen mate mo!" Hiyaw ni Elijah at akmang sasampalin si Elara pero pilit na pinigilan ni Elijah ang kaniyang sarili dahil alam niya na kung sasaktan niya si Elara au tuluyan itong mawawala sa kaniya at magkakaroon pa ng solid proof si Elara sa gaganapin na rejection ceremony.

Lalong nairita si Elara nang makontrol ni Elijah ang kaniyang sarili, ang tunay na balak talaga ni Elara ay ang saktan siya ni Elijah para magkaroon siya ng patunay pero mukhang alam ni Elijah kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Anong pumipigil sa'yo? Bakit hindi mo ko saktan tutal halata naman sa'yo naninis na inis ka na sa akin." Pino-provoke niya si Elijah pero alam niya rin na mahirap ito gawin dahil hindi rin talaga ugali ni Elijah na manakit ng babae— oo, manloloko ito at mahilig mambabae tuwing nakatalikod siya pero ni minsan hindi siya pinagbuhatan ng kamay ninto.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now