CHAPTER: 66

284 17 2
                                    

"Hindi niyo ako pwedeng tanggalin sa posisyon ko bilang Luna o sa Forestheart pack, dito ko papalakihin ang anak ko at hindi niyo siya mailalayo sa akin," mariin na sagot ni Fiona kay Esmeralda at kay Diego na ngayon ay nasa loob ng kaniyang silid at pinapaliwanag sa kaniya ang mga nangyayari.

"Napatunayan na namin na ikaw ang lumason kay Elijah, ano pa bang mukha ang ihaharap mo sa amin? Masyado mo na ginagamit ang koneksyon mo sa pamilya na ito kaya pagtapos mong manganak sa apo ko ay papalayasin ka na namin sa pack na 'to," galit na sagot ni Esmeralda dahil kanina lang ay lumabas na ang drug test kay Elijah at nakita ang bakas ng lason na nilalagay ni Fiona sa kaniyang dugo, hindi lang iyon, nakita rin nila sa bag mismo ni Fiona ang lason na kaniyang ginamit.

"Subukan niyo lang akong saktan at palayasin sa pack na 'to, hindi niyo makikita ang app niyo!" Pananakot naman na sagot ni Fiona dahil sa kaniyang anak na lang siya humahawak para hindi mapaalis sa Forestheart pack.

Nayukom ni si Diego ang kaniyang kamao, kanina niya pa nais kaladkarin palabas ng pack house si Fiona pero hindi niya magawang saktan ito. Pinatingin niya na rin sa mga Elder ang pinagbubuntis ni Fiona, malalaman kasi nila sa amoy kung tunay ngang kay Elijah ang pup na dinadala ni Fiona, at naamoy nila ang dugo ng Reed sa sinapupunan ni Fiona— ang hindi nila alam ay si Francis ang tunay na ama ninto.

Nagkakagulo na rin sa loob ng pack, hindi nila alam kung sino na ba talaga ang kanilang Alpha at Luna dahil sa mga nangyayaring kaguluhan. May ilan na nais na lang lumipat ng pack, may iba naman na nais na si Damian na ang mamalakad sa kanila.

Pero hindi makapagdesisyon si Diego dahil sobrang dami na ng iniisip niya ngayon.

Samantala, nakarating na kina Damian at Elara ang balita. Windang na windang si Elara sa kaniyang narinig, hindi makapaniwala na ang kaniyang kapalaran ay napunta kay Fiona.

Katulad ng nangyari kay Elara noon, ay nilason din siya ni Fiona at Fernanda, at ang kapalaran na iyon ay na napunta na ngayon kay Elijah. Samantalang ang pagbubuntis ni Elara na kapalaran niya sa kaniyang unang buhay ay napunra na kay Fiona.

Hindi niya alam ang nangyayari, wala nga siyang kaalam-alam na ang kapalaran niya noon ay unti-unti nang napupunta sa mga kalaban niya ngayon.

"Alam mo, akala ko noon baog 'yan si Elijah," sagot naman ni Damian habang iniiisip ang mga bagay-bagay sa kaniyang isipan.

"Huh, panong baog?" Tanong naman ni Elara dahil alam niyang nabuntis siya ni Elijah kaya pano ito magiging infertile.

"Ah wala-wala," sagot naman ni Damian at hindi na pinaalam kay Elara ang bagay na iyon. Dati kasi ay may ginagawa silang medical test every five years sa buong pack nila at hindi niya sinasadyang makita ang medical record ni Elijah dahil gusto niya makita kung sino ang mas physical fit sa kanila, hindi niya alam kung tama ang nabasa niya noon pero sa pagkakatanda niya ay may nakalagay doon na infertile.

Simula noon ay iniisip na lang ni Damian na kahit nobyo ni Elijah si Elara ay hindi sila magkakaanak at may pagkakataon pa siyang agawin si Elara kay Elijah.

Pero mukhang mali pala ang pagkabasa niya sa medical record ni Elijah noon, buti na lang at nakuha niya na si Elara ngayon kundi ay sobra siyang mabo-broken hearted kapag nagkaanak ang dalawa.

"Alam mo para nakahinga ka pa ng maluwag, ano bang iniisip mo eh ang dami na nga natin problema rito?" Tanong ni Elara kasi nakita niyang huminga nang malalim si Damian habang hawak ninto ang kaniyang dibdib.

"Ah, naisip ko lang na buti na lang walang nangyari sa inyo kasi pano na lang kung nabuntis ka noong magnobyo pa lang kayo? Edi matatali ka na sa kaniya? Pano na ako?" Nakangusong paliwanag ni Damian talagang nag papaawa pa ito kay Elara kaya hindi maiwasan ni Elara na mapangiti.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon