CHAPTER: 84

347 30 4
                                    

"Thirty minutes break!"

"Roger!" Sagot nilang lahat at sabay-sabay na bumagsak sa lupa ng training ground. Isa sa mga pagod at hinihingal ay si Elara, sinama siya ngayon ni Emmanuel sa training ng Herveaux pack para makita niya at maranasan ang tunay na training ng isang warrior pack.

"Ha—" habol hininga ni Elara habang nakahawak sa mga tuhod niya, nakayuko at tinitignan kung pano pumatak ang kaniyang pawis sa tuyong lupa ng training ground.

"Tubig bestie?" Tanong ni Melody, inabutan niya ng bottle water si Elara na agad naman nintong binuksan at ininum.

"Asan ka ba? Bakit hindi ka kasama sa nakakamatay na training na 'to? Ang unfair ah, dapat hinihingal ka rin ngayon," biro ni Elara habang hinahabol pa rin ang kaniyang hininga.

"Girl, tingin mo kakayanin ko 'yung training niyo? Like hello, oo warrior ako at isa sa mga gamma ng pack pero iba 'yung lakas ng mga kasama mo at mismo ikaw, sobrang lakas mo baka kapag nag duel tayo ay hindi na ko makalakad bukas," sagot ni Melody, ang mga kasama kasi ni Elara ngayon ay ang mga gamma at delta ng Herveaux pack. Mga he-wolf na may kakaibang lakas at sanay na sa pakikipaglaban, at hindi kaya ni Melody ang makipagsabayan sa mga ito kahit na alam niyang mananalo siya sa ibang aspeto ng labanan pero hindi sa pakikipag duel ng lakas sa lakas.

"Miske nga si Lilian umayaw sa training na 'to at bumalik sa pagte-training kasama 'yung mga trainees," dagdag ni Melody kaya natawa na lamang si Elara.

Totoo ang mga sinabi ni Melody na ang mga kasama niya ngayon ay mga gamma at Delta ng Herveaux pack. Mga sanay sa pakikipaglaban at may mga lakas na talaga naman nakakatakot kung iyong mararanasan. Pero hindi maiwasan ni Elara na mapangiti dahil nakakasabay siya sa mga ito, alam niyang hindi niya pa na pe-perfect ang pagkontrol sa kaniyang kapangyarihan pero para sa kaniya ay isa na itong good sign na nakakausad siya sa training na ito.

"Bestie alis muna ako, may inuutos sa akin si Calix kaya baka bumalik muna ako sa Nightraven, mga isang linggo siguro ako mawawala pero wag ka mag-alala maiiwan naman dito si Lilian saka dadalaw din si tito Calisto 'di ba?" Tanong ni Melody at tumango naman si Elara sabay ngiti sa best friend niya.

"Don't worry, alam kong mapagkakatiwalaan ang Herveaux at isa pa kasama ko naman dito si tito Emmanuel kaya wag ka mag-alala, gawin mo ang mission mo," tugon ni Elara.

Nag unat ng kaniyang mga braso si Melody at tumingala sa langit saka lumanghap ng sariwang hangin. "Okay, mukhang wala na akong kailangan ipag-alala," sagot niya.

"Ikamusta mo na lang ako sa pack members at sa Alpha," sagot ni Elara, may hesitasyon sa kaniyang boses nang banggitin niya ang huling salita na iyon.

"Noted! Alis na ko bestie," sagot ni Melody at yumakap muna kay Elara bago tuluyan ng lakad papalayo ng training ground. Naglakad si Elara papunta sa bench at kinuha ang iniwan na pagkain ni Melody para sa kaniya, kumagat siya sa sandwich at hinayaan na ipahinga ang kanihang katawan sa bench.

Ilang araw na ang lumipas nang mapaginipan niya ang bangungot na iyon, pero hindi pa rin ito nawawala sa isip niya lalo na't hindi niya nakakausap si Damian. Nakakatanggap naman siya ng message mula rito pero hindi niya na naririnig ang boses nito. Hindi na sila makagawa ng oras para sa isa't isa, madalas ay pareho silang abala sa mga kaniya-kaniyang responsibilidad nila.

Pero napapaisip pa rin si Elara, bakit hindi siya magawang puntahan ni Damian o tawagan man lang ni isang beses sa mga lumipas na buwan. Nasa umpisa na sila ng pangatlong buwan pero hindi pa rin naayos ni Damian ang mga problema sa pack, kinakabahan siya kahit alam niyang hindi naman siya lolokohin ni Damian.

Natatakot pa rin siya na baka magising na lang si Damian isang araw na hindi na pala siya mahal ninto, na limot na siya ni Damian at gusto ng tapusin ang bond nilang dalawa.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now