CHAPTER: 14

552 28 3
                                    

Panay ang kagat ni Fiona sa kuko ng kaniyang hinlalaki, kanina pa siya naiinis at hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Nagtataka siya sa mga nangyayari at kung pano nakuha ng stepsister niya ang dalawang kilala na Alpha sa buong Summergrave Empire.

Mas maganda naman siya kay Elara, mas mataas ang rango niya kaysa sa omega na iyon, pinipilahan siya ng maraming kalalakihan, pero bakit laging napupunta kay Elara ang mga magagandang bagay na gusto niya makuha?

Kanina sa hunting contest ay ibinigay ni Alpha Elijah at Alpha Damian ang mga nahuli nila kay Elara. Si Damian din ang tinaguriang panalo sa taunang hunting contest na ginagawa sa pack nila at kahit napakarami nagbigay ng regalo at huli nila kay Fiona ay hindi pa rin ninto matutumbusan ang atensyon na binigay ng lahat kay Elara.

Para siyang na etsyepwera, ni hindi man lang mapansin ng mga tao sa paligid niya kung gano siya kaganda. Pinag-isipan niya ang kaniyang ayos ngayon, ginaya niya ang simpleng make-up at style ng buhok ni Elara, miske ang suot niyang damit ay kinuha niya sa cabinet ni Elara ng walang paala, pero tanging usap-usapan sa loob ng hunting ground ngayon ay si Elara na wala na ngayon sa harapan nila.

"Fiona, may kapartner ka na ba para sa after party mamaya?" Tanong ng isang he wolf habang naglalayag naman ang utak ni Fiona at iniisip kung pano niya makukuha ang atensyon ng mga Alpha na nakapaligid kay Elara.

"Fiona?" Muling tawag ng lalaki at napalingon naman si Fiona ng suot-suot ang anxious niyang mukha, hindi niya namamalayan na hindi siya nakangiti ng peke sa harap ng ibang tao dahil sa inis at inggit na nararamdaman niya ngayon.

Nakita ni Fiona ang pagtataka sa mga mukha ng mga kalalakihan na nasa harapan niya kaya agad niyang nahalata na hindi niya nabago ang reaksyon ng kaniyang mukha. Agad niyang tinanggal ang kunot sa kaniyang noo at ngumiti nang malambing sa harap nila gamit ang mapupungay niyang mga mata at magandang labi.

"Sorry pero parang hindi ko kayang umattend sa after party mamaya, masama kasi ang pakiram ko," palusot ni Fiona sabay hawak sa kaniyang ulo, umakto pa na nahihilo para kaawaan siya ng mga lalaki sa harapan niya.

"Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" Napalingon si Fiona nang marinig ang pamilyar na boses na 'yun, pag-angat ng kaniyang ulo ay nakita niya ang panganay na kapatid ni Elijah at Damian— si Francis Reed ang Casanova.

Tumingin si Fiona kay Francis, nakaramdam siya na may nais itong sabihin at may binabalak, isang bagay na maaaring pagkasunduan nilang dalawa.

"Siguro nga ay uuwi na lang ako, thank you sa pag-aalala," tugon ni Fiona, tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at iniwan ang ibang he wolf na kumakausap sa kaniya para sumama kay Francis, dahil tingin ni Fiona ay mas magiging maganda ang after party niya kung maririnig niya ang nais sabihin sa kaniya ni Francis.

❦❦❦

Ilang araw na ang nakakalipas simula ng ganapin ang dinner party ng mga Reed, at isang araw na lamang ay gaganapin na rin ng rejection ceremony na nais daluhan ni Elara para mahiwalayan niya na ng tuluyan si Elijah.

Sa mga dumaman na araw na iyon ay ginawa lahat ni ELijah para muling makuha ang loob ng nobya, binigay niya ang lahat ng nais ninto, sununod lahat ng sabihin ni Elara at tinalikuran niya lahat ng mga payo ng kaniyang ina para lang makuha niya ulit ang tiwala ni Elara.

Pero ang hindi niya alam ay nilalaro lang siya ni Elara. Push and pull ika nga nila, bibigyan siya ng atensyon ni Elara, lalambingin siya at papahulugin sa mga kamay niya tapos biglang magbabago ang mood ninto, magiging cold at bigla-bigla na kamang siyanh iiwan sa ere.

Parang mababaliw si Elijah sa kung ano ang dapat niyang gawin, ilang beses na rin na may muntikang mangyari sa kanilang dalawa pero laging may palusot si Elara para hindi nila ito matuloy.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now