CHAPTER: 21

467 21 2
                                    

"Anong sinasabi mo na aalis ka? Ano bang nangyayari, Elara? Bakit hindi mo sa'kin sinasabi ang mga ginagawa mo? Alam ba 'to ni Calisto?" Nakakarinding tanong ang binato ni Fernanda kay Elara habang nag eempake siya ng mga damit at gamit niya.

"Nagpaalam na ako kay Dad at pinayagan na rin naman ako nila Alpha Diego," sagot ni Elara at kalmado na nilalagay ang mga importanteng gamit niya sa maleta.

"Pero bakit biglaan naman? Hindi ka man lang nagsasabi sa'min, pamilya mo kami 'di ba?" Tanong naman ni Fiona.

Natatawa na lamang si Elara dahil sa mga pinagsasabi ng mag-ina sa kaniya. Pamilya? Sila? Kailan pa?

"Miske ako wala akong kaalam-alam dito, mukhang pinalayas na ako ni Alpha Diego para layuan na ang baliw niyang anak," sagot ni Elara at napatingin kay Fiona na gulat na gulat, agad tinakpan ni Elara ang kaniyang bibig at nagkunwari na nagulat.

"Ay, sorry hindi ko naman sinasadyang sabihan ng baliw ang fated mate mo o ang Alpha niyo, medyo masama lang talaga ang loob ko sa lalaking 'yun," sagot ni Elara at patagong napatawa, hindi niya akalain na masarap pala sa pakiramdam na kutyain ang ex boyfriend niya.

"Pero Elara, mali pa rin ang ginagawa mo. Bakit hindi ka man lang umapila? Bakit hindi mo sinabi sa amin na aalis ka na?" Usisa ni Fernanda, natatakot kasi siya na hindi niya na mababantayan ang bawat galas ni Elara, natatakot siya na baka may masabi ito kay Calisto o hindi maman kaya ay miske si Calisto ay lumipat ng pack para sundan ang nag iisa at tunay niyang anak.

Kapag nangyari ang bagay na iyon ay mabubulilyaso ang mga plano niya, ayaw niya rin mapunta sa pack na kilala bilang mga rabid at aso ng emperor. Hindi niya magagawa ang mga gusto niya roon, mawawalan siya ng kalayaan at hindi niya makukuha ang mga gusto niya.

"Mom, wala rin akong kaalam-alam, kaninang umaga ko lang din nalaman at pinag eempake na nila ako ngayon tanghali," palusot ni Elara kahit na kagabi niya pa naman alam ang tungkol sa bagay na 'to.

Hindi niya rin alam na ngayon araw na siya mismo aalis kaya natataranta siyang mag empake, hindi na rin siya nakaisip ng maayos na palusot sa stepmom at stepsister niya dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Idagdag pa na lutang siya buong gabi dahil sa nangyari sa kaniyang dalawa ni Damian, hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang malambot na labi ng kaniyang Alpha.

"Mas okay na siguro na sumama siya kay Alpha Damian, hayaan na natin siya mom," sagot ni Fiona sabay hawak sa braso ng kaniyang ina. Hinila ni Fiona si Fernanda palabas ng pinto ng kwarto ni Elara at bumulong, "mas okay 'yung wala siya sa bahay para hindi niya makita ang mga plano na'tin," bulong ninto pero umiling si Fernanda.

"Hindi pwede, mas mahihirapan tayong tanggalin siya sa buhay natin nang tuluyan kung malayo siya sa atin, tingin mo pano ko siya lalasunin kung wala siya sa bahay na 'to? Isa pa hindi mo ba naiisip ang Dad mo? Susunod 'yan kay Elera at panigurado na pati tayo ay susunod kasama niya, wala tayong ibang kakapitan sa pack na 'to kung hindi si Calisto," bulong naman ni Fernanda habang naguguluhan sa nangyayari, hindi siya makapag-isip ng tama sa sitwasyon na 'to dahil lahat ng plano niya ay sinisira ni Elara.

"Mom, pwede ba kumalma ka? Ako ang fated mate ng Alpha sa pack na 'to. Hindi mo ba na gegets? Kahit iwan mo na si Calisto ay pwede pa rin tayong tumira bilang member ng Forestheart pack dahil ako na ang magiging Luna," seryosong sagot ni Fiona at doon natauhan si Fernanda.

Ang nakatatak lang kasi sa utak ni Fernanda ay ang paghihirap niyang makuha ang posisyon na 'to sa tulong ng pang-aagaw niya kay Calisto. Hindi niya nakita ang bigger picture na nasa harapan niya lang dahil tama ang sinabi ni Fiona, sila na ang maghahawak ng pack na 'to.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now