CHAPTER: 29

439 17 3
                                    

Nakatayo si Elara sa gilid ng pinto ng opisina ni Damian, iniintay ang pagdating ng Alpha na kaniyang magiging boss. Ito ang umpisa ng pagtatrabaho niya bilang secretary ni Damian at hindi niya maalis sa kaniyang sarili na kabahan.

"Kumalma ka Elara, kaya mo 'to," bulong ni Elara sa kaniyang sarili dahil kanina pa siya kinakabahan. Alam niya naman na magtatrabaho lang siya at aasikasuhin ang ilang kailangan ni Damian pero dahil may binabalak siya ay hindi niya maiwasan kabahan.

Hindi na siya in heat, wala na siyang lakas ng loob para landiin si Damian at akitin ito para markahan siya. Kaya hindi niya alam saan siya huhugot ng lakas ng loob para gawin ang pang-aakit na plano niya.

"Elara," napatingin si Elara sa dulo ng hallway kung saan naglalakad papalapit sa kaniya si Damian. Halatang kakatapos lang maligo ninto dahil medyo basa pa ang buhok at amoy na amoy ni Elara ang gamit nitong shampoo at sabon.

"Bakit hindi ka pa pumasok sa opisina?" Tanong ni Damian dahil nakatayo lang si Elara sa labas ng opisina niya.

"Iniintay kita," maikling sagot ni Elara, tumaas ang isang kilay ni Damian saka kinuha ang susi ng opisina niya sa kaniyang bulsa.

"Pwede mo naman akong intayin sa loob, oh ito 'yung susi para sa susunod ay hindi ka na magdalawang isip na pumasok sa loob," sagot naman ni Damian.

Gusto iparamdam ni Damian kay Elara na kung ano ang kaniya ay kay Elara rin. Maaring pumasok si Elara sa opisina niya kahit ano mang oras man ninto gustuhin, maaaring gawin ni Elara lahat ng bagay na gustuhin niya sa loob ng pack house dahil alam niyang para sa ikabubuti naman ng pack house ang mga plano ni Elara at siya ang magiging luna ng pack na 'to.

"Pero? Hindi ba't privacy mo na bilang Alpha ang opisina mo?" Tanong naman ni Elara habang nakatingin sa susing inilapag ni Damian sa palad niya.

"Kung ikaw ang mang gugulo ng privacy ko ay ayos lang hahaha, kung gusto mo isama pa kita sa meeting namin," sagot ni Damian sabay pihit ng seredula ng pinto.

Napatitig na lamang si Elara sa malapad na likuran ng kaniyang Alpha, gusto niya sana awayin si Damian dahil kay Lilian at sa hindi ninto pagpansin sa kaniya nitong mga nakaraan, pero dahil sa simpleng sinabi ni Damian ay nawala na lahat ng inis sa puso niya.

Naglakad si Elara papasok ng opisina at sinara na ang pinto, nakita niyang nakaupo na si Damian saarap ng lamesa niya at busy na sa pagbabasa ng ilang reports na galing kay Calix.

Naglakad si Elara sa maliit na table sa gilid ng opisina ni Damian, kahapon lang ito inilagay sa loob ng kwarto at ang simpleng pwesto na iyon ang nagpasaya kay Elara dahil pakiramdam niya ay sa wakas, may pwesto na siya sa Nightraven. Kahit simpleng lamesa at upuan lang, basta alam niyang nagtatrabaho siya at parte ng pack ay masaya na siya.

Umupo na siya rito at sinimulan ang trabaho niya, kakaunti pa lang ang workload niya dahil tinutulungan pa siya ni Calix na mag adjust, nire-review niya lang ang finance ng buong pack house at iba pang gastos sa loob ninto.

Seryoso na sa trabaho si Elara, pakiramdam niya kasi ay nagkaroon na siya ng purpose sa buhay niya. Noon kasi ay masasayang lang ang oras niya sa paghiga sa kama at paghabol sa hininga niya, araw-araw siyang nakikipaglaban sa kamatayan dahil sa sakit niya pero ngayon ay parang normal na lycan lang siya na nagtatrabaho para makatulong sa pack.

"Masyado ka naman atang seryoso d'yan?" Tanong ni Damian at hindi namamalayan ni Elara na nasa harapan niya na pala si Damian. Masyado siyang tutok sa pagtatrabaho na hindi niya na mamalayan na lumipas na pala ang isang oras.

"Ah, nag e-enjoy lang ako haha," sagot naman ni Elara kaya nagtaka si Damian sabay silip sa laptop ni Elara. Nakita niyang nagtatrabaho naman ito kaya nagtaka siya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now