CHAPTER: 49

321 21 1
                                    

Nakaupo si Elara sa tabi ni Damian, binabantayan niya ang kaniyang Alpha simula pa lang kaninang umaga hanggang ngayon na palubog na ang araw.

Isang araw na naman ang lumipas, pero hindi pa rin nagkakamalay si Damian. Tinignan na rin siya ng pack doctor nila ngunit wala naman napansin na kakaiba ang doctor sa katawan ni Damian bukod sa pagkakaroon ninto ng mataas na lagnat na ngayon ay unti-unti na rin bumababa.

"Elara," agad na napalingon si Elara nang marinig niya ang boses ng Alpha niya. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang kamay ni Damian.

"Salamat at gising ka na," sagot ni Elara. Kinakabahan siya na baka hindi na magising pa si Damian at mawalan na naman siya ng taong minamahal.

Oo, aminado na siya para sa nararamdaman niya kay Damian, lalo na kanina nung makita niya ang pagkawalang malay ninto, pakiramdam niya ay guguho ang buong mundo niya at doon niya napagtanto kung gano kaimportante si Damian sa kaniya at kung gano siya masasaktan kapag nawala ito.

"Anong nangyari sa akin?" Tanong ni Damian at akmang tatayo na pero agad siyang pinigilan ni Elara dahil may sinat pa ito.

"Nawalan ka ng malay kaninang umaga," sagot ni Elara, kinuha niya ang puting towel sa palanggana at piniga ito saka ipinatong sa noo ni Damian.

"May kaunting lagnat ka pa kaya huwag ka muna gumalaw, magpahinga ka muna rito at iyon din ang sabi sayo ng doctor," sagot ni Elara saka hinawakan ang pisngi ni Damian

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"May kaunting lagnat ka pa kaya huwag ka muna gumalaw, magpahinga ka muna rito at iyon din ang sabi sayo ng doctor," sagot ni Elara saka hinawakan ang pisngi ni Damian.

"First time ko magkalagnat, hindi ako nagkakasakit sa tanang buhay ko," dagdag ni Damian dahil miske siya ay nagtataka bakit siya nawalan ng malay at nagkalagnat ngayon.

"Baka nasobrahan ka sa trabaho nitong mga nakaraang linggo, mabuti pa na magpahinga ka na muna dyan," sagot ni Elara dahil iyon lang din ang sinabing dahilan sa kaniya ng pack doctor nila.

"Pinagod mo kasi ako kagabi," sagot ni Damian, nagawa pa ninto magbiro kahit na halatang masama ang pakiramdam.

"Kung alam ko lang na magkakaganiyan ka, edi hindi na natin uulitin 'yun," sagot ni Elara kaya agad na napaupo si Damian at umiling.

"No! Magaling na ako, hindi ako basta-basta na papagod sa sex no," reklamo naman ni Damian, binibiro niya lang naman si Elara pero kung dahil sa biro na iyon ay mapapahamak ang sex life niya ay magsosorry na kaagad siya hanggang maaga.

"Hahaha, wag ka na makulit. Magpahinga ka na lang d'yan ulit at tatawagin ko na ang doctor para matignan na 'yang kalagayan mo," sagot ni Elara, inalalayan niyang mahiga ulit si Damian.

"Sandali lang ah," sagot ni Elara at tumango naman si Damian. Lumabas na ng kwarto si Elara at hinanap si Calix, agad niyang nakita si Calix sa lobby na may kausap na ibang pack members.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now