CHAPTER: 26

503 25 3
                                    

"Ano bang nangyari rito, Alpha Damian? Bakit naman sobrnag gulo ng iyong opisina? Parang dinaanan ng bagyo," tanong ni Marie, ang head maid ng pack house. Matagal na naninilbihan si Marie sa mga Ashford kaya naman nung bumubo si Damian ng kaniyang sariling pack ay sumama rin siya sa Nightraven katulad ng pamilya nila Melody.

Sa apat na taon niyang paninilbihan sa Nightraven pack ay ngayon niya lang nakitang naging magulo ang opisina ng kaniyang master.

Napakamot naman si Damian sa kaniyang batok, nahihiya aminin kung ano ang totoong nangyari sa loob ng kaniyang opsina, hindi niya rin inaasahan na mawawalan siya ng kontrol sa kaniyang sarili at buong gabi nilang ginawa ni Elara ang bagay naniyon.

"Sorry, Marie. Tataasan ko na lang ang sahod mo this month. Huwag mo lang sabihin kung ano ang totoong nangyari rito, kasi paniguradong aasarin ako nila Melody at Calix," sagot ni Damian at napabuntong hininga na lang si Marie.

"Kung ako sa'yo, Alpha Damian, markahan mo na si Elara, kailangan mo ng makontrol ang sarili mo at makakuha pa ng lakas mula sa bond niyong dalawa as fated mate," suwisyon ni Marie saka tinaas ang manggas ng kaniyang polo at nagsimula na mag-ayos ng mga gamit sa loob ng opisina ni Damian.

"Alam ko nagdadalawang isip ka pa, hindi ko alam kung bakit pero mukhang mabait naman si Luna Elara," sagot ni Marie, tumingin siya kay Damian at nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng kaniyang alaga.

Lumaki na sa kaniya si Damian at alam niya ang ugali ninto. Alam niya kapag nagdadalawang isip si Damian o hindi naman kaya ay nag-aalala, kukunot ang noo ninto habang nakatingin sa mga paa niya.

"Ayos lang ba sa inyong lahat na magkaroon ng wolfless na Luna?" Tanong ni Damian, kahit sigurado naman siya na gusto niya si Elara, pero bilang Alpha kailangan niya rin isipin ang ikabubuti ng pack members niya.

Kailangan niya maging malakas, kailangan niya ng kapangyarihan at kailangan niya bigyan ng sekyuridad ang buhay ng nasasakupan niya. Kaya importante kay Damian ang feedback at hinaing ng bawat pack members niya.

"Naniniwala ka bang wolfless si luna Elara?" Tanong naman ni Marie kaya napakunot ang noo ni Damian sa tanong na iyon.

"Bakit? May napansin ka ba sa kaniya? Hindi ka ba naniniwala na wala siyang wolf?" Tanong ni Damian dahil ramdam at nase-sense niya naman na walang tinatagong kapangyarihan o lakas si Elara.

"Nagtataka lang ako, pano mababaliw ang isang Alpha sa isang wolfless na omega? Tingin mo mawawalan ka ng kontrol dahil lang sa pheromones ng isang omega? Isa pa, pano siya magkakaroon ng ganito katapang na pheromones kung wolfless siya?" Tanong ni Marie dahil miske siya ay naamoy pa rin ang phenomenon ni Elara sa loob ng opisina.

Alam niya na kung may ibang pumasok na he wolf sa opisina ni Damian ay mababaliw pa rin ang mga ito sa pheromone ni Elara.

"Iniisip ko rin 'yan, kaya nga hindi ako handa ng maamoy ko ang scent niya. Akala ko ay hindi ako maaapektuhan pero sobra akong nawalan ng kontrol, halata naman sa opisina ko hindi ba," sagot ni Damian at natatawa na lamang si Marie dahil kahit nagpapaliwanag ang Alpha niya ay namumula pa rin ang mga tenga ninto dahil sa hiya.

"Hindi ako magtataka kung magkaroon na agad kayo ng mga pups," sagot ni Marie na lalong kinamula ng mga tenga at pisngi ni Damian na parang kamatis.

"Tsk, makakaalis na nga. Sa kwarto muna ako magtratrabaho at ikaw na bahala sa paglilinis niyan ah, magpatulong ka sa iba pang omega sa pack," utos ni Damian at tumango naman si Marie.

"Siguraduhin mo rin na utusan ang lahat ng he-wolf na huwag muna pumunta rito sa opisina mo, kung ayaw mo magkaroon ng malaking gulo," tugon ni Marie at tumango naman si Damian dahil niya kung gano kadelikado ang pheromone ni Elara.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now