CHAPTER: 70

353 19 1
                                    

"Elara, papunta na raw si Calisto rito sabi ni Melody, baka dumating siya sa pack ng dalawang araw simula ngayon. Sakto at masasamahan ka niya rito habang wala ako," sagot ni Damian, ibinaba naman ni Elara ang mga hawak niyang papeles sa table nito.

"Hindi ka ba napapagod? Sure ka ba na kukunin mo pa ang pagiging Alpha sa dalawang pack? Hindi na ba pwedeng umurong?" Biro ni Elara dahil hindi niya akalain na ganito pala karami ang trabaho na kakaharapin nila once na maging Alpha at Luna na sila ng dalawang pack.

"Hahaha, sa una lang 'to. Fore sure makakapag-adjust din tayo kapag natapos na natin ang mga naiwan na trabaho ni Elijah," sagot naman ni Damian. Pinanood ni Elara ang kaniyang Alpha na magtrabaho, talagang pursigido ito na maging maganda ang Forestheart pack kahit pareho silang tinaboy at hindi tanggap ng pack na ito.

Kung tutuosin ay wala naman magandang memorya si Elara sa pack na 'to kundi ang panghuhusga at mang mamaliit sa kaniya. Siguro nung buhay pa ang kaniyang ina na si Emely, ang memorya ninto ang pinaka iniingatan niya. Kung tanga pa rin siya kay Elijah katulad noon, siguro ay binilang niya na ang memorya na kasama niya si Elijah sa pack na 'to, pero lahat ng memorya na iyon ay kasinungalingan lang kaya wala siyang ibang maisip na magandang alaala sa pack na 'to kundi ang kabataan niya noong buhay pa ang kaniyang ina.

"Bakit iniintindi mo pa rin sila kahit na tinataboy nila tayo noon? Hindi ba't tinuring ka rin nilang black sheep ng mga Reed, kung anu-ano ang masasakit na salitang binabato nila sa'yo noon pero bakit tinaggap mo pa rin sila ngayon?" Tanong ni Elara dahil hindi niya alam kung pano nagagawa ni Damian na magpatawad sa likod ng mga masasakit na ginawa sa kanila ng Forestheart.

"Hmmm... kasi ang best revenge ay ipakita sa kanila na mali ang tingin nila sa akin?" Hindi sigurado si Damian sa sagot niya pero ito ang unang pumasok sa isip niyang dahilan.

"Gusto kong ipakita sa kanila na hindi ako ang Damian na inaakala nila, na 'yung minamaliit at hinuhusgahan nila noon ay ang nagbabantay at pomoprotekta sa kanila ngayon," dagdag pa ni Damian habang natatawa mismo sa sarili niya. Hindi niya maisip na lalabas sa bibig niya ang mga ganoong salita, pero simula nang makasama niya si Elara ay naging malambot ang puso niya dahilan para mapatawad niya ang Forestheart.

"Hahaha, alam ko na ki-cringe ka na pero ito na lang ang isipin mo," sagot ni Damian sabay tayo at lakad palapit kay Elara.

"Isipin mo na lang na binabaon ko sila sa utang na loob," natatawang sagot ni Damian kaya napangiti si Elara at hinawakan ang mukha ng Alpha niya.

"Alam mo, huwag mong ikahiya sa akin kung ano 'yang gustong sabihin ng puso mo, hindi kita huhusgahan kung gusto mo sila tulungan, dahil alam ko naman na mabait ka talaga," sagot ni Elara sabay halik sa labi ni Damian.

'Ah... kailan ko ba huling nahalikan ang Alpha ko?' Tanong ni Elara sa kaniyang isip habang hinfi pinuputol ang halik nilang dalawa.

"Alam mo, sa sobrang busy na'tin nakakalimutan ko nang pagsilbihan ka," sagot ni Damian, dumampi ang kamay ni Damian sa bewang ni Elara at hinila ito papalapit sa kaniya.

"Hahaha, ang dami mo ng trabaho. Okay lang kahit wag mo na akong isipin," sagot naman ni Elara, alam niyang pareho silang busy sa mga nangyayari ngayon at kailangan pa nilang bantayan si Fiona at Francis bago ito makagawa ng panibagong hakbang.

"May nakalimutan akong sabihin!" Nang maalala ni Elara si Fiona ay bigla niya rin naalala 'yung lalaking nakasalubong niya sa hallway, nais niya sana itong tanungin kay Damian pero sa dami kaniyang iniisip ay natabunan na ito.

"Ano 'yun?" Tanong ni Damian habang nakayuko at hindi pa rin binibitwan ang bewang ni Elara. Nakatingala naman si Elara sa kaniya habang iniisip ulit ang pangalan nung lalaking nakasalubong niya.

"May he-wolf akong nakasalubong sa hallway kanina, ngayon ko lang siya nakita sa pack house at nakalimutan ko kung sinabi kiya ba 'yung pangalan niya kanina o hindi, sa dami ng nasa utak ko hindi na ako makapag-isip ng tama," sagot ni Elara at pilit na hinahalukay ang kaniyang memorya kung saan niya ba nakita ang lalaking iyon na sobrang pamilyar sa kaniya.

"Ah baka si Algern? Kaibigan ni Dad," sagot naman ni Damian dahil na inform na siga ni Alpha Diego tungkol sa bagay na iyon. Nagdadalawang isip pa nga si Damian na ipaubaya sa kakabalik lang na pack member ang isang kriminal na kagaya ni Fiona.

"Siguro? Medyo may edad na rin siya pero gwapo pa rin at maskulado, ngayon ko lang kasi siya nakita sa pack house," sagot ni Elara.

Natatawa si Damian dahil halatang nababagabag si Elara ng pagdating ni Algern, hindi na siya nagtaka dahil miske naman si Damian ay hindi niya kilala si Algern na dati pang kasamahan ng kaniyang ama sa labanan.

"Isa raw siyang Delta, madalas ko siyang naririnig sa mga kwento ni Dad noon at sa mga picture din ng mga unang members ng Forestheart, pero hindi ko pa siya nakikilala personally," sagot naman ni Damian at pinindot ang nakakunot na noo ni Elara.

"Wag ka na masyadong mag-isip, kung may tiwala si Dad sa he-wolf na iyon ay sigurado akong susundin niya ang utos ni Dad," tugon ni Damian at siya naman ang humawak sa pisngi ni Elara.

"Huwag ka na masyadong mag-isip, mag focus ka muna sa akin," tugon ni Damian at hinalikan si Elara na agad naman tinugunan ninto.

Nagsalo sila sa isang malalim na halik, halik na ilang araw na nilang hindi natitikman. Kaya ramdam ng bawat isa sa kanila ang pananabik, sabik na malasahan ang tamis ng mainit na halik.

Ramdam ni Elara ang paggapang ng kamay ni Damian sa kaniyang likuran at bandang pwetan. Hinayaan niya ito dahil ito rin naman ang iniintay niya, nais niyang mahabkan ang katawan ng kaniyang Alpha, upang mapunan ang init ng kaniyang katawan na uhaw na uhaw kay Damian.

"Ayos lang ba sa'yo na gawin sa office 'to?" Tanong ni Damian, alam niyang sa kwarto na 'to nangyari ang pagtangka na halayin ni Elijah si Elara noong nakaraang buwan, ayaw niyang maibalik ang trauma na iyon sa kaniyang Luna.

"Ayos lang ako Damian, huwag kang mag-alala." Hindi maitago ni Elara ang pananabik niya, ito ang bagay na pinagtataka niya sa kaniyang katawan nitong mga nakaraang linggo dahil pansin niya na kailangan niya ang katawan ni Damian, kailangan niya ang init ng pagmamahal ninto.

"Sigurado—"

Muling sinunggaban ng halik ni Elara ang maraming tanong na bibig ni Damian. Siniil niya ito ng kaniyang labi at nakipaglaro sa mainit nitong dila.

Napatitig si Damian sa magandang mukha ni Elara, nakapikit ito habang dinadama ang halik nilang dalawa kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang ibagay ang nais ng kaniyang luna.

Naramdaman niya ang kamay ni Elara na tinatanggal ang butones ng kaniyang pantalon sabay hila ng zipper ninto pababa. Biglang napapitlag si Damian nang maalala niya na hindi pa pala siya nakakainum ng contraceptive drug, kailangan niya ito para hindi mabuntis si Elara lalo na ngayon na malapit na nilang malaman kung ano ang paraan para makontrol ang wolf ninto.

"Teka Elara," pigil ni Damian, kitang kita niya sa mukha ni Elara ang pagkadismaya at ang pagkunot ng noo nito.

"Ayaw mo?" Tanong ni Elara at napalunok si Damian, hindi nila pwedeng gawin ito ngayon dahil nasa kwarto niya pa sa fourth floor ang contraceptive drugs niya.

Nagtaka si Elara sa kinikilos ni Damian, ngayon lang ito tumanggi sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagkadismaya at lungkot, tinatanong ang sarili kung ano ang problema sa kanilang dalawa.

"Sawa ka na ba sa'kin?" Tanong ni Elara, hindi niya inaasahan na lalabas ito sa bibig niya. Nakaramdam siya ng kurot sa kaniyang puso dahil pakiramdam niya ay na reject siya ni Damaian.

"Hi-hindi, nagkakamali ka Elara. May nakalimutan lang akong gawin," palusot ni Damian pero para kay Elara ay may mali sa kaniyang Alpha, may tinatago ito sa kaniya na nag papa-overthink sa kaniya ngayon.

"Itigil na na'tin 'to, bumalik na lang tayo sa trabaho," sagot ni Elara at lumayo na kay Damian saka naglakad palabas ng pinto.

"Elara..." habol ni Damian pero sumara na ang pinto.


TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now