CHAPTER: 77 [R18]

476 30 1
                                    

Mag isa si Elara sa loob ng kwarto nila ni Damian sa Forestheart pack. Nag-aayos siya ng kanilang mga gamit dahil babalik na sila sa Nightraven pagtapos ng ilang araw na pananatili sa Forestheart.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Elara sa mga narinig niya, sa lahat ng mga pangyayari na naganap sa buhay niya. Hindi niya akalain na galing siya sa isang angkan ng mga Lycan na kinatatakutan ng karamihan, to the point na nais na nilang ubusin ang lahi na iyon.

Napatingin si Elara sa kaniyang mga mata, muli ay napansin niya ang kakaibang pagkaberde ninto na tila ba mas nagiging matingkad malayo sa dating kulay ng kaniyang mga mata.

"Hindi kaya connected ang pagbabago ng kulay ninto sa paggising ng wolf ko?" Tanong ni Elara sa kaniyang sarili pero habang nakatingin siya sa salamin ay ang dating imahe niya rin ang kaniyang nakikita.

Ginugulo pa rin siya ng multo ng kaniyang nakaraan, lalo na ngayon na hindi pa rin natatapos ang problema niya kay Fiona.

Iniling na lamang ni Elara ang kaniyang ulo at bumalik sa pag eempake ng mga damit nila, natapos niya na ayusin ang gamit niya kaya sinunod niya na ang gamit ni Damian. Binuksan niya ang unang drawer sa cabinet at sinalansan sa ibabaw ng kama ang mga damit ni Damian, isa-isa niya itong nilagay sa maleta ngunit pagkapa niya sa dulong bahagi ng drawer ay may narinig siyang gumulong, tunog ng isang bote na may laman.

Agad niyang kinapa ito at kinuha, doon niya nakita ang isang bote ng contraceptive drugs. Kumunot ang noo niya nang makita ito at agad na kinuha ang cellphone niya para i-search ang pangalan ng drug na 'to. Doon niya nakita kung gano kadelikado ito kapag ininum ng dare-daretsyo.

"Anong iniisip ni Damian? Bakit siya umiinum ninto?" Tanong ni Elara habang nanginginig ang mga kamay niya. Agad niyang binaba ang bote ng gamot sa ibabaw ng drawer at napaupo sa kama saka nasapo ang kaniyang noo.

Kung hindi niya pa alam ang totoong kondisyon niya, iisipin niya na hindi siya nais mabuntis ni Damian, na ayaw nitong magkaroon sila ng anak. Pero dahil alam na ni Elara ang bigat ng pagiging Lerian niya, alam niyang ginawa ni Damian ito para makasigurado na hindi siya mapapahamak, hindi siya mabubuntjs hanggat hindi niya na kokontrol ang wolf niya.

Napatingin si Elara sa kaniyang tiyan, naalala niya ang pagbubuntis niya noon at kung pano siya na buntis ni Elijah na isang infertile. Siguro ay may koneksyon din ito sa kapangyarihan niya, dahil kahit kaunti ang chance ni Elijah na makabuntis ay nabuntis pa rin siya ninto dahil sa kakaibang katangian nv mga Lerian.

Iyon lang ang sagot na nakuha ni Elara sa mga katanungan niya, at kung hindi pa umiinum ng sobrang tapang na contraceptive si Damian ay sigurado siya na buntis na rin siya ninto.

"Ano bang naiisip ni Damian, bakit kailangan niya pang ibuwis ang sarili niya para sa akin," hindi mapigilan ni Elara na makonsensya dahil kung nagpatuloy pa ang bagay na ito ay paniguradong ang katawan ni Damian ang magbabayad ng kapalit.

"Elara, handa ka na ba—" napatigil si Damian nang makita niyang nakalabas ang mga gamit niya sa drawer ganoon na rin ang tinatago niyang contraceptive drugs.

"E-elara... let me explain," sagot ni Damian pero umiling si Elara saka naglakad papalapit sa kaniya.

"Hindi na kailangan, alam ko na ang lahat at sorry dahil nahirapan ka pa dahil sa akin," sagot ni Elara at mahigpit na niyakap ang fated mate niya.

Ilang araw na ba nilang hindi nayayakap ang isa't isa? Ilang araw na ba silang walang personal na oras para sa kanilang dalawa? Sabik na si Elara na maramdaman ang init ng yakap ng kaniyang Alpha, sabik na siyang marinig ang pintig ng puso nito habang nakalapat ang kaniyang ulo sa malapad na dibdib ni Damian. Gusto niya na maamoy ang wolf scent ni Damian na nagbibigay sa kaniya ng komportableng pakiramdam, nagbibigay sa kaniya ng sekyuridad at kaginhawaan.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now