CHAPTER: 91

338 25 2
                                    

"Bakit ang dami pa ring reports tungkol sa mga rogue? Totoo ba 'to?" Tanong ni Calix habang binabasa ang report na dala ni Lilian ngayon.

"Oo, ano tingin mo sa akin? Ako mismo ang nag imbistiga d'yan, kasama ng ilang mga tauhan ng emperor," sagot ni Lilian. Naglakad siya papunta sa beranda ng opisina ni Calix at kinuha ang kaha ng kaniyang sigarilyo, kapag nakakaramdam siya ng stress ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na kumuha ng isang stick ng sigarilyo.

Nung makarating si Damian at Melody sa Herveuax pack ay si Lilian naman ang pumalit kay Melody sa pagtulong kay Calix sa pagbabantay ng pack. Siya ang gumagawa ng trabaho ni Calix at ang pakikipag-usap sa mga tauhan ng emperor kaya trabaho niya rin ang mag bigay ng report at kumuha ng information sa lahat ng mga nangyayari sa loob at labas ng Summegrave.

"Hindi ko alam kung dapat ko ba ito sabihin kay Alpha Damian, kakadating niya lang sa Herveuax at wala pa siyang dalawang linggo doon. Isa pa, akala natin ay nahuli na natin lahat ng rogue," sagot ni Calix at umiling si Lilian bilang sagot.

"Hanggat hindi natin nahuhuli 'yung tao sa likod ng drugs na kumakalat sa mga rogue ay hindi natin mapipiglan ang pagwawala ng mga ito. Kailangan natin mahuli ang pinaka nasa likod ng lahat ng 'to para matigil na rin ang pagkakampi-kampi ng mga rogue," sagot ni Lilian sabay hithit sa hawak niyang sigarilyo, kinuha niya ang phone niya sa kaniyang bulsa at tinignan kung may message sa kaniya ni Melody pero mukhang ayos naman ang lahat sa Herveuax.

"Hays, nagsabi pa sa akin si Calisto na hindi niya magagawang hanapin sina Fiona at Algern dahil kailangan ni Elijah ng tulong sa Forestheart, walang ibang malakas na wolf ang kasama nila sa pack kaya kailangan nila ng napatilihin muna si Calisto roon para sa safety ng mga pack members, maraming nais angkinin ang Forestheart ngayon dahil sa hindi stable ang pamumuno roon kasya dito sa Nightraven," sagot ni Calix habang nakatukod ang kaniyang dalawang kamay sa mesa at nakatingin sa mga papeles na nakalatag dito.

"Kung makokontrol lang ni Elara ang kaniyang Lerian wolf, paniguradong wala na mag iisip na guluhin ang dalawang pack na hawak ni Alpha Damian, sila ang magiging pinaka malakas na Alpha at Luna sa Summergrave, hindi lang dito kundi sa buong Gazina. Kaya kailangan natin magtiis hanggat hindi nila natatapos ang mission nila sa Herveaux pack," sagot ni Lilian, tumingin siya sa labas ng pack house at nakita ang normal na kaganapan sa kanilang pack.

Kung gusto nila panatilihin ang katahimikan ng pack ay kailangan nilang protektahan ito habnag wala pa ang kanilang Luna at Alpha.

"Iyon ang tanong, hindi natin malalaman kung magagawa ba nilang matalo ang Lerian wolf ni Luna Elara, walang nakakaalam sa mangyayari sa hinaharap kaya wala tayong ibang magagawa kundi harapin kung ano problema natin ngayon," sagot ni Calix, hindi niya maiwasan na maramdaman ang anxiety dahil sa bigat ng kaniyang gampanin na ginagawa ngayon.

"Iniisip mo ba namatatalo ang Alpha natin? Calix, si Damian ang pinag-uusapan dito kailangan mong magtiwala sa Alpha," sagot naman ni Lilian pero alam niya kung saan nang gagaling ang frustration at worries ni Calix dahil bigla na lamang sa kaniya na punta ang lahat ng bigat na dala ni Damian bilang isang Alpha.

"Hindi sa iniisip ko na matatalo si Alpha Damian o si Luna Elara, pero kailangan kong maging open minded sa lahat ng posisbilidad. Wala tayong kasiguraduhan, kailangan kong maging handa sa lahat ng out come." Napabuntong hininga si Calix at nahilot ang kaniyang balikat.

"Ang bigat ng trabaho na ginagawa ko ngayon, gusto ko na lang matapos na ni Alpha Damian ang mga kailangan niyang tapusin para mabawasan naman kahit kaunti ang mga dapat kong gawin. Hindi sa nagrereklamo ako, pero kailangan na talaga ng pack natin ang presensya niya. Kailangan niya nang bumalik sa pamumuno ng pack na 'to dahil siya lang ang kayang humawak ng Nightraven at ng Forestheart." Nabibigatan na si Calix pero lahat ng ito ay ginagawa niya pa rin dahil may tiwala siya kay Damian at mahal niya ang pack na ito.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now