CHAPTER: 79

395 31 1
                                    

"Sure ka na hindi mo na kailangan si Calix? Pwede naman siyang sumama sa'yo para may kasama ka roon maliban kay Mel," nag-aalalang sagot ni Damian kay Elara dahil hindi pa rin siya mapakali tuwing maiisip niya na titira si Elara sa Lumire Empire na tanging si Melody lang ang kasama.

Hindi maihahatid ni Damian si Elara dahil sa dami ng kaniyang trabaho, pinasama niya na lamang si Lilian upang maging representative niya sa pagharap kay Alpha Kalil, nais niya man na kausapin at pasalamatan ito ng personal ay hindi siya hinahayaan ng mga trabaho na kailangan niyang unahin ngayon. Gusto niya rin ihatid si Elara ng personal, sa totoo nga niyan ay ayaw niya na paalisin ito pero alam niyang kailangan, dahil kailangan ni Elara na makontrol ang kaniyang wolf.

Tatlo na ang posisyon na hawak ni Damian, ang Alpha ng Nightraven at Forestheart pack pati na rin ang pagiging General ng Emperor. Hindi niya ito pwedeng iwan, kailangan niyang panindigan ang mga papel na kaniyang pinaghahawakan para na rin sa ikabubuti ng mga pack members niya at ng mga mamamayan ng Summergrave Empire.

"Okay lang ako saka kasama ko naman doon si tito Emmanuel, for sure ay aalagaan niya akong mabuti roon, dadalaw din si Dad tuwing sunday at monday tuwing pahinga niya sa paghahanap kay Fiona at Algern," sagot ni Elara.

Nakatoka ngayon si Calisto sa misyon ng paghahanap kina Fiona at Algern na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita, mas sanay si Calisto sa mga mission sa labas ng pack kaya mas maluwag itong makakagalaw ng hindi nalalaman ng kalaban.

"Okay, basta mag message ka kaagad sakin kapag may kailangan ka," sagot ni Damian, hindi siya mapakali dahil alam niyang hindi niya naman mararamdaman kung nasa panagnib si Elara dahil hindi pa sila nagkakaroon ng fated bond, wala pa ang marka niya sa balikat ng kaniyang Luna at hindi pa gising ang wolf ninto para magkaroon sila ng matibay na koneksyon, na kahit na magkahiwalay sila ay maaari pa rin nilang maramdaman ang presnesya ng isa't isa o hindi naman kaya ay malaman kung may nangyayaring masama sa bawat isa.

"Don't worry lagi akong tatawag every morning before ka magstart ng work mo," sagot ni Elara sabay halik sa kaniyang Alpha at sumakay na sa helicopter papunta sa Lumire Empire. Kumaway si Damian habang pinagmamasdan ang pagtaas ng holicopter sa ere, mas gugustuhin niyang ihatid si Elara gamit ang chopper upang maiwasan ang ano mang ambush na pwedeng mamngyari sa daan.

Hindi pa rin kasi sila nakakasigurado kung nakaalis na ba ng Summergrave si Fiona at Algern o nanantili pa rin ang dalawa sa loob ng emperyo habang nagtatago, walang may alam kung nasaan sila, patuloy na hinahanap ang bakas na iniwan ng dalawa pero kahit anong maliit na marka ay walang iniwan ang mga ito.

Ininteroga na rin nila si Fernanda, ngunit wala itong alam at hindi na rin nagsasalita, walang gana kumain at kahit anong pagpapahirap sa kaniya ay tila ba nawalan na siya ng gana mabuhay pa. Hindi hinahayaan ni Damian na mamatay ng maaga si Fernanda, gusto niya maghirap ito at mabulok sa kulungan habang nabuhuhay ito upang mapagbayaran lahat ng mga kasalanan na ginawa ni Fernanda sa pamilya ni Elara.

Malalim na napabuntong hininga si Damian nang makita niyang malayo na ang sinasakyan chopper ni Elara, ilang minuto pa lamang pero pakiramdam niya ay napakatagal na ng oras na magkalayo sila ng kaniyang Luna. Iniisip tuloy ni Damian kung kakayanin niya ba mawalay ng ganoong katagal kay Elara, sabi nila ay mahigit sa tatlo o anim na buwan ang kailangan igugol ni Elara sa traning para makontrol ninto ang kaniyang wolf, depende pa sa lakas ng loob at determinasyon ni Elara kung magagawa niya ito sa loob ng anim na buwan.

"Alam mo wala pang kinse minuto silang nakakaalis pero 'yung mukha mo para nang pinagsakluban ng langit at lupa," tugon ni Calix, ramdam niya ang lungkot ng kaniyang Alpha, hindi niya lang ito ramdam kundi kitang-kita niya rin sa mga mata ni Damian. Napapaisip tuloy si Calix, darating din kaya ang araw na mararamdaman niya ang mga nararamdaman ng kaniyang Alpha? Mahuhulog din kaya siya ng lubos sa pag-ibig to the point na parang pinapatay na siya ninto sa sakit?

Revenge of a RejectedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora