CHAPTER: 10

533 21 1
                                    

Nagkulong sina Elara at Melody sa quest house na hinanda para kay Melody. Hindi magawang umuwi ni Elara sa kanilang bahay dahil alam niyang nag iintay na doon ang stepmom at step sister niya para kausapin at ulanin siya ng tanong.

Ayaw niya muna makipag-usap sa kahit kanino sa kanila, marami na siyang iniisip para dumagdag pa ang dalawang iyon sa problema niya.

Ngayon ay nakasalampak si Elara sa kama ni Melody, naghanda ng hot chocolate si Melody para kumalma ang kaibigan niya dahil kanina pa ito nag rarants tungkol kay Elijah at sa kapatid ninto na si Damian.

"Tingin mo pano ko mapapa-Oo si Elijah na i-reject ako? Ayoko na magtagal pa sa Forestheart pack at gusto ko na makalayo sa kanilang lahat." Inabot ni Melody ang mug sa best friend niya at naupo naman si Elara para mainum ito. Hinipan niya ang hot choco at naamoy ang mabangong aroma ng cocoa rito.

Napanguso si Elara dahil alam na alam talaga ni Melody kung pano siya pakakalmahin, kahinaan niya talaga ang dark chocolate at paborito niya itong inumin. Humigop siya at pakiramdam niya nawala na lahat ng pinag ooverthink niya kanina.

"Ano, kumalma ka na ba?" Tanong ni Melody sabay higop sa kape niya.

"Kaunti," sagot ni Elara sabay buntong hininga. Sa totoo lang ay naiinis siya dahil walang sumasang-ayon sa plano niya. napahiya niya nga si Fiona kanina sa dinner party pero hindi niya naman nagawa ang main goal niya na ma reject di Elijiah.

Talagang inuubos ni Elijiah ang pasensya niya, hindi niya akalain na ganito ito ka selfish at greedy.

"Alam mo mag isip na lang tayo ng bago nating strategy para macancel out na sa buhay mo 'yang boy friend mo," sagot ni Melody at napahawak sa kaniyang bibig si Elara.

"Wait, dapat pala sinabi ko na rin sa kaniya na nakikipag break na ako." Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay rejection lang ang na klaro ni Elara sa dinner party, at hindi pa nga ito natuloy at wala pang kasiguraduhan na magiging mutual ang rejection na iyon.

"Sapat na ni reject mo na siya no, given na naman na nakikipag break ka na rin sa kaniya kasi nga gusto mo na maging rejected mate niya. Alam mo ang swerte mo lang at hindi ka pa niya minamarkahan kung hindi ay mas mahihirapan kang makawala kay Alpha Elijiah," komento ni Melody, binaba niya ang kaniyang kape sa side table at sumilip sa binatana ng kwarto niya.

Naamoy niya kasi sa malayo ang papalapit na pagdating ni Alpha Elijah at mukhang magkakaroon na naman ng gulo. Hindi talaga tinatantanan ng Alpha ang best friend niya.

"Girl, kung talagang affected ka sa break up niyo, I think pwede mo na sabihin harap-harapan sa kaniya na nakikipag break ka na kasi girl nasa harap na siya ng guest house," sagot ni Melody kaya agad na napatayo si Elara sa gulat at inis.

"Ano!" Tanong niya sabay silip din sa bintana at nakita niya si Elijiah na nakatayo sa harap ng pinto at nakatingin sa direksyon nila na may galit sa kaniyang mga mata. Inis din siyang tumingin kay Elijiah at pinaramdam sa binata na hindi siya magpapatalo at mas mabigat ang galit na nararamdaman niya ngayon.

"Elara, bumaba ka rito," utos ni Elijiah pero hindi umimik si Elara. Tumalikod siya sa harap ng bintana at bumalik sa kaniyang pagkakaupo sa kama, kinuha niya ang hot chocolate niya at humigop rito upang mapakalma ang sarili.

"Elara!" Muling sigaw ni Elijiah, napalingon si Melody dahil kahit hindi niya na Alpha si Elijiah ay ramdam niya ang lakas at otoridad ninto. Tila ba kailangan niyang sundin ang Alpha kung ayaw niyang mawala ang buhay niya, pero ang pingatataka ni Melody ay bakit tila hindi apektado si Elara sa boses ng mismong Alpha niya.

Dahil ba sa wolfless siya? O may iba pang sagot sa tanong na ito?

"Elara, mabuti pang kausapin mo na si Alpha Elijiah bago pa magdulot ito ng gulo. Hindi natin siya kaya kung makikipaglaban tayo rito ngayon, may ibang paraan pa para matalo natin siya kaya gamitin mo ng maayos ang mga barahang hawak mo," komento ni Melody dahil baka magkaroon pa ng mas malaking gulo kung mapapalaban sila ngayon.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now