CHAPTER: 51

308 18 2
                                    

Nakatingin si Elara sa labas ng kaniyang bintana, kitang kita rito ang malawak na sapa sa tabi ng main pack house kung saan nakapwesto ang kwarto niya.

"Kamusta kaya si Dad?" Tanong ni Elara habang nakasalumbaba at iniisip kung ano na ang kalagayan ni Calisto nung bumalik ito sa Forestheart pack.

Iniisip pa rin ni Elara ang mga nangyari sa kanila nung nakaraan, alam niyang naiwasan niya na ang kapalaran niya na ipagbuntis ang anak ni Elijah, kinakabahan lang siya ngayon na baka si Calisto naman ang pagdiskitahan ni Fernanda at Fiona, na baka ang kaniyang ama naman ang lasunin nila.

"Hays, bakit kasi ayaw niya pa pumupat sa Nightraven, kung nabubuhay si Mom ay paniguradong hindi naman ito magtatampo sa kaniya," dagdag ni Elara at tinignan ang cellphone niya kung may reply ba sa kaniya si Melody.

Mag aapat na araw na kasing wala sj Melody sa pack house nila, nagpaalam naman ito na may pupuntahan pero hindi ninto sinabi kung saan. Iniisip tuloy ni Elara na may mission ito na galing din sa emperor o hindi naman kaya ay iba pang kailangan gawin para sa pack.

Tumayo si Elara sa pagkakahiga at kinuha ang balabal niya, tinakip niya ito sa kaniyang dibdib at balikat dahil medyo manipis ang puting night gown na suot niya.

Bumaba siya sa pack house at nagtungo sa lake, tulog na ang mga pack members nila at may ilan lang na nagbabantay sa main entrance kaya malakas ang loob niya na lumabas ng tanging pantulog lang ang suot.

Nagtungo siya sa harap ng lake na pinapalibutan ngga puno ng willow trees, sumasayad na ang mga sanga at dahon ninto sa tubig na mas nagbibigay ng magandang tanawin sa kaniya.

Payapa rin ang kapaligiran, tanging mga insekto lang ang maririnig sa kaniyang paligid at ang kaluskos ang hangin na dumadampi sa mga dahon ng puno.

Umupo siya sa harap ng sapa at nilublob ang kaniyang mga paa, iniisip na hindi niya akalain na magkakaroon siya ng ganitong katahimik na buhay sa loob ng Nightraven pack.

"Akala ko dati, walang ginawa ang pack na 'to kundi manggulo," bulong ni Elara habang nilalaro ang tubig ng kaniyang kamay.

Hindi niya akalain na rito pa siya makakahanap ng kapayapaan, na rito niya pa mararamdaman na magkaroon ng tunah na tahanan. 'Yung tanggap siya bilang member nila at tanggap siya bilang Luna nila.

Napangiti si Elara nang maalala niya ang gabing minarkahan niya si Damian, hindi niya makalimutan ang ngiti ni Damian na hindi mawala sa mga labi ninto, hanggang ngayon nga ay pinagyayabang niya pa rin ang bagay na iyon sa iba, kahit na napaka babaw naman ng bite mark na iniwan ni Elara sa balikat niya.

Agad na palingon si Elara sa kaniyang likuran, ramdam niya na papalapit sa direksyon niya si Damian. Mukhang naramdaman ni Damian na wala si Elara sa kaniyang silid kaya sumunod si Damian para tignan kung nasaan ang luna niya.

Mayamaya pa ay nakita na ni Elara si Damian sa kaniyang paningin, tama ang instinct niya na si Damian nga ang papalapit sa kaniya. Pero hindi maiwasan magtaka ni Elara kung pano niya nagagawa ang bagay na iyon, samantalang noon naman ay sobrang hina ng kaniyang mga senses.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ni Damian sa kaniyang Luna, ngumiti lang si Elara at umiling bilang sagot.

"Hindi, ayos lang naman ako," sagot niya at hindi maalis ang tingin sa gwapong mukha ni Damian. Halatang bagong ligo pa ito dahil basa pa ang buhok at hindi pa nagsusuklay.

"Ang nipis ng damit mo, baka magkasakit ka niyan," sagot ni Damian pedo alam ni Elara na hindi siya magkakasakit sa ganitong kaliit na bagay.

Umupo si Damian sa tabi ni Elara at inayos ang magulong buhok niya, natawa naman si Elara at pinatuyo gamit ng balabal niya ang buhok ni Damian.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon