CHAPTER: 43

355 21 5
                                    

Mabilis na nagpalit anyo si Alpha Elijah sa kaniyang wolf form. Lumanding ang kaniyang mga paa at kamay sa lupa, nagkalat ang pira-pirasong bahagi ng kaniyang damit na nasira sa pagbabago ng kaniyang katawan.

"Grrrr!" Umalingawngaw ang malakas na ungol ni Alpha Elijah sa buong pack house. Lahat ng members ng Forestheart pack ay namadaling pumunta sa kinaroroonan niya.

"Gusto mo pa talaga mapanood nilang lahat kung pano kita pahiyain?" Tanong ni Damian, nanatili itong nasa human form niya.

Naglakad si Elijah at pinaikutan si Damian, ang wolf form ni Elijah ay sing laki ng isang kotse, kulay brown ang kaniyang malambot na balahibo at kumikinang ang ginto niyang mga mata.

'Bakit hindi mo palabasin si Xavier? Tingin mo ba makakaya mo ko sa lagay mo na 'yan?' Tanong ni Elijah at Dexter sa pamamagitan ng mind link.

"Hah, maliit na bagay, gusto mo patumbahin pa kita gamit ang isang kamay," mayabang naman na sagot ni Damian kaya lalong nagalit at umungol si Dexter sa kaniyang harapan.

Napapitlag si Elara nang marinig niya ang nakakatakot na boses ni Dexter, unang beses niyang marinig ang boses na iyon sa utak niya at tila binabaliw siya ninto dahil sa takot.

"Elara, bakit anak? Anong nangyayari?" Natatarantang tanong ni Calisto habang hawak ang balikat ni Elara at binalot ito ng kaniyang jacket dahil sira na ang blouse na suot ninto.

"Dad, ang sakit ng ulo, naririnig ko ang boses ni Elijah at ng wolf niya," sagot ni Elara habang nakaluhod at nakayuko, tinatakpan niya ng kaniyang mga kamay ang kaniyang tenga pero hindi pa rin ninto maalis ang ingay at boses ni Elijah sa utak niya.

"Anong sinasabi mo Elara? Naririnig mo sila sa mind link?" Nagtatakang tanong ni Calisto pero bigla silang napalingon sa kanilang ibaba nang makarinig sila nang malakas na paghampas. Nagulat na lang sila nang makita ang malaking crack sa simento habang ang kamao ni Damian ay nakayukom.

Lahat ng mga nakakita sa lakas ni Damian ay natakot, hindi nila alam na kayang gawin ni Damian na basagin ang simentong daan sa isang suntok lamang. Lahat sila ay napaurong, alam nila na hindi sila maaaring makialam sa laban na ito.

"Anong karapatan mong saktan si Elara? Tinangka mo pang pagsamantalahan siya? Dahil ano? dahil alam mong wala siyang laban sa'yo!" Galit na tanong ni Damian, lumalabas na ang pangil niya dahil sa galit at galit na galit na rin ang mga ugat niya sa braso at kamay.

'Unang naging akin si Elara!' Sagot ni Elijah kaya napatawa na lamang si Damian at naglakad papunta sa pwesto ni Elija na unti-unting umuurong ng hakbang.

"Walang magdedesisyon ng bagay na iyan kung hindi si Elara," sagot ni Damian at muling sumugod ng suntok pero agad itong naiwasan ni Elijah at nagtangkang kalmutin ang likuran ni Damian ngunit mabilis din itong nakailag.

Paulit-ulit na nagbabatuhan ng atake ang magkapatid, pero karamihan ng atake ni Elijah ay hindi umaabot kay Damian at karamihan naman ng atake ni Damian ay malakas na napupuruhan si Elijah.

Halos hindi nila masundan ang mga nangyayari, masyadong mabilis ang kilos ni Damian na hirap namang sundan ni Elijah, kahit nasa wolf form na ito ay sobrang laki ng agwat nilang dalawa sa bilis at lakas.

Hindi espesyal si Damian, pareho lang sila ng kinalakihan at ng lakas ni Elijah pero dahil sa araw-araw niyang pagsisikap at pakikipaglaban ay matagal niya nang naiwanan si Elijah sa lakas at bilis. Wala pang kahit anong dalang armas si Damian, at isa na itong advantage para kay Elijah pero hindi alam ni Damian na ganito na pala kahina ang Alpha ng Forestheart.

"Iyan na 'yun? Gusto mong maging Alpha ni Elara habang ganiyan ka kahina?" Tanong ni Damian at napagod na sa kakahabol kay Elijah kaya naman sinunggaban niya na ang leeg ninto at sinalampak sa lupa.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now