CHAPTER: 07

543 29 5
                                    

"Mom, super ganda at elegant ng nabili kong bag, right? Siguradong kaiinggitan na naman nila ako, lalo na ni Elara," pinakita ni Fiona ang black designer bag na nabili niya sa Lumire empire gamit ang pera ni Elara.

"Yes sweetie, bagay 'yan sa mga red dress mo. Gamitin mo sa gaganapin na dinner party sa pack house, sigurado akong pagtitinginan ka ng maraming he wolf, malay mo maagaw mo pa si Alpha Elijah sa kapatid mong si Elara," sagot ni Fernanda sa anak at pareho silang napangiti.

Nakakaramdam ng saya si Fiona tuwing may bagay siyang naaagaw sa stepsister niyang si Elara, iniisip niya pa lang na pati si Elijah makukuha niya ay talaga namang hindi niya maitago ang mga ngiti sa labi niya.

Si Elijah ang pinaka price possession na mayroon si Elara, walang katumbas na ano mang mamahaling gamit o damit ang kagwapuhan at estado ni Elijah sa paningin ni Fiona kaya matagal niya na itong hinahangaan at nais agawin sa step sister niya. Hindi niya lang magawa-gawa dahil nakabakod talaga si Elara sa nobyo nito.

"Tingin mo Mom magugustuhan ako ni Alpha Elijah? Malapit na ako maging 18 at magigising na rin ang wolf ko, sigurado ako na mas malakas ako kay Elara at mas deserving na maging Luna ng pack," sagot ni Fiona habang iniikot ang kaniyang hintuturo sa kaniyang blonde at kulot na buhok.

"Oo naman, nagmana ka sa akin kaya sigurado akong lahat ng gusto mo ay makukuha mo, gamitin mo lang ang maganda mong mukha at ang maganda mong katawan, sigurado ako na wala kang hindi makukuha sa mundong ito," sagot ni Fernanda habang nagmamaneho pauwi sa pack house.

Puno ng mga designer bag, dress at shoes ang likod ng sasakyan nila, lahat iyon ay binili nila gamit ang bank account ni Elara na matagal ng pinag-iipunan ni Calisto. Walang kaalam-alam si Calisto na nakuha na ni Fernanda ang account ng kaniyang anak kahit na ginagamit na rin ng mga ito ang sarili niyang pera.

Madalas wala si Calisto sa bahay nila kaya naman nagagawa lahat ni Fernanda ang gustuhin nilang dalawa ni Fiona, nabibili niya ang lahat ng gusto niya at sinusuot lamang ito kapag wala si Calisto upang itago ang mga luho nilang mag ina.

Pinakikisamahan din niya ng maayos si Elara para madali niya itong mauto, alam niya kasi na kapag nakagawa sila ng mali at sinumbong ito ni Elara ay paniniwalaan pa rin ni Calisto ang tunay niyang anak. Kaya naman matagal ng balak ni Fernanda na alisin ang natatangging hadlang sa mga plano niya.

Pinark ni Fernanda ang sasakyan at pumasok sa loob ng bahay bitbit-bitbit ang sang katutak na shopping bags, agad niya itong inilagay sa sala at dumaretsyo sa kusina para uminum ng tubig.

"Elara? Sweetie! Nakauwi na kami!" Sigaw niya sa taas ng hagdan at iniisip na baka nakahiga na naman sa kama si Elara dahil sa sakit ninto. Pero pabor ito kay Fernanda, mas gusto niyang hindi makita ang pagmumukha ng step daughter niya.

Kaso agad nawala ang ngiti niya nang makita niyang bumababa ng hagdan si Elara, nakapustura ito at napakaganda, naiirita siya tuwing makikita ang mahaba at itim na buhok ni Elara na bumabagay sa kakaibang kulay berde niyang mga mata— mga matang minana ni Elara kay Emely.

"Welcome back Mom!" Sagot ni Elara sa kaniya at bumeso katulad ng parati niyang ginagawa noon, umakto si Elara na walang kaalam-alam at patuloy na ginagawa ang pagiging inosente niya sa harap ng kaniyang madrasta.

"Oh, buti naman at okay kana? Kamusta ka habang wala kami?" Tanong ni Fernanda at lumapit naman si Elara sa stepsister niyang si Fiona na nasa sala at abala sa pagtitingin ng mga pinang shopping niya.

"Okay naman po, sinamahan ako ni Elijah buong araw habang wala kayo," masayang sagot ni Elara kahit na hindi ito totoo, nagsinungaling siya para makita ang iritableng mukha ni Fiona sabay kuha ng isang shopping bag na pinagtaka ng dalawa.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon