CHAPTER: 09

566 26 1
                                    

Hindi mawala ang mga ngiti ni Damian sa kaniyang labi habang nakatingin kay Elara, ilang taon niyang hindi nakikita ang dalaga at ngayon na nakausap niya na ito ay alam niya na si Elara ang fated mate niya.

Humahalo sa malamig na hangin ang mabulaklak na amoy na nang gagaling kay Elara, parang pinalilibutan ng mga fresh flowers si Damian dahil sa amoy na ito, tinatawag siya ng katawan ni Elara kaya nais niyang humakbang papalapit sa dalaga.

'Damian, tandaan mo chosen mate pa rin siya ng kapatid mong si Alpha Elijah,' komento ni Xavier ang wolf ni Damian. Napahinto sa paglalakad si Damian at napangiti pa lalo, alam niya ang bagay na iyon at iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya magawang lapitan si Elara noon, pero ngayon ay mas nangingibabaw ang galit ni Elara kay Elijah, at kung ano man ang dahilan nun ay mas pabor siya sa bagay na iyon.

'Hindi naman masama kung kausapi at lapitan ko siya, tutal akin naman talaga siya in the first place, hindi kay Elijah,' sagot ni Damian sa pamamagitan ng mind link at wala ng naging komento si Xavier dahil tama naman ang sinabi ni Damian.

Sila ang tunay na nagmamay-ari kay Elara at hindi si Elijiah, sila ang fated mate ni Elara at hindi si Elijah.

"Kamusta Elara?" Tanong ni Damian at sumandal sa puno na kanina ay sinisipa ni Elara dahil sa kaniyang galit. Naka cross ang arms ni Damian sa kaniyang malapad na dibdib habang nakasandal ang kaniyang balikat sa puno at nakatitig kay Elara.

Nakasuot ng navy blue formal shirt at black denim pants si Damian, bumabakat ang malaking katawan niya sa shirt na iyon na nakabukas ang unang tatlong butones.

Napaiwas ng tingin si Elara dahil alam niyang pinaglalaruan lang siya ni Damian, mahilig itong mang asar at kasiyahan nitong makita ang naiinis niyang mukha.

"Mukha bang mabuti ang kalagayan ko sa paningin mo?" Sarkastikong tanong ni Elara at umiwas ng tingin kay Damian dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ang mga ngiti ng binata ay nagpapahina sa mga tuhod niya, ang scent pa lang nito ay nagdudulot na ng pagtaas ng temperature ng kaniyang buong katawan.

Parang gusto niyang mahulog sa mga bisig ni Damian, gusto niyang yakapin at ibaon ang kaniyang mukha sa malapad na dibdib ng binata. Hindi niya alam pero kanina niya pa nais tikman ang lalaking nasa kaniyang harapan.

Siguro nga ay ganito ang dapat niyang maramdaman kapag nakita at nakilala niya na ang fated mate niya, nung una kasi silang magkita ay pinagbubuntis niya pa ang anak nila ni Elijah kaya nakakayanan niya pang kontrolin ang mapang-akit na scent ni Damian dahil sa connection na mayroon sila ni Elijah.

"Hahaha, mataray ka pa rin talaga no? Bakit kaya sa akin mo lang pinapakita iyang sungay mo?" Tanong ni Damian sabay lean sa mukha ni Elara na kinagulat ninto.

Hindi nakagalaw si Elara, para siyang na istatuwa dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. Kahit hindi pa gising ang wolf niya ay nararamdaman niya ang saya nito na makita ang kaniyang fated mate.

Ganito pala ang pakiramdam na makita at makausap ang fated mate mo, parang ikaw ang pinaka masayang nilalang sa buong mundo kung saan alam mong magiging masaya ka sa piling niya.

Pero hindi ito ang nais na mangyari ni Elara sa ngayon, marami pa siyang kailangan intindihin at hindi niya hahayaan na maging tanga ulit siya na nagpapadala sa kaniyang mga nararamdaman.

"Dahil demonyo ka rin!" Pilit na nilabanan ni Elara ang temptation na binibigay ng fated mate niya. Ngayon alam niya na kung bakit nahulog si Elijah kay Fiona kahit na may chosen mate pa siya, dahil ito sa pakiramdam na tanging mararamdaman mo lamang sa fated mate mo.

"Hahaha ako demonyo? Matagal na, pero at least hindi ko tinatago, hindi katulad mo na nagpapanggap na isang anghel," sagot ni Damian sabay diretsyo ng tayo.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now