CHAPTER: 59

286 21 4
                                    

Napatakip si Elara sa kaniyang bibig, hindi makapaniwala na magagawa ni Fiona iyon sa kaniyang fated mate. Ang fated mate ay binigay sa kanila ng Moon Goddess, isang kabiyak na makakasama mo habang buhay, kabiyak na magiging komportable ka at magiging lakas mo.

Pero pano nagawa ni Fiona ang bagay na ito? Hindi malaman ni Elara ang dahilan pero mas naging malinaw sa kaniya ngayon kung ano ang kayang gawin ni Fiona para sa kasakiman at mga plano niya.

Lalong naisip ni Elara na kailangan niya mag ingat, na kailangan niya na maalis sa buhay niya si Fiona at Fernanda.

"Kung naididilat lang sana ni Elijah ang mga mata niya ay pwede kaming mag mind link," sagot ni Damian dahil hindi niya maabot ang wolf ni Elijah na si Dexter.

Ang mga lycans at werewolf ay kayang makipag mindlink sa hindi nila ka pack, sa pamamagitan ng kanilang mga tingin, pero kung hindi makikita ni Damian ang mga mata ni Elijah ay hindi niya mababasa ang tumatakbo sa utak ninto.

"Kailangan natin mag ingat kay Fiona, for sure may binabalak pa siyang kakaiba," sagot naman ni Elara, iniisip niya kung anong magagawa niya para kay Elijah, hindi sa gusto niya itong tulungan dahil alam niya rin na huli na para kay Elijah, hindi niya na maibabalik ang dati niyang lakas at worst case scenario ay baka maging baldado na siya habang buhay dahil sa drugs na pinainum sa kaniya ni Fiona.

"Kailangan natin mahanap kung anong drugs ang pinainum niya kay Elijah, kailangan magising si Elijah para malaman natin kung ano ang totoong plano ni Fiona." Sa totoo lang ay natatakot si Elara sa mga nalalaman niya ngayon, lalo na't tila ba napupunra kay Elijah ang kapalaran niya noon.

Ibig sabihin ba ninto ay may kailangan mamatay sa kanila para lang maisalba niya ang sarili niyang buhay sa kapalaran na 'yun?

"Pano natin mailalayo si Elijah kay Fiona? Hindi natin alam pano niya napapainum si Elijah ng drug na 'yun," tanong ni Damian kay Elara, pansin niyang maraming alam si Elara sa bagay na 'to na para bang matagal niya nang alam ang drugs na ito.

"Hindi ko rin alam, wala tayong kakampi sa Forestheart pack, pano natin mababantayan si Elijah at Fiona?" Tanong ni Elara, nahihirapan na rin siya sa sitwasyon na ito.

"May kilala ako," mahinang sagot ni Damian, alam niyang mapagkakatiwalaan ang tao na 'yun at saktong nagtatrabaho ito sa hospital.

"Sure ka ba? Pano kung pag-isipan ka niya ng masama? Lalo na ngayon na akala nila ikaw ang dahilan ng pagkacoma ni Elijah?" Tanong ni Elara sa kaniyang Alpha pero alam ni Damian na mapagkakatiwalaan ang tao na 'to.

"Hindi, ako ang bahala. Alam kong hindi niya ako pag-iisipan ng ganun. Matagal na siyang kaibigan ni Mama at malayong kamag-anak din namin sa side ni papa," sagot ni Damian kaya tumango na lamang si Elara sabay tingin kay Elijah.

"Elijah, makikipagtulungan ka ba samin this time?" Tanong ni Elara at muling tumaas at baba ang talukab ng mata ni Elijah, nakapikit lang ito at hindi maigala ang buong katawan niya.

"Pakinggan mo lahat ang sasabihin sa'yo ng Luna mo, tandaan mo lahat ng iyon," utos pa ni Elara saka tumalikod kay Elijah at naglakad na palabas sa kwarto ninto.

Hindi matiis ni Elara na tumayo sa harap ng hospital bed kung saan siya nag aagaw buhay noon. Bawat minuto sa loob ng kwarto na iyon ay para siyang nasa loob ng kaniyang hinaharap, kung saan mangyayari ang pagkamatay niya.

Pansin iyon ni Damian, ramdam niya ang kaba ng kaniyang Luna at ang tensyonadong pagpintig ng puso at paghinga ninto. Alam niyang may mali, alam niyang may hindi siya nalalaman pero hindi niya ginawa magtanong at hinayaan na lamang na mismong si Elara ang mag open up sa kaniya ng bagay na iyon.

"Elijah, tandaan mo ginagawa lang 'to ni Elara dahil gusto niyang makaiwas sa ano mang plano na binubuo ng wicked mong luna. Huwag kang umasa na mahal ka pa niya kaya niya ginagawa 'to sa'yo ngayon," bulong ni Damian sa tenga ni Elijah saka naglakad palabas kwarto at sinunda sa paglalakad si Elara.

Napansin ni Francis ang pagbaba ni Elara at Damian sa lobby, agad niya sana itong lalapitan pero lumiko si Damian sa front desk ng hospital at may kinausap doon sa pamamagitan ng mind link, dahil doon ay hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa at mayamaya pa ay umalis sila sa front desk at pumasok sa opisina.

Susundan niya sana si Damian pero pansin niyang hindi sumunod si Elara, mukhang personal na usapan lang ang bagay na iyon kaya hindi na naisip pa ni Francis na makialam.

"Luna Elara," bati ni Francis kay Elara at tumingin lng si Elara sa kaniya at binigyan siya ng simpleng nod. Pansin ni Francis na napakailap ni Elara hindi katulad ng stepsister ninto na si Fiona.

"Tapos niyo namg bisitahin si Elijah? Wala na ba kayong ibang gagawin dito? Kung wala na tara na sa main house iniintay na kayo roon ni Alpha Diego," sagot ni Francis kay Elara.

"May kinamusta lang si Damian, close friend daw ng kaniyang namayapang ina. Pagtapos siguro nila mag usap ay dadaretsyo na kami sa pack house at hindi mo na kami kailangan samahan," sagot ni Elara kaya napaismid ng ngiti si Francis.

"Napakatatay mo namang Luna, saan mo nakuha 'yang katarayan mo?" Tanong ni Francis, hindi niya akalain na ang inosente at tahimik na si Elara ay kaya sumagot sa kaniya ng ganito.

"Sa tatay ko," maikling sagot ni Elara, naka cross arm siya habang nakatingin sa kaniyang balikat upang hindi magtagpo ang tingin nilang dalawa ni Francis.

"Ah, iba rin talaga ang nagagawa ng kapangyarihan ano? Naging Luna ka lang ay tumapang ka na, tanda ko kung pano ka mahiya sa akin at iyuko 'yang ulo mo tuwing magkakasalubong tayo sa pack house," sagot ni Francis kaya napataas ang isang kilay ni Elara at tinignan nang diretsyo si Francis, mata sa mata.

"Noon iyon, nung wala pa akong kaalam-alam na niloloko ako. Siguro nga mabilis magbago ang isang tao kapag nasasaktan ng todo," sagot ni Elara at tinignan si Francis mula ulo hanggang paa.

"Kung wala ka ng ibang sasabihin, mauuna na ako," mataray na sagot ni Elara at naglakad na palayo kay Francis, nakatingin lang nang seryoso si Francis kay Elara hindi niya maipaliwanag pero sobrang laki ng pinagkaiba ni Elara sa Elara na kilala niya noon, na para bang ibang tao na ang nasa harapan niya ngayon.

Napahawak si Francis sa kaniyang baba habang nag-iisip, "kailangan ko 'tong sabihin kay Fiona," bulong niya habang naglalakad palabas ng hospital.

Hindi alam ni Francis na bago pa siya makalayo ay narinig iyon ni Elara, malakas at malinaw sa kaniyang pandinig.

Walang nakakaalam na tumatalas na ang senses ni Elara kagaya ng isang normal na lycan. Walang nakakaalam sa kakayahan ni Elara ngayon kundi si Calisto at ang Nightraven lamang.

Napangiti si Elara, ngayon alam niya nang magkakampi si Fiona at Francis, mukhang mas kailangan niyang mag ingat ngayon at tulungan si Damian sa pagkuha sa Forestheart, dahil kung akala nilang lahat na walang pakialam si Francis sa posisyon bilang Alpha, mukhang nagkakamali silang lahat.


TO BE CONTINUED


AN: Starting today, mag post ako ng three chapters from 7 pm, 8 pm to 9 pm hanggang Thursday lang po and balik na sa normal update schedule na one chapter per day every 8 pm.

Kindly comment and vote for more updates at kasipagan para sa akin. Thank you sa pagsubaybay sa story na 'to, sabay-sabay nating isumpa si Fiona. 

Keep safe, guys! Stay hydrated, and GOD bless!

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now