CHAPTER: 63

304 20 3
                                    

Sa loob ng malaking silid kung saan nakaupo ang karamihan ng older member ng Forestheart pack, ay ramdam ang pag-aalala at takot sa bawat myembro na nakaupo at nakaharap ngayon kay Alpha Diego.

Sa tanang buhay nila ay ngayon lang nila nakita ang nakakatakot na mga tingin ninto, bakas sa kaniyang mukha ang galit at blood lust. Ramdam ng bawat isa sa loob ng silid and autoridad sa kaniyang presensya na tila ba inuutusan silang iyuko ang kanilang mga ulo at huwag magsalita.

Napatingin si Elara sa pagpasok ng silid ni Fernanda, Fiona at kasunod ninto si Francis at si Esmeralda. Dumaretsyo ng lakad si Fiona at Esmeralda sa upuan na nakahalera sa unahan, isang patunay na parte sila ng matataas na ranggo ng pack.

Habang si Elara at Damian naman ay nakatayo lamang sa gilid ng stage, kung saan tago ang presensya nilang dalawa at hindi naiilawan ng liwanag sa loob ng silid.

"Mukhang walang kaalam-alam ang lahat," bulong ni Elara sa kaniyang mate na si Damian.

"Magugulat sila sa kung ano man ang sasabihin ni Alpha Diego," sagot naman ni Damian at tumingin sa kapatid niyang si Francis na nakatingin sa direksyon nila.

Isa-isang napuno ang mga upuan sa loob ng council room, karamihan ng mga dumalo ay ang mga importanteng member ng pack, ang mga gamma, delta, warrior,  hunters at mga omega.

"Andito na ang lahat, mag umpisa na tayo," sagot ni Diego habang iniiscan ang buong kapaligiran. Tumingin din si Elara sa loob ng silid at naalala ang unang rejection ceremony na kaniyang dinaluhan para i reject si Elijah.

Lahat ng tingin nila ay nasa kaniya noon, gumawa pa talaga siya ng eksena para mapahiya ang chosen mate niya. At iyon ang pinaka magandang desisyon na nagawa niya sa tanang buhay niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, alam niyo naman ang kinalalagyan ng pack natin hindi ba? Nakatayo ako rin upang maging representative ng aking anak na si Alpha Elijah, na ngayon ay patuloy pa ring walang malay at nasa hospital," paliwanag ni Diego sa kanilang lahat, doon na nagsimulang mag usap-usap ang mga members, nagtatanong kung ano na ang kalalagyan ng kanilang pack kung mananatiling walang malay si Elijah.

"Hindi natin alam kung hanggang kailan mananatili sa ganoong sitwasyon si Alpha Elijah, pero asahan niyo na gagawin ko ang lahat para maibalik ang lakas ng aking anak," tugon ni Diego, hindi maiwasan mapatingin sa direksyon ni Fiona.

Nakasimangot si Fiona, umaakto pa itong tila naiiyak at panay punas sa kaniyang mga mata na wala namang luha. Umaakto itong nalulungkot sa nangyari sa kaniyang fated mate pero ang totoo ay siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si Alpha Elijah.

Tumayo ang idang Delta at nagtanong, "Alpha Diego, ipapasa mo na ba sa anak mong si Francis ang posisyon ng pagiging Alpha?"

Dahil sa tanong na iyon ay lalong umalingawngaw ang usap-usapan sa loob ng council room. Nanatiling walang imik si Francis habang si Fiona naman ay pilit na tinatago ang ngiti sa kaniyang hawak na panyo.

Sa wakas, ay magagawa na rin nilang dalawa ang kanilang matagal ng plano. Magbubunga na ang mga paghihirap ni Francis para lang makuha ang posisyon bilang Alpha at sisiguraduhin naman ni Fiona na mananatili siya sa posisyon bilang Luna.

"Hindi, kay Alpha Damian ko ipapasa ang posisyon na ito," diretsyo at walang prenong sagot ni Alpha Diego. Seryoso ang kaniyang mukha, walang bahid ng ano mang pag-aalinlangan at hesitation sa boses at ekspresyon ninto.

"Hu? Pero hindi ba't Alpha na siya ng Nightraven? Pwede ba maging alpha ng dalawang pack?" Tanong ng ilan sa mga nakikinig sa anunsyo.

"Anong nangyayari? Bakit kay Alpha Damian?" Ito ang tanong na umuugong sa loob ng council room. Bakit si Damian? Bakit siya ang magiging alpha nila?

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now