CHAPTER: 34

393 18 3
                                    

Dumagsa ang napakaraming tao sa harap ng royal palace, sakay ng mga mamahaling sasakyan at galing pa ang ilan sa iba't ibang parte ng Gazina.

Malakas pa rin ang impluwensya ng mga royal sa loob ng Gazina, pinamumunuan pa rin ito ng mga emperor at mga hari, hindi katulad ng ibang bansa sa mundo na malayang mamili ng bago nilang magiging prisidente, sa Gazina ay nanatili ang mga may royal blood na siyang hahawak sa trono.

Binubuo ang Gazina ng seven empire at dalawang kaharian. Ang mga ito ay ang Verine Empire kung saan galing ang karamihan ng mga kalakal at iba pang produksyon, ang Goldton Empire kung saan kumukuha ang lahat ng emperyo ng malakihang porsyento ng pananim katulad ng palay at iba pang grains, ang Ambrosetti Empire na ngayon ay pinamamalakad na ng Goldton Empire, ang Moonvault Empire kung saan hindi sumisikat ang araw at tago ng mga ulap, ang Lumire Empire na mayaman sa history at kaalaman sa buong mundo, and WhitePeak Empire na tirahan ng mga priestess and priest ang lupain na binasbasan ng langit at ang Summergrave Empire na sinasabing libingan daw ng mga dragon at pinamumunuan pa rin ng black dragon hanggang ngayon.

Maraming kwento at mga alamat ang umiikot sa bawat emperyo, ngunit sa makabagong mundo ngayon ay tanging mga libro na lamang ang nagsasaad at magpapatunay ng mga bagay na 'to.

Ngayon ay araw ng medal ceremony kung saan paparangalan ng emperor ang mga tauhan niya na nagpanalo sa Summergrave laban sa mga pirata na nais sakupin ang Summer Sea.

"Sabi nila ay matagal na raw naglilingkod ang mga lahi ng lycans at werewolf sa royal palace, tingin mo totoo 'yun?" Rinig na bulungan ni Elara habanv nakaupo siya sa harapan ng entablado at iniintay ang pagbibigay ng panibagong medal kay Damian upang tumaas ang rango ninto.

"Hahaha, naniniwala ka run? Edi ibig sabihin werewolf si Lieutenant Ashford?" Natatawang tanong nung babae na nasa likod ni Elara, habang maraming tao ang nag iintay at manonood ng ceremony na 'to.

"Malay mo naman, mukha kaya siyang werewolf, if werewolf talaga siga willing ako magpalapa sa kaniya grr," biro ng isa pang babae dahilan para mapataas ang isang kilay ni Elara habang nag iintay.

"Hahaha ako rin, ang gwapo kaya. Kung ganiyang werewolf lang din ang kakagat sa'kin ay go-go ako ah!" Nagtawanan ang tatlong babae sa likuran ni Elara at hindi niya na lang maiwasan na hilutin ang noo niya dahil sa mga ito.

Pansin ni Elara na hindi pa rin nabubura ang paniniwala ng mga mortal sa kagaya nila, pero kung tutuosin naman ay marami rin kasing hindi pa nabuburang pruweba tungkol sa lahi nila kaya naman marami pa rin talagang mga mortal ang naniniwala sa existence nila.

Katulad niya, naniniwala siya na hindi lang mga Lycan ang nabubuhay sa mundong ito, maraminpang kakaibang nilalang bukod sa mga tao at lycans.

"Maganda araw sa inyong lahat," natawag ng right hand man ng emperor ang atensyon nilang lahat, nakasuot ito ng navy blue na yuniporme, mahaba at nakatali ang itim nitong buhok, may diamante na kulay violet sa kaniyang noo na kakulay rin ng kaniyang mga mata. Agaw pansin ang kagwapuhan niya na bumabagay sa moreno niyang balat, at iba ang aura ninto na para bang nakaharap si Elara sa isang nilalang na mas malakas pa sa kahit sinong nakilala niya.

Napalunok si Elara, habang pinapakinggan niya ang sinasabi ng lalaki ay hindi niya maiwasan pagpawisan at kabahan. Iba ang pakiramdam niya sa lalaking iyon at alam niyang hindi lang ito kanang kamay ng emperor.

"The awarding ceremony will now commence," anunsyo ninto at lahat sila ay nagpalakpakan.

Masayang nanood si Elara ng ceremony, sobrang daming mga tao ang dumalo at pinagbubunyi ang araw na 'to. Ngayon lang siya nakadalo sa mga ganitong okasyon kaya naman manghang-mangha siya sa dami ng mga tao at sa kasiyahan na dulot ninto.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon