CHAPTER: 13

551 30 1
                                    

Hinithit ni Aljern ang tabako na hawak niya habang, nakaupo sa kama at tanging kumot lamang ang tumatakip sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Tinignan niya ang pocket watch niya at ang envelop na galing kay Fernanda na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

"Ihanda mo ang sinabi ko sa'yo ah, naiinip na ako kailangan ko na mapabagsak ang babaeng iyon," sagot ni Fernanda na kakalabas lamang sa loob ng banyo, basa pa ang uhok niya at nakasuot ng bathrobe na puti. Umupo sa harap ng vanity mirror at kinuha ang blower.

"Masyado ka namang atat, baka mahalata nila ang plano mo kung bigla na lang mamatay ang Elara na 'yan," kumento ni Aljern saka tumayo at naglakad papalapit kay Fernanda, hinalikan ninto ang maputing leeg ni Fernanda at tumingin sa salamin.

"Kulang pa ang pera na 'to para makuha ko ang pinapabili mo, alam mo naman siguro na sa black market ko pa bibilhin ang drugs na 'yun." Napairap si Fernanda at lumayo kay Aljern saka kinuha ang kaniyang damit.

"Padadalhan pa kita, hindi ko pa natatanggap ang pera ni Calisto kaya dapat mapagkasya mo muna iyang binigay ko sa'yo," sagot ni Fernanda sabay tayo at isa' isang sinuot ang mga damit niya na nagkalat sa sahig.

Nung isang araw pa siya umalis, naiinis siya at hindi na makapag-intay na mawala sa kanilang landas si Elara kaya siya na mismo ang nakipagkita kay Aljern at naghanap ng paraan. Nalaman niya kasi na tinatapon lamang ni Elara ang drugs na pinalit niya sa maintenance medicine na iniinum ni Elara, hindi niya alam kung may alam na ba si Elara sa mga plano niya o sadyang hindi lang gusto uminum ng gamot ninto.

Nakita niya ang mga gamot na iyon sa basurahan sa loob ng kwarto ni Elara nung ilalagay niya ang card ni Elara sa study table ninto, laking gulat niya na hindi ito iniinum ni Elara at mukhang papalpak ang mga plano nila.

Alam niyang naive at tatanga-tanga ang step daugther niya, pero mas maganda na rin na nakakasigurado siya dahil lately ay napapansin niya ang pagbabago sa kinikilos ni Elara, katulad na lamang ng pagbawi ninto sa savings account niya, dahilan para bayaran niya ang mga kinupit niya sa account na iyon para lamang hindi mahalata ni Calisto ang pagnanakaw na ginagawa niya kay Elara.

"Bakit hindi ka na lang bumalik sa akin? Tutal mukhang hindi ka naman masaya sa asawa mo ngayon, halatang nagkukulang siya sa ibang aspeto niya bilang asawa," sagot ni Aljern sabay hawak sa bewang ni Fernanda.

Napabuntong hininga na lamang si Fernanda dahil alam niyang magaling lang naman si Aljern sa kama ngunit wala itong silbi pagdating sa paghahanap buhay, ayaw niyang magutom at maghirap sa katulad ni Aljern.

"Sige, babalik ako sa'yo kapag naging Alpha ka na o hindi kaya naman ay isang milyonaryo," sagot naman ni Fernanda at inalis ang kamay ni Aljern na nakapulupot sa bewang niya. Nang makapag ayos ay lumabas na si Fernanda sa hotel room nila. "Mayamaya ka na lumabas, baka may makakita sa atin, mag send na lang ako ng pera kapag dumating na at siguraduhin mong magagawa mo ang mga inuutus ko sa'yo," mariin na utos ni Fernanda habang si Aljern naman ay muling humiga sa kama at kumaway sa kaniya.

"Yes boss!" Sinara na ni Fernanda ang pinto at naglakad sa hallway na para bang walang nangyari. Pero hindi niya maitago ang mga ngiti sa kaniyang labi dahil alam niyang malapit niya nang maalis si Elara sa buhay nilang dalawa ni Fiona.

Samantala, sa loob ng hunting ground ay nagkakagulo ang lahat nang makita nila ang ginawang pagbibigay ni Damian ng kaniyang mga nahuling hayop kay Elara. Hindi sila makapaniwala na ibibigay ng isang kilalang Alpha ang kaniyang nahuli sa isang hamak na omega, dahil doon ay lalong nag init ang mga ulo nila kay Elara.

"Ano bang mayroon sa babaeng 'yan?" Iyan ang mga tanungan ng bawat isa dahil hindi lang ang kanilang Alpha na si Elijah ang nakuha ni Elara kung hindi pati na ang bunsong kapatid ninto na si Alpha Damian.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon