CHAPTER: 20

475 21 2
                                    

"Ano naman kaya ang ibibigay niya sa akin? Resibo ng kahat ng nagastos ko kanina?" Iritableng bulong ni Elara habang naglalakad pababa ng hagdan. Nakasalubong niya sa kusina si Fernanda, nahuli niyan may kausap ito sa phone at nung narinig ninto ang hakbang ni Elara papalapit ay agad itong lumingon at binaba ang tawag.

"Oh sweetie, hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ng Fernanda dahil nakita niyang iyon pa rin ang suot ni Elara na damit, hindi pa 'to nakakapagbihis ng damit pang tulog niya at mukhang may pupuntahan pa.

"May kailangan akong kunin kina Melody, and doon na rin siguro ako matutulog tonight kasi bukas aalis na sila pabalik ng Nightraven pack," sagot ni Elara. Tinignan lang siya maigi ni Fernanda at alam ni Elara na sinusuri siya ninto kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Elara, sweetie. Alam ko na wala si Calisto sa bahay para bantayan at pagsabihan ka, pero bilang stepmom mo, gusto ko lang sabihin na lagi mong iingatan ang sarili mo," sagot ni Fernanda sa pinaka malambing na tono na magagawa niya.

Deep inside ay natatawa naman si Elara dahil sa mga sinabi ni Fernanda sa harapan niya. Kung hindi niya alam ang totoong kulay ng stepmom niya ay baka akalain niyang concern talaga ito sa kaniya, pero ang totoo ay halatang nais ni Fernanda na limitahan ang mga kilos niya.

"Don't worry mom, sasabihin ko naman sayo parati kung saan ako pupunta, si Mel lang naman ang close friend ko rito kaya sinusulit ko na ang bonding naming dalawa," palusot naman ni Elara, buti na lang at nasabihan na ni Damian si Melody na gagamitin nila ang pangalan niya para payagan si Elara na makalabas sa bahay.

"Alam ko rin naman na nagtitiwala ka sa akin sweetie, okay sige, pakisabi na lang kay Melody na ingat sila sa pag-alis tom," sagot ni Fernanda at lumapit kay Elara, hinalikan niya ang noo ng step daughter niya.

"Always take care, okay?" Sagot niya at ngumiti naman si Elara. "Thank you Mom," sagot niya at naglakad na palabas ng pinto.

Pagkasara na pagkasara ni Elara ng pintuan ay pinunasan niya ang halik ni Fernanda sa noo niya at bumalik sa pagiging iritable.

"Ngayon, hindi ikaw ang plastik sa pamilyang 'to." Bulong ni Elara at naglakad na palabas ng gate nila. Daredaretsyo silang naglakad papuntang garden pero agad na napahinto nang makita niya si Fiona sa hindi kalayuan, agad siyang nagtago sa likod ng isang puno at sinundan ng tingin kung saan pupunta ang kapatid niya.

Dahil sa wolfless si Elara, karamihan ng lycan at werewolf sa pack ay hindi maamoy ang scent ni Elara lalo na kung nasa labas ito at malakas ang amoy ng lupa at halaman galing sa gubat. Ang Forestheart pack kasi ay pinaliligiran makakapal na puno at nasa gitna ng gubat sa north part ng Summergrave.

Dahil dito ay hindi na amoy ni Fiona ang faint scent ni Elara, kaya madali siyang nasundan ng tingin ni Elara nang hindi niya namamalayan.

"Saan siya pupunta?" Tanong ni Elara at nakita na dumaretsyo si Fiona papunta sa direksyon kung na saan ang bahay ni Elijah.

Kung hindi niya pa alam ang mangyayari sa hinaharap ay siguro sobrang sakit para sa kaniya makita ang eksena na 'to, pero ngayon na hindi na siya chosen mate ni Elijah, mas masaya siyang mapunta na lang ang ex boyfriend niya sa kaniyang stepsister.

"Sinong tinitignan mo r'yan? Ba't ang tagal mo?" Napabalikwas si Elara nang marinig niya ang boses ni Damian sa likuran niya. Hindi niya man lang naramdaman ito at parang isang anino na nagtatago sa madilim na parte ng kagubatan.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now