CHAPTER: 38

334 20 3
                                    

"Ikaw na muna ng bahala rito Elara, tutulungan ka naman ni Calix kapag may kailangan ka," paalala ni Damian, hindi niya maalis ang tingin niya sa kaniyang luna at sa totoo lang ay nais niya pa ngang isama ito kung hindi lang mapanganib ang kanilang pupuntahan ay hindi siya magdadalawang isip na isama si Elara.

"Wag ka na mag-alala, kaya na ni Calix ang trabaho rito," sagot naman ni Elara habang si Calix naman ay kamot ulo na lang na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

"Pero— ahhhh ayoko umalis! Kaya mo ba talaga mag-isa rito?" Pang sampung beses na tanong ni Damian, kanina pa siya paulit-ulit na nag-aalala kay Elara at mala-late na sila dahil sa ginagawa niya.

"Pwede ba Alpha Damian? Wala naman mangyayari sa Luna habang wala ka, wala naman tayong kaaway na susugod bigla sa pack house para kunin si Elara habang wala ka," iritableng sagot ni Calix kasi nade-delay na ang gagawin niya dahil sa tagal ng pag-alis ng grupo nila Damian.

"Eh kasi eh," parang bata na ayaw humiwalay sa kaniyang ina si Damina, ayaw niyang bitawan ang kamay ni Elara habang ang buong grupo niya ay kanina pa handa umalis.

"Ano?! Kailan pa tayo aalis!?" Iritableng tanong ni Lilian, kanina pa nag iintay ang chopper na kanilang sasakyan.

"Sige na umalis ka na. Tatlong araw ka lang naman mawawala, magkikita ulit tayo." pagpapakalma ni Elara pero sa totoo lang ay ayaw niya rin naman mawalay kay Damian, hindi niya alam na ganito pala ang bond kapag may mate ka na. Pano pa kaya kapag minarkahan nila at isa't isa? Baka hindi na sila maghiwalay pa.

"Iyon nga eh! Ang tagal ng tatlong araw!" Reklamo ni Damian kaya napabuntong hininga na lamang si Elara at tumingin kay Calix.

"Hilahin niyo na 'yan papasok ng chopper, baka abutin pa ng tatlong oras bago kayo makaalis," sagot ni Elara at bumitaw na sa pagkakahawak sa ka kamay ni Damian.

"Babalik din ako! Ingat ka Elara!" Hiyaw ni Damian at napapailing na lamang si Elara dahil doon.

Pinagmasdan niya na umalis ang Alpha niya ksama ni Lilian at iba pang pack members ng Nightraven. Naiwan sila ni Melody at Calix sa pack na magbabantay rito, pero marami pa rin naman naiwan na gamma at iba pang warrior na member ng pack kaya kampante si Damian na umalis.

"Ayaw ka lang talaga niya iwan," sagot ni Melody habang naglalakad na sila papasok ng main house. 

"Para namang may pupuntahan akong ibang lugar bukod sa pack na 'to," natatawang sagot ni Elara, pero hindi niya maikakaila na naku-kyutan siya kay Damian tuwing umaakto itong clingy sa kaniya.

"Nag-aalala siya na baka may kumuha sa'yo, pero huwag ka mag-alala Luna, halos lahat ng pack members mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda ay marunong makipaglaban, kayang-kaya ka namin protekhan," sagot namna ni Calix.

"Pati mga bata?" Tanong ni Elara at tumango si Melody at Calix.

"Oo, bukod sa education at iba pang lesson sa school, mayroon din silang training pano nila magagamit ng ayos ang lycan power nila at gamitin ito sa pakikipaglaban," sagot ni Melody kaya namangha si Elara. 

Ibang iba talaga ang Nigthraven sa Forestheart.

"Pwede rin ba ako mag training? Para naman alam ko rin protektahan ang sarili ko," sagot ni Elara kaya nagkatinginan si Calix at Melody.

"Hmm.. siguro saka mo na subukan kapag narito na si Alpha Damian, hindi natin alam baka may mangyari sa katawan mo o sa kundisyon mo bestie," sagot ni Melody dahil hindi niya alam ang gagawin kung biglang magkasakit si Elara nang wala ang Alpha nila.

"Isa pa, magiging busy rin tayo kaya mawawalan ka ng oras para sa training na 'yan," komento naman ni Calix, pero ang totoo niyan ay ayaw niya lang mawala ang attention niya sa pagbabantay sa pack. 

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon