CHAPTER: 73

299 29 4
                                    

Napatingin si Fiona sa hawak niyang susi, ang susi na binigay sa kaniya ni Algern na tutulong sa kaniya para makatakas sa lugar na ito. Tama ang binigay na impormasyon sa kaniya ng Delta, umalis nga sa pack house si Alpha Damian at Alpha Diego para magtungo sa Nightraven, ang tanging naiwan lamang sa loob ng pack ay si Elara na ngayon ay bantay ng limang Gamma galing sa Nightraven pack.

"Kung patayin ko kaya siya? Kung sugurin ko kaya siya ngayon?" Tanong ni Fiona kay Mira na kaniyang wolf pero hindi sumasagot si Mira at wala rin itong balak na tumulong pa sa mga plano ni Fiona.

"Kakayanin natin sila, tutulungan tayo ni Algern," dagdag ni Fiona habang naglalakad nang pabalik-balik sa harapan ng kaniyang kama. Kagat-kagat niya ang kaniyang mga kuko, nag-iisip ng panibagong plano dahil ayaw niyang umalis sa pack na ito nang hindi nakakaganti kay Elara.

'Sumuko ka na lang,' iyon na lang ang tanging nasagot ni Mira, wala na siyang gana na kausapin o tignan man lang si Fiona na nagdudulot sa kaniya ngayon na pighati. Ilang araw nang humihingi ng tulong si Mira sa Moon Goddess na patayin na lang siya at muling ibigay sa ibang lycan na hindi katulad ni Fiona.

Sa kanilang mga wolf, hindi sila pwede mamili kung sinong Lycan ang makakasama nila sa buhay na 'to, hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan nila o magiging kapalaran habang nasa loob ng katawan ng kanilang partner.

Tanging hiling na lamang ni Mira ay kung mabubuhay ulit siya ay hindi na kagaya ni Fiona ang maging kapartner niyang Lycan. Hindi kasing wicked at demonyo ni Fiona na sumira sa bond nila ng fated mate niya.

"Fiona, handa ka na ba para mamaya?" Tanong ni Algern na kakapasok lang sa loob ng kwarto ni Fiona, amoy sigarilyo ito na ayaw na ayaw ni Fiona. Napansin ni Algern ito kaya agad siyang lumayo at nagtungo sa pantry ng kwarto upang uminum ng tubig, abas na nga siya nagsigarilyo dahil ayaw niyang maamoy ito ng buntis niyang anak, pero masyado nga sigurong matapang ang amoy ng sigarilyo na paborito niya.

 Wala si Andie para magbantay ngayon gabi dahil ang nakatoka ngayon ay si Algern lamang, dahilan para mas malaya nilang maplano ang gagawin nilang pagtakas.

"Sigurado ka ba na maitatakas mo kaming dalawa ni Mom? Saka ano ng balita sa kaniya? Bakit hindi mo sinasabi kung ano nangyayari sa kaniya?" Inis na tanong ni Fiona, alam niya kasing si Algern na lang ang tanging paraan niya para makalabas dito.

Hindi niya na maasahan pa si Francis, binitawan na siya ninto, iniwan mag-isa sa pagbubuntis niya sa kanilang anak. Sa sobrang galit niya kay Francis ay nais niya nang ipalaglag ang pinagbubuntis niya. Pero hindi magawa ni Fiona, hindi niya magawang bitawan ang buhay sa sinapupunan niya.

"Hindi ko pa siya napupuntahan, pero ayon sa mga warrior at ilan guard ay nakakulong siya sa pinaka dulong bahagi ng dungeon. Mamayang madaling-araw ay pupuntahan ko na siya roon tapos magkita tayo sa sinabi ko sayong location, naiintindihan mo ba?" Tanong ni Algern dahil ito na lang ang natatangging pagkakataon na mailalabas niya sa Forestheart ang kaniyang mag ina.

Nalaman niya na gising na si Elijah ngayon at nakakapagsalita na rin ito, hindi na papatagalin pa ni Elara ang paglabas ng katotohanan kaya panigurado na bukas din ay gagawa na ito ng hakbang. Wala si Damian o si Diego sa pack pero may kakayahan si Elara na mag utos at ipatapon si Fiona sa kulungan kaya alam ni Algern na lalo siyang mahihirapan sa pagtakas nila kung mangyari iyon.

"Sigurado ka na mapagkakatiwalaan ka namin, dahil kung hindi ako mismo ang papatay sa'yo," sagot ni Fiona kaya natawa na lamang si Algern dahil manang-mana si Fiona sa kaniyang ina na si Fernanda.

"Gising na si Elijah, nakakapagsalita na rin siya at ayon sa narinig ko ay galing doon si Elara at kinausap ang fated mate mo. Sigurado ako na bukas ay itatapon ka na sa kulungan pagtapos ng trial," sagot ni Algern. Ang trial na gagawin bukas ay isa lang palabas para walang masabi ang ibang pack members sa gagawin ni Elara kay Fiona, halata naman na hindi siya mananalo sa kaso na iyon at dadaretsyo siya sa kulungan at doon na mabubulok habang buhay.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now