CHAPTER: 82

396 25 0
                                    

Nakalipas na ang buong isang buwan nang umalis si Elara sa Nightraven pack, sa lumipas na buwan na iyon ay naging abala sina Damian at Elara sa mga gampanin na kinahaharap nila. Patuloy na nag eensayo si Elara kasama ni Emmanuel, marami  pa siyang kailangan matutunan lalo na sa pagkontrol niya sa kaniyang emosyon at lakas.

Samantala, si Damian naman ay abala pa rin sa ilang trabaho na kailangan niyang kaharapin, pinasa niya na muna ang ilan sa mga ito kay Elijah na ngayon ay magaling na ngunit hindi na muling makakalad pa. Madali na lamang sana matatapos ni Damian ang mga trabaho niya ngayon na lumipas na ang isang buwan, wala na siyang ibang iintindihin ngunit dahil sa parami nang parami ang insidente sa bawat border ng Summergrave ay kinakailangan siya ng empire ngayon.

"Alpha, dumating na sila Jake galing sa east border," sabi ng isang warrior wolf habang nasa camp sina Damian sa North border naman ng Summergrave. Napatingin si Damian sa ulap, makulimlim ngayon at mukhang mahihirapan sila sa paghahanap sa ibang rogue na naghahasik ng kaguluhan sa lugar.

"Sabihin mo ay agad silang magtungo sa tent ko," utos ni Damian sa warrior ngunit agad din itong sumagot.

"May nahuli po silang isang rogue, nais niyo po pa rin bang magtungo sa tent niyo?" Tanong ng warrior at umiling na si Damian saka inayos ang gloves sa kaniyang kamay.

"Hindi, ako na ang pupunta sa kanila," sagot ni Damian at tumango naman ang warrior saka naglakad papunta sa lugar kung saan sila Jake, sumunod si Damian sa warrior at nakita niya ang squad ni Jake na pawisan at ang ilan ay nsa wolf form pa nila.

"Jake, anong report?" Tanong kaagad ni Damian. Habang papalapit ay nakita niya ang isang rogue na nakatali sa puno at sugatan, mukhang nanlaban ito kaya siya napuruhan sa grupo nila Jake.

"Nahuli namin ang isang 'to na tumatakas nung nag raid kami sa isang bar sa hindi kalayuang village sa east border, may nagsabi kasi sa amin na karamihan ng rogue ay parating nakatambay sa bar na iyon tuwing umaga at naghahanap naman ng bibiktimahin nila sa gabi, maraming nakatakas dahil nakatunog din sila sa pagdating namin at itong isa na ito ang nahuli namin," sagot ni Jake, desmayado dahil hindi naging maayos ang mission nila.

"Mabuti na rin na may nahuli kayo kaysa sa wala, ilang linggo na natin silang hinahanap at napakahirap na malaman ang lungga ng mga 'to kaya ngayon siguraduhin niyo na may mahihita kayo sa rogue na iyan, kahit anong impormasyon ay kinakailangan," sagot ni Damian at tumingin sa rogue na masamang nakatingin sa kaniya.

Ang mga mata ninto ay blood shot, halatang lulong sa droga at nakatikim na ng dugo ng tao. Sino man werewolf o lycan na nakatikim ng dugo ng mortal ay nagbabago ng kulay ng mata, nagiging pula ito kapag nag transform sila sa kanilang werewolf form at hindi na rin mawawala sa kanila ang pagkaadik sa lasa ng laman at dugo ng mga mortal.

Ang kumain ng isang tao ay taboo para sa mga lycan at werewolf, ito itong sa pinaka pinagbabawal ng Moon Goddess sa kanila. Sino man ang kumain o uminum ng laman at dugo ng isang mortal ay hindi na makakabalik pa sa normal na pagiging lycann at werewolf, magiging mapangahas sila, laging uhaw sa dugo at baliw sa laman ng tao.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Damian habang naglalakad papalapit sa rogue, ngunit umiwas lang ito ng tingin sa kaniya.

Pinagmasdan ni Damian ang rogue, isa itong lalaki na may mahaba't itim na buhok, payat ang pangangatawan at halatang walang maayos na tulog o kain ng ilang araw. Pero ang kagaya niyang rogue ay may kakayahan pa rin magsaya sa isang bar sa maliit na baryo na iyon, sinakop at tinakot na ba nila ang mga tao sa village na iyon o may nagbabayad ng mga inumin nila sa bar?

"Sinong amo mo?" Tanong ni Damian, nais niyang malaman kung sino ang rogue na nag uutos at kumokontrol sa iba pang rogue werewolf sa Summergrave.

"Naririnig mo ba ang tanong mo Alpha Damian ng Nightraven? Amo? Rogue kami, wala kaming sinusunod kundi ang sarili namin," mayabang na sagot ninto at masamang nakatingin kay Damian.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now