CHAPTER: 105

250 20 3
                                    


"Hindi ko ma-contact si Melody, walang sumasagod sa linya ng Nightraven," sagot ni Elijah, kaninang umaga niya pa iniintay ang email para sa confirmation na kailangan niya sa isa sa mga dokumento na pinasa niya.

"Kailangan ko na 'yun ngayon ipasa, pero walang nag re-reply sa emails ko," sagot ni Eliajh, ngayon lang ito nangyari sa kanila kaya hindi niya maiwasan magtaka.

"Sige susubukan kong tumawag kay Melody," sagot naman ni Calisto pero ilang beses niya nang sinubukan ay hindi pa rin siya makakonekta sa linya. May kaniya-kaniya kasing connection ang bawat pack, iba pa ito sa mga signal at cellular data na mayroon ang buong Gazina.

"Hindi sumasagot si Melody, mukhang may nangyayari na hindi maganda sa Nightraven, dito ka lang at tatawagin ko ang lahat para maging alerto," sagot ni Calisto at tumango naman si Elijah.

"Tatawagan ko rin si Damian para ipaalam sa kaniya 'to at baka may alam din siya sa nangyayari," sagot ni Elijah at tumango naman si Calisto saka lumabas ng pinto ng opisina. Agad na dinial ni Elijah ang number ni Damian pero walang sumasagot sa kabilang linya, nagtaka siya at napaisip na baka ang Forestheart ang may problema sa connection.

Tinignan niya ang signal ng phone niya at nakitang wala itong service, kumunot ang noo ni Elijah at agad na kinuha ang transceivers ng pack house at agad na tinawagan ang tech team ng pack.

"Anong nangyayari? Bakit walang sumasagot?" Nakakunot na tanong ni Elijah, hindi na maganda ang kutob niya sa mga nangyayari kaya lumabas na rin siya sa pack house at tinignan ang nangyayari sa labas. Sumakay siya sa elevator tulak-tulak ang kaniyang wheel chair at lumabas sa main entance ng main house.

Doon nakita niyang nagkakagulo na ang lahat, naghahanda na rin ang mga gamma at warrior sa ano mang maaring mangyari at karamihan sa kanila ay hindi alam ang gagawin.

"Elijah! Bakit ka lumabas? Delikado rito ngayon," saad ni Calisto nang makita si Elijah sa labas ng pack house.

"Anong nangyayari? Hindi ako maka-connect sa tech team natin, miske ang phone ko ay walang signal," naguguluhang tanong ni Elijah kay Calisto na ngayon ay hindi na rin alam ang nangyayari.

"Nakatanggap ako ng report na nawipe out ang tech team, lahat sila ay walang malay at sira din ang lahat ng mga kagamitan sa kwarto pati na ang mga connection equipment ng pack house," paliwanag ni Calisto kaya lalong napaisip si Elijah kung sino ang may kagagawan nito.

"Nahuli na ba ang may gawa?" Tanong ni Elijah at umiling si Calisto.

"Tingin ko ay ano mang oras ay susugurin na tayo ng kalaban, kaya kung ako sa'yo ay maghanada ka na. May inutusan akong mga gamma na magbabantay sa inyo na tumakas, kailangan natin magawa ng paraan para masabi kay Alpha Damian at sa Forestheart ang nangyayari!" Tumango si Elijah at sumama sa gamma na magtuturo sa kanila para tumakas.

Hindi na siya nagpumilit pang sumali sa laban dahil alam niyang magiging pabigat lamang siya, nais niyang makatulong kahit sa pagpaplano na lamang para sa buong pack at sa pagtakas ng mga ibang members ng Forestheart.

"Anak!" Napalingon si Elijah nang makita niya ang kaniyang ina na si Esmeralda, namamadali itong lumalapit sa kaniya at inalalayan siya sa pagtutulak ng kaniyang wheel chair. Agad naman lumapit si Diego kay Calisto upang tanungin ang nangyayari.

"Anong problema? Bakit nagkakagulo ang lahat at pinaghahanda mo sila sa laban?" Tanong ni Diego saka sa kaniya pinaliwanag ni Calisto ang mga nangyayari.

"Tingin ko may susugod na grupo sa atin ngayon, inuna nilang alisin ang tech team para hindi tayo makahingi ng tulong sa ibang pack lalo na sa Alpha natin, hindi ko alam kung sino o anong pack ito pero iisa lang ang alam ko, sinasadya nila ito habang wala ang Alpha," sagot ni Calisto kaya nakaramdam din ng kaba si Diego.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon