CHAPTER: 86

401 27 12
                                    

Tatlong araw nang nag eensayos i mainard at Damian, patuloy na pinag-aaralan ni Elara na kontrolin ang lakas niya sa bawat porsyento nito at pinipilit na huwag maapektuhan ang kaniyang taining ng mga isipin niya tungkol sa kaniyang Alpha.

Wala pa rin siyang balita kay Damian, hindi niya rin gaanong makausap si Melody dahil mukhang nasa east border na rin ito ngayon at sinasamahan si Damian sa ilang trabaho roon. Lalo tuloy siya nawalan ng koneksyon sa kaniyang Alpha.

"Sigh," napabuntong hininga si Elara habang nakaupo sa bench, kakatapos lang ng training nila ngayon dahil may kailangan asikasuhin si Emmanuel bilang Beta ng pack. Iniwan muna ni Emmanuel si Elara at Mainard at tinapos ang training ng mas maaga.

"Matanong ko lang, galit ka pa ba sakin?" Tanong ni mainard dahil tatlong araw na siyang hindi gaanong kinakausap ni Elara, alam niya naman na hindi sila close pero mas hostile na ang pakiramdam niya sa trato ni Elara sa kaniya.

"Hindi ako galit sa'yo, more on naiinis ako sa sarili ko," sagot ni Elara dahil ngayon ay napagtanto niya na kung gano siya ka-immature nung ibuhos niya ang galit niya kay Damian kay Mainard. Naiisip niya lhat ng mga pinaggagawa niya at kung gano niya pinairal ang kaniyang emotion ng mga oras na iyon.

Pero aminado siya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maiwasan mag overthink, magtampo at mainis sa ginagawa ni Damian sa kaniya ngayon. Pakiramdam niya ay binabaliwala na siya nito at wala ng pakialam sa nararamdaman niya.

"Normal lang naman siguro na makaramdam ng gan'yan, hindi kita masisisi kung minsan mababadtrip ka lalo na sa sitwasyon mo," sagot ni Mainard, sumandal siya sa bench at tumingala lang sa makulimlim na langit.

"Talaga gets mo ko? At pano mo naman nasabi 'yan ah?" Tanong ni Elara, hindi niya talaga maiwasan magtaray kay Mainard. O hindi naman kaya ay hindi niya maiwasan maghinala dahil sa bampira ito na kalaban ng mga lycan.

"Oo gets kita, ganiyan din ako minsan kapag hindi ako pinapansin ng girl friend ko," sagot ni Mainard kaya napabalikwas ng ulo si Elara at muntikan na mapiga ang karton ng gatas na hawak niya.

"May girl friend ka?" Tanong ni Elara kaya napalingon sa kaniya si Mainard habang nakataas ang isang kilay at hinuhusgahan si Elara sa kaniyang reaction.

"At bakit mukha bang walang magkakagusto sa akin?" Sarkastikong tanong ni Mainard kaya agad na umiling si Elara. Sa totoo niyan ay nahihiya siya sa inakto niya, naging feelingera siya dahil akala niya ay pinopormahan siya ni Mainard kaya ito panay dikit at kausap sa kaniya, iyon pala ay friendly pang talaga ito at may girl friend na.

"Sorry hindi sa ganun. Iba lang siguro talaga ang tingin ko sa'yo. So, anong nangyari? Pano mo nasabi na gets mo 'yung nararamdaman ko ngayon?" Tanong ni Elara, hindi niya alam kung bakit na iintriga siya sa magiging sagot ni Mainard, gusto niya kasi makahanap ng makakaintindi sa sitwasyon niya ngayon para hindi niya maisip na nag oover react lng siya o siya itong problema.

"May time kasi na kailangan niyang pumunta sa ibang bansa para magtrabaho, iniwan niya ako ng tatlong taon para sa contract sa work niya, hindi ko siya masundan dahil hindi ako pwedeng pumunta sa lugar na hindi pa ako sigurado na mabubuhay ako bioang bampira, hindi ko siya masundan kung na saan siya kasi mahina pa ang loob ko at ayaw ko naman siyang pigilan dahil pangarap niya 'yun," kwento ni Mainard na patuloy na pinapakinggan ni Elara.

"Alam ko 'yung pakiramdam na gusto mo siyang makausap at makasama, 'yung gusto mong humingi ng attention at oras sa kaniya pero hindi mo magawang mag protesta dahil alam mong busy siya at ginagawa niya ang trabaho niya," dagdag ni Mainard. Napayuko si Elara at nakaramdam ng lungkot sa kaniyang dibdib, ito na naman ang lungkot kinakain siya ng unti-unti.

"Mortal siya, maikli lang ang buhay niya at ayokong hingin ang oras na iyon para lang makuha ang gusto ko. Maikli ang buhay nila kaya kailangan kong siguraduhin na worth it ang bawat taon niya rito sa mundo, na matupad niya ang pangarap jiya bago siya mawala rito." Napalingon si Elara nang sabihin iyon ni Mainard, napatitig siya sa mga mata ni Mainard na puno ng lungkot ngunit hindi rin mawawlaa ang saya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now