CHAPTER: 30

412 20 3
                                    



"Anong problema? Bakit ang ingay-ingay mo?" Inis na tanong ni Damian kay Lilian. Namadaling mag ayos si Damian at Elara dahil sa biglaan pagdating ni Lilian, muntikan na silang mahuli ninto sa kanilang ginagawa.

Ito ang problema ni Damian sa pack members niya, lahat sila ay sanay na panatilihin ang paggalaw nila ng tahimik, na para bang nasa gera o misyon pa rin sila. Nadadala nila ang ugali na ito kahit sa loob ng pack house kaya naman minsan ay hindi niya na de-detect ang galaw ng mga members niya lalo na kapag busy siya kay Elara.

"Wala lang, gusto lang kita bisitahin sa opisina mo. Masama ba? Lagi naman kitang ginugulo kapag wala akong magawa," sagot ni Lilian.

Tahimik na nakikinig si Elara sa pinag-uusapan ng dalawa habang nakayuko at nag tatrabaho sa harap ng laptop niya. Gusto niyang kilalanin si Lilian at tignan kung close friend nga lang na ang turingan ng dalawa o mas may hihigit pa.

"Busy ako ngayon, marami kaming papers na kailangan tapusin at aalis din ako bukas," sagot ni Damian kaya nagpintig ang tainga ni Elara.

Hindi niya alam na aalis si Damian at wala itong sinasabi sa kaniya. Hindi niya tulog alam kung nagsisinungaling lang ba ito kay Lilian o gumagawa lang ng alibi.

"Saan ka naman pupunta? Kakauwi ko lang tapos aalis ka naman? Samahan kita, ano bang misyon mo?" Tanong ni Lilian sabay akbay kay Damian.

Pansin ni Elara na touchy si Lilian at mahilig isukbit ang kamay niya sa braso ni Damian. Naiirita tuloy si Elara dahil tingin niya ay sinasadya ito ni Lilian para maramdaman ni Damian ang kalakihan ng dibdib niya.

Di hamak naman na mas malaki ang hinaharap ni Elara pero hindi niya maiwasan na mairita dahil may ibang she-wolf na umaaligid sa Alpha niya.

Ganito pala ang pakiramdam ng magselos, hindi niya naramdaman ang matinding selos na kagaya ninto noong magkasintahan pa sila ni Elijah. Siguro ay dahil iniisip niya na hindi siya nararapat sa posisyon na iyon kaya hinahayaan niya si Elijah sa gagawin ninto, hindi siya naging possessive kay Elijah, at isa pa malaki ang tiwala niya noon kay Elijah na sinira lamang ninto sa isang iglap.

"May kailangan akong puntahan at kausapin, hindi ka pwede sumama dahil private mission iyon," tugon naman ni Damian at napatingin si Elara sa direksyon nila, iniisip ni Elara na kaya siguro hindi sinabi sa kaniya ni Damian ang bagay na iyon dahil private mission iyon na binigay sa kaniya.

"Ganoon ba?" Iyon na lang ang nasagot ni Lilian at bumitaw na sa pagkakayakap sa braso ni Damian.

Tumingin si Lilian sa buong office ni Damian at doon niya lang na pansin si Elara na nakaupo sa sulok at walang imik. Para siyang nakakita ng multo dahil hindi niya man lang na sense ang presence ni Elara sa loob ng kwarto.

"Oh my gosh! Kanina ka pa d'yan!? Hindi kita napansin," sagot ni Lilian at tinuro si Elara na nakatingin lang sa kaniya ng mataray.

Hindi maalis ni Elara ang pagtataray sa mukha niya, hindi niya alam kung bakit, siguro ay ganito na talaga ang expression niya tuwing nakikita niya ang pagmumukha ni Lilian.

"Kailangan ko ba magpapansin sa'yo?" Tanong ni Elara at hindi niya alam bakit gusto niya sagut-sagutin si Lilian kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya.

"Hu? Bakit ganiyan ka makasagot? May problema ka ba sa'kin?" Tanong ni Lilian at nilapitan si Elara pero agad siyang pinigilan ni Damian at hinila siya sa braso.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now