CHAPTER: 42

348 24 6
                                    

"Elara, pinapatawag ka ni Alpha Elijah sa opisina niya. Nais mo bang samahan kita?" Tanong ni Calisto habang naghahanda siya ng pagkain ni Elara at Melody, naiwan silang tatlo sa bahay dahil lumipat sa main house si Fiona at Fernanda.

"Mabuti pa nga samahan mo siya tito, kung alam mo lang ang ginawa ng Alpha na 'yan kay Elara," tugon ni Melody sabay subo ng pancakes.

"Hindi na, ako na lang ang makikipag-usap sa kaniya," sagot naman ni Elara dahil ayaw niyang malaman ni Calisto ang ginawa niyang pami-frame up kay Elijah para makipaghiwalay rito.

"Pero pano kung mag gawin siya sa'yo? Wala ako sa tabi mo," sagot ni Calisto, nag aalala siya sa kalagayan ni Elara pagtapos niyang malaman na hindi na safe ang anak niya sa Alpha nila, lalo na't nasira na ang magandang imahe ni Alpha Elijah sa paningin niya.

"Pwede niyo naman ako samahan hanggang main house, kasi kahit magpumilit kayo ay hindi kayo papayagan ni Elijah na sumama sa pag-uusap namin," tugon ni Elara, kilala niya na si Elijah at alam niyang gagamitin ninto ang otoridad niya para makuha ang gusto niya.

"Sige, kung may gawin man sa'yo si Alpha Elijah ay sumigaw ka ng malakas o gumawa ka ng kahit anong ingay at agad kitang pupuntahan," sagot ni Calisto kaya napangiti si Elara at tumango sa kaniyang ama.

"Kumain muna kayo r'yan, may kailangan lang akong tawagan," pagpapaalam ni Calisto at tumango ang dalawa bilang sagot. Naiwan si Elara at Melody sa kusina habang nag uumagahan, panay ang buhos ni Melody ng honey sa pancakes niya.

"Bestie, may pic ako rito nung mga pasa at bugbog mo. Tinabi ko for evidence, gusto mo pakita natin kay tito para magalit siya ky Alpha Elijah and pumayag na siya lumipat sa Nightraven?" Tanong ni Melody, nais niya na rin gumawa ng paraan para makabalik na si Elara sa pack nila dahil alam niya na any moment ay maari nang umuwi ang Alpha nila sa pack house.

"Itabi mo muna r'yan Mel, natatakot ako na baka saktan din nila si Dad kapag pumalag siya sa Alpha. Kilala mo naman siguro ang tatay ko, siya ang war hero ng pack na 'to, palaban siya at wlaang inuurungan kapag alam niyang may na dedehado," paliwanag ni Elara.

"Kung sabagay, kaya nga kinatatakutan din siya ng mga Reed dahil sa lakas niya at reputation sa pack na 'to, malaking kawalan si tito Calisto kung kakalabanin nila ito, mas maraming pack members ang kakampi sa kaniya kung magkataon," sagot ni Melody at tumango naman si Elara.

"So anong balak mo? Three days na ang nakakalipas, kailangan na natin makabalik sa pack house kung ayaw mo magkaroon ng gera rito sa Forestheart," sagot ni Melody kaya napabuntong hininga si Elara.

"Hindi pa kamo gumagana ang number ko, dapat pala nagpalit na ako dahil mukhang blinock ni Elijah ang number ko sa lahat ng contacts ko, hindi na ako nakaka-recieved ng any text message or call," tugon ni Elara kaya lalo siyang nag-aalala na baka isipin ni Damian ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ng kaniyang Alpha.

"Good luck na lang talaga kay Damian, for sure nababaliw na 'yun ngayon," sagot ni Melody.

Patuloy silang kumain at nagplano na rin ng mga sunod na gagawin nilang hakbang, pagtapos ninto ay dumaretsyo na si Elara at Calisto as main house para kausapin si Elijah. "Dad, dito ka na muna," utos ni Elara sa kaniyang ama at wala ng nagawa si Calisto kung hindi sundin ang request ng kaniyang anak.

Nanatili sa looby si Calisto habang si Elara naman ay umakyat sa third floor ng pack house, habang naglalakad siya ay pinagtitinginan siya ng bawat members ng Forestheart pack. Iniisip ng mga ito kung gano kakapal ang mukha ni Elara at nagawa pa ninto tumapak sa pack nila at may mukha pa itong ihaharap sa kanilang lahat pagtapos ng ginawa ni Elara sa kanilang Alpha.

"Elara," napalingon si Elara nang makita niya ang stepmother niya. Lumapit sa kaniya si Fernanda habang dala ninto ang galit na expression sa kaniyang mukha.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now