CHAPTER: 27

439 25 4
                                    

Kanina pa nakatitig si Elijah sa kaniyang phone screen, tinitignan ang mga picture nilang dalawa ni Elara na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mabura. Lahat ng memorya ni Elara ay nasa kwarto pa rin ni Elijah, miske ang paborito nintong bulaklak ay nakatanim pa rin sa hardin ng Forestheart pack.

Mag iisang buwan na simula ng umalis si Elara sa Forestheart pero hindi pa rin makalimutan ni Elijah ang mga nangyari sa kanila, hindi niya pa rin matanggap na wala na ang babaeng nais niyang maging luna.

"Alpha Elijah?" Napalingon si Elijah sa pagpasok ni Fiona sa kwarto niya. Pinatay niya ang phone niya at umayos ng upo sa kama. Iritable siya, hindi niya magawang tignan nang matagal si Fiona pero tinatawag ng scent ninto ang wolf niya.

"Bakit hindi ka kumatok?" Tanong ni Elijah, naiinis siya kapag pinapasok ang privacy niya. Naiinis siya dahil hindi pa naman ganap na Luna si Fiona pero kung makaasta ito ay akala mo sa kaniya na lahat ng otoridad para makialam sa lahat ng bagay sa loob ng pack house.

Marami ang nagrereklamo na members ng Forestheart pack dahil sa pangingialam ni Fiona sa mga trabaho at gawain nila, nagkusa rin itong lumipat sa main house kahit hindi pa naman itong opisyal na Luna. At sa ilang linggo na pananatili ni Fiona sa loob ng main house ay ilang omega na ang nagrereklamo sa pananakit na ginagawa ninto.

"Ah, hindi naman na kailangan. Malapit na naman tayo maging isa so ano pang problema?" Tanong ni Fiona sabay upo sa tabi ni Elijah, sumandal siya sa balikat ng Alpha at hinawakan ang isang kamay ninto.

Nararamdaman ni Elijah ang bond nilang dalawa ni Fiona, pero hindi niya mapaliwanag kung bakit 'yung isip niya ay parang nasa ibang lugar, hindi nga lang isip niya— kundi pati puso niya ay wala ngayon sa Forestheart.

"Kailangan ko pa rin ng privacy, tandaan mo Alpha mo pa rin ako. Kailangan ko ng space para mag isip at magtrabaho," sagot ni Elijah sabay alis ng pagkakahawak ng kamay ni Fiona sa kaniya.

Napansin ni Fiona ang pagiging mailap ni Elijah sa kaniya, hindi naman siya manhid para hindi maramdaman 'yung pagiging malayo ng loob sa kaniya ni Elijah.

Samantalang si Fiona ay gustong gusto na kaagad mamarkahan siya ni Elijah, gusto niya na maangkin ang posisyon bilang luna at mahalin ng fated mate niya.

"Sorry about that, masyado na ba akong clingy? Ayaw mo ba na narito ako?" Tanong ni Fiona habang nakasimangot, lumayo siya ng pagkakaupo at binigyan ng space si Elijah.

Nakaramdam naman ng konsensya si Elijah dahil doon, hindi niya naman maitatanggi na napakatibay ng bond nila ni Fiona bilang fated mate. Nahihirapan siyang hindi pansinin si Fiona at nasaskatan siya tuwing nasasaktan ito.

"Sundin mo na lang ang lahat ng rules sa pack house, kahit luna ka ay kailangan mo pa ring galangin ang ibang members ng pack na 'to," sagot ni Elijah at tumango si Fiona.

"About ba 'to sa omega na nasaktan ko last time? Hindi ba't sabi ko naman sa'yo ay pinag-uusapan nila ako kaya nainis ako at nabato sila ng baso, hindi ko na uulitin iyon, nadala lang ako ng emosyon ko dahil binaggit nila ang pangalan ni Elara," nagpaliwanag pa si Fiona pero alam naman ni Elijah ang totoong nangyari.

Lahat ng omega sa loob ng main pack house ay nais niyang palayasin at palitan ng matatandang omega para maiwasan si Elijah sa pambabae ninto. Hindi naman kasi lingid kay Fiona na may iba pa ring kinakasama si Elijah tuwing gabi, hindi ito kuntento sa kaniya at ayaw pa siya markahan ninto kahit ilang beses na nilang ginawa ang bagay na 'yun.

"Alam mo Fiona, kailangan mong matutong itago ang totoong ugali mo," bulong ni Elijah sa kaniya, seryoso siyang tinignan ni Elijah at pinagmamasdan kung ano ang gagawin at iniisip niya.

"Anong totoong ugali?" Maang-maangan naman si Fiona sa sagot niya dahil ayaw niyang husgahan siya ni Elijah at malaman ninto ang totoong pakay niya ss pagiging Luna niya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now