CHAPTER: 23

462 18 1
                                    

Napanganga si Elara sa ganda at laki ng kwarto na binigay sa kaniya ni Alpha Damian, simple lang ang desenyo ninto na bumabagay kay Elara. Pinapalamutian ng iba't ibang halaman at bulaklak, may puting queen size bed at bed hanging lace curtains, sa harap ng kama ay may malaking bintana na patatsulok kung saan matatanaw ang lawa na pinalilibutan ng mga willow trees.

Hindi akalain ni Elara na ganito ang loob ng isang modern style na main mansyon, kung titignan kasi sa labas ang pack house ay para itong hotel, gawa sa salamin at kulay itim ang pintura, halatang lalaki ang nagpagawa at may gusto ng design pero pagpasok mo sa loob ay may kaniya-kaniya na itong design base sa bawat lycans na nakatira sa loob.

"Nagustuhan mo ba? Tinanong ko si Mel kung anong gusto mong design kaya pinaayos ko na agad 'tong kwarto na 'to," palusot ni Damian pero ang totoo ay nung binubuo niya ang pack house na 'to ay may kwarto na talaga na nakalaan para kay Elara at siya mismo ang nag desenyo ninto base sa pagkakakilala niya kay Elara.

"Sobra! Sure ka ba na ibibigay mo sa akin ang kwarto na 'to?" Tanong ni Elara habang naglalakad sa loob ng kwarto at excited nang ayusin ang mga gamit niya rito.

"S'yempre hindi ko 'yan mabibigay for free," sagot ni Damian kaya agad na napalingon sa kaniya si Elara, at hinila ang maleta palabas ng kwarto.

"Hahaha! Isang kiss lang, maramdaman ko man lang na I did a great job," sagot ni Damian kaya napataas ang kilay ni Elara.

Sa totoo lang ay hindi alam ni Elara kung pano sila napunta ni Damian sa ganitong sitwasyon, 'yung dynamic nila noon ay parang tubig at langis na hinding hindi mo pwede pagsamahin.

Pero ngayon ay hindi niya na mapigilan ang sarili niya na mahulog sa mga pilyong ngiti ni Damian. Dahil ba sa fated mate sila? O dahil tinutulungan siya ni Damian?

"Damian," tawag ni Elara sa Alpha, lumapit si Elara kay Damian at binitawan ang handle ng maleta niya, tumayo siya sa harap ni Damian habang nakatingala dahil sa katangkaran ninto.

"Pwede yumuko ka? Hindi kita maabot," utos ni Elara kaya napangiti si Damian at yumuko para itapat ang mukha niya kay Elara.

"Saan mo ko hahalikan? Mamili ka ng maayos dahil nakadepende doon kung anong mangyayari sa'yo sa buong araw," sagot ni Damian kaya napairap na lamang si Elara.

Kung pisngi niya hahalikan si Damian, for sure makakawala siya rito pero kung sa labi ay paniguradong mamaya pa sila matatapos sa halik na 'yun.

"Ipikit mo ang mata mo," sagot ni Elara kaha ginawa naman ito ni Damian. Habang nakapikit ay excited siya sa kung saan siya hahalikan ni Elara, noon ay pangarap niya lang na mahalikan siya ng crush niya pero ngayon ay pwede na siyang mag demand dito kaya kahit anong pagkakataon ay sisiguraduhin niya na magagamit niya ang chance na 'yun para makahingi ng halik kay Elara.

"Nakapikit na," sagot ni Damian.

Nahihiya naman lumapit si Elara pero dahil pinapasaya siya ni Damian ngayon ay nais niya rin talaga pasalamatan ang Alpha, kaya naman hinalikan niya ang noo ni Damian at pinat ang ulo ninto.

"Good job, Alpha Damian."

Nagulat si Damian sa ginawa ni Elara, hindi niya inaasahan na hahalikan siya ninto sa noo at ipa-pat ang kaniyang ulo. Gusto niya humalakhak dahil sa ka-kyutan ni Elara ngunit mas pinili niyang ngumiti dahil na touch ang puso niya.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now