CHAPTER: 04

584 30 2
                                    

Naglakad papasok ng silid ni Elara ang kaniyang ama na si Calisto, umaga na at oras na para uminum ng gamot ang kaniyang anak. Nag iisang anak ni Calisto si Elara sa kaniyang namayapang asawa at kahit mag isa niya itong pinapalaki ay nais niyang maibigay ang lahat ng pangangailangan ni Elara.

Napatingin si Calisto sa natutulog na imahe ng kaniyang anak, mukhang masama ang panaginip nito dahil nakakunot ang noo at panay ang ingit. Iniisip ni Calisto ay baka napapaginipan na naman ni Elara ang pagkawala ni Emely o hindi naman kaya ay nararamdaman na naman ang iniinda nitong sakit.

"Elara anak, gising na umaga na," paggising ni Calisto kay Elara, nilapitan niya ang kama nito at hinipo ang noo ng kaniyang anak. Isang linggo na kasi ito inaapoy ng lagnat kaya hindi rin nakasama ang dalaga sa vacation ng mag inang si Fernanda at Fiona.

Kumunot ang noo ni Calisto nang biglang napabalikwas ng bangon si Elara at tila ba ay galing sa isang masamang panaginip, pawisan ito at hinahabol ang hininga. Mabilis din tumulo ang mga luha ni Elara at natatarantang kinapa ang kaniyang tiyan.

"Ang anak ko! Ang anak ko!" Hinanap ni Elara ang bakas ng dugo sa kaniyang mga hita at kinapa ang kaniyang ulo na tumama sa bawat baitang ng hagdan. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sinapupunan habang nanginginig ang buo niyang katawan.

Nanlalamig ang buo niyang katawan habang pinagpapawisan ng malamig, ramdam na ramdam niya pa rin ang sakit ng pagbagsak at pagtama ng buo niyang katawan mula sa matarik na hagdan, ramdam na ramdam niya pa rin ang paninigas ng kaniyang panga at katawan dahilan para hindi siya makagalaw, higit sa lahat ay nakatatak pa rin sa puso at isipan niya ang galit na dulot ng pagpatay sa kaniya ng kaniyang step mother at step sister, kasama ng panloloko na ginawa sa kaniya ni Elijah.

"Elara, anong nangyayari? Anak, kumalma ka," pagpapahinahon ni Calisto sa kaniyang anak at agad itong niyakap. Nagtataka siya sa kinikilos ni Elara, hindi niya alam kung binabangungot ba ito o nakakita ng bagay na kinakatakot nito.

Amoy na amoy ni Calisto ang takot sa kaniyang anak, ang panginginig nito at matinding pagpapawis dahil sa kaba.

"Elara! Andito ako, anong problema?" Pilit na kinukuha ni Calisto ang atensyon ng naghehesterikal na si Elara, nais niyang pakalmahin ang anak at bigyan ito ng comfort.

"Da-dad?" Nagtatakang tanong ni Elara.

"Dad? Bakit ka andito?" Muling tanong ni Elara at tumingin sa kaniyang paligid, doon niya na pagtanto na hindi na gabi, wala siya sa hospital at wala sa kaniyang harap ang mag inang nanloko at pumatay sa kaniya.

Agad siyang napakapit sa damit ng kaniyang ama at mahigpit itong niyakap. "Dad, pinatay nila ako. Niloko ako ni Elijah at 'yung anak namin... wala na 'yung anak namin," nagsumbong at umiyak nang umiyak si Elara sa kaniyang ama na walang nagawa kundi pakalmahin siya kahit na puno ng pagtataka si Calisto sa mga sinasabi ni Elara.

Tanging naiisip ni Calisto ay baka nagkaroon ng makatotohanang panaginip ang kaniyang anak kaya ganito ito mag react ngayon.

"Huminahon ka anak, panaginip lang ang lahat. Andito lang ako sa tabi mo, walang mangyayari sa'yong masama." Hinagod ni Calisto ang likod ni Elara at inabutan ito ng maiinum na tubig.

"Uminum ka muna para kumalma ka, kukunin ko ang gamot mo sa baba, sandali lang," sagot ni Calisto at inabot ang isang baso ng tubig sa kaniyang anak.

Agad na naglakad si Calisto palabas ng kwarto ni Elara upang kunin ang gamot ninto, habang si Elara naman ay nanatiling hawak ang baso ng tubig, nanginginig ang kaniyang mga kamay at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

"Panaginip? Hindi maaaring panaginip lang ang lahat," bulong ni Elara habang nakatingin sa repleksyon ng kaniyang mukha sa tubig, doon niya napansin ang malusog at mapula niyang pisngi. Agad siyang tumayo at humarap sa salamin, nakita niyang nanumbalik ang ganda ng kaniyang katawan at mukha, malayo sa buto't balat at nanghihina niyang pangangatawan.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon