CHAPTER: 58

290 16 2
                                    

Kung kanina, si Damian ang hiyang-hiya at namumula ang mukha. Ngayon ay nabaliktad ang sitwasyon dahil hindi na mawala ang pamumula ng pisngi ni Elara sa ginawa paghalik sa kaniya ni Damian sa harap ng mga reporters kanina.

"Malapit na tayo sa Forestheart," sagot ni Damian habang sumisipol pa sa tuwa. Ngayon niya lang nakita na ganito ka flustered si Elara kaya parang gusto niya pang asarin ito.

Pinagbuksan sila ng malaking gate ng Forestheart pack, kumpara sa malamig na pakikitungo at mga tingin sa kanila ng ilang pack members ng pack, ngayon ay tila mas magaan na ang mga tingin na binibigay ng mga ito sa kanila na siyang pinagtataka ni Elara at Damian.

"Tingin mo kinausap na sila ni Alpha Diego?" Tanong ni Elara habang iniintay makapag pack ng sasakyan si Damian.

"Hindi rin ako sigurado, alam ko wala pa sinasabing announcement si alpha Diego dahil wala pa ring malay si Elijah," sagot naman ni Damian saka maayos na pinarada ang kaniyang sasakyan at bumaba para pagbuksan ng pinto si Elara.

Naglakad sila papasok ng pack house, may ilang pack members na tumatango kay Damian at Elara, mas marami ang bumabati sa kanila ngayon at tanggap ang pagpunta nila sa pack.

Nagtataka tuloy lalo si Elara, hindi ba't dapat maging mailap pa sila sa pagdating ni Damian? Hindi ba't dapat galit sila dahil hanggang ngayon ay hindi pa gising ang Alpha nila dahil sa pabubogbog na ginawa ni Damian dito?

"Welcome, buti naisipan niyong dumalaw?" Sinalubong sina Damian at Elara ni Francis, nasa likod niya si Fiona na mataray na nakatitig kay Elara.

"Kung hindi ako ginugulo ni Alpha Diego ay hindi ako pupunta sa lugar na 'to," sagot ni Damian habang si Elara naman ay pansin na wala pang kaalam-alam si Fiona sa ginawa niyang pagdamay sa pangalan ni Fiona sa mga issue nila.

"Dadalawin mo ba si Elijah? Hindi pa rin siya nagigising pero kung maramdaman niya na andito ang chosen mate niya baka bigla 'yun bumangon hahah," birong sagot ni Francis, gusto niyang asarin si Fiona dahil alam niyang si Elara talaga ang kinaiinisan ninto.

"Pwede ba Francis, nasa likod mo ang fated mage ni Elijah," sarkasikong sagot naman ni Damian, lalo pang pinapalaki ang gulo sa paggatong niya sa pang-aasar ng kuya Francis niya.

"Tsk, baka lalo lang mamatay sa galit si Elijah kapag nalaman niya na ang kakapal ng mukha ng stepbrother niya at ex chosen mate niya na dalawin siya, lalo na't sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising," sagot ni Fiona, inis siyang tumingin kay Elara sabay irap dito at nag walk out.

Napangiti na lang si Elara, hindi niya maiwasan matawa sa mga pinaggagawa ni Fiona. Asar na asar ito sa kaniya at iyon naman ang gusto niyang mangyari. Pero sa ngayon ay kailangan niya muna mag focus sa pagpunta nila sa Forestheart, isinantabi niya muna ang paninira niya sa araw ni Fiona at nagtungo sa pack hospital kung saan naka confine si Elijah.

Pagpasok sa loob ng hospital ay nakaramdam ng kaba si Elara sa kaniyang dibdib, ito ang lugar kung saan siya unang namatay, kung saan siya pinatay ng stepmother at stepsister niya. Muling bumabalik sa kaniya ang karumaldumal na sinapit niya sa kamay ng mag ina na iyon, pinagpapawisan tuloy siya nang malamig at namumula dahil pakiramdam niya ay magigising siya sa mahabang panaginip at magigising na nakahandusay sa malamig na simento ng hispital kung saan tuutulo ang dugo sa pagitan ng kaniyang hita at sa kaniyang ulo.

Napansin naman ni Damian ang pamumutla ng mukha ni Elara, alam niyang may kakaiba kaya agad niyang hinawakan ang balikat ninto at nilapit sa bisig niya. "Okay ka lang ba? Gusto mo muna ba magpahinga?" Tanong ni Damian, hindi niya alam ang dahilan sa mga nagiging reaksyon ni Elara pero ganito rin ang naging reaksyon ninto kanina nung binigay niya ang class picture.

"Gusto mo wag na muna tayo tumuloy, pwede muna tayo dumalaw sa bahay niyo," sagot ni Damian pero umiling si Elara, hinawakan ni Elara ang kamay ni Damian at dito kumuha ng lakas ng loob.

"Pasensya na kung pinag-aalala kita, ayos lang ako Damian," sagot naman ni Elara pero kahit magsinungaling siya ay kitang-kita pa rin ni Damian na hindi siya ayos, na pinipilit niya lang ang kaniyang sarili.

Kaya ginawa na lang ni Damian ang kaya niyang ibigay kay Elara, sinuportahan niya na lamang ito at inalalayan. Gusto niya maging matibay at handa kung sakaling kailangan ng kaniyang luna ng tulong niya, gusto niya makita ni Elara na andito siya at pwedeng niyang sandalan kapag may problema siya.

"May bisita si Elijah," sagot ni Francis nang buksan niya ang pintuan ng hospital room ni Elijah, napahinto sa paglalakad si Elara nang makitang pareho sila ng kwarto ni Elijah, ito rin ang dating kwarto kung saan siya na confine, dito sa mismong floor na ito, sa room number na ito. 

"Ang kapal naman talaga ng mga mukha niyong magpakita pa rito, anong karapatan niyong umapak sa Forestheart pack pagtapos niyong gawin ito sa aking anak!" Sigaw ni Esmeralda, hiindi siya makapaniwal ana nagawa pang dalawin ni Damian at Elara ang anak niyang si Elijah na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay dahil sa ginawang pambubogbug ni Damian.

"Binigyan sila ng pahintulot ni Alpha Diego," sagot naman ni Francis kaya lalong nag init nag ulo ni Esmeralda, hindi niya alam kung bakit ganito ang ginawa ng kaniyang asawa samantalang hindi niya na nga kaya pa tignan ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanilang anak na si Elijah.

"Ano! Nahihibang na ba siya? Dapat nga ay hindi na sila pwede pa umapak sa pack house natin! Ano bang iniisip ng ama mo!" Hiyaw ni Esmeralda kay Francis na walang imik at pasok lang sa kanang tenga labas sa kaliwa ang mga salitang sinasabi ni Esmeralda sa kaniyang harapan.

"Tawagin mo si Alpha Diego! Mag uusap kami!" Hiyaw ni Esmeralda pero hindi siya pinansin ni Francis at hinila lang ang kaniyang braso palabas ng kwarto ni Elijah.

"Anong tingin mo ang ginawa mo Francis! Ah! Bitawan mo ako! Mga bastardo!" Sigaw at pagpalag ni Esmeralda pero tinulungan ng ibang gamma si Francis para palabasin ito sa hospital. Naiwan naman si Damian at Elara sa harap ng hospital room ni Elijah at nagpasya na pumasok hanggat wala pa silang ibang kasama.

Kinakabahan man ay pinilit ni Elara humakbang papasok sa loob ng kwarto na humihila sa kaniya pabalik sa bangungot ng hinaharap niya, tandang tanda niya nung butot balat na lamang siya na nakahiga sa hospital bed na iyon, tuyot na ang bulaklak sa loob ng kaniyang silid at ni isa ay walang bumibisita sa kaniya.

Pero ngayon, ang tadhana niya na iyon ay nalipat kay Elijah, ang lalaking dahilan ng paghihirap niya sa unang buhay na mayroon siya.

"Mukhang ayos lang naman ang mga sugat niya, isa siyang lycan at pure blood kaya maibabalik niya naman ang sigla ng katawan niya in no time pero bakit hindi siya magising dahil lang sa ilang bali niya sa kaniyang katawan?" Tanong ni Damian na naguguluhan din sa mga nangyayari sa kaniyang kapatid.

Alam niyang hindi na maibabalik ni Elijah ang dating bilis niya sa pagtakbo, may healing ability silang mga lycan at isang linggo lang ay dapat magaling na ang mga sugat nila at ilang bali sa buto, pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ninto binubuksan ang kaniyang mga mata?

"May mali sa kaniya, Damian," sagot ni Elara, lumapit siya kay Elijah at tinignan ang mukha ninto. Nahalata niyang gumagalaw ang mga mata ni Elijah pero hindi ninto maimulat ang kaniyang mga mata, o maibuka man lang ang kaniyang bibig.

Isang sensasyon na pamilyar na pamilyar kay Elara. Napatakip si Elara sa kaniyag bibig, kinakabahan tumingin kay Damian na kanina pa nagtataka sa mga kinikilos ng Luna niya.

"Anong nangyari Elara?" Tanong ni Damian at lumapit na rin sa kapatid niyang si Elijah.

Napalunok si Elara at tumingin nang seryoso sa mga mata ni Elijah, kita ang pag-ikot ninto kahit nakapikit ito, tila ba iyon na lang ang nag iisang bahagi ng katawan niya na kaya niyang maigalaw.

"Elijah, si Elara 'to. Kung naririnig mo ko at gising ka ngayon, igalaw mo ang mga mata mo patataas at pababa," utos ni Elara at sabay nilang nakita ang paggalaw ng talukab ng mata ni Elijah pataas at pababa.


TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now