CHAPTER: 75

436 30 0
                                    

"Wala man lang nakakita sa pagtakas ni Fiona? Pano nangyari iyon?" Tanong ni Elara, patuloy nilang hinahanap si Fiona pero hindi na ito makita at matagpuan pa. Alam nilang kasama na ninto ngayon si Algern at nagtatago, agad ding bumalik si Damian sa Forestheart nang marinig ang balita at nag utos na ipasara lahat ng border para sa isang masugid na inspeksyon sa bawat tao na lumalabas sa Summergrave Empire.

"Wala ring balita galing sa mga border, hindi nila mahanap sila Fiona at Algern," tugon ni Damian habang hilot-hilot ang kaniyang noo at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

Ngayon alam na nila ang totoo, na si Algern ang tunay na ama ni Fiona at ang fated mate ni Fernanda. Hindi ito alam ni Diego at miske ang ilang elders sa council ay hindi alam ang tungkol sa bagay na ito. Lumabas na rin ang katotohanan tungkol sa pagpatay ni Fernanda kay Emely sa pamamagitan ng unti-unti nintong pang lalason.

"Kamusta si Calisto? Ano nang balita sa kaniya?" Tanong ni Damian kay Elara, hindi pa kasi niya nakikita si Calisto simula nung bumalik sila sa Forestheart. Nag-aalala siya kay Elara dahil sa nangyayari sa pamilya ninto at sa pagtakas na ginawa ni Fiona.

"Nasa puntod pa rin siya ni Mom, hindi siya umaalis doon at panay ang hingi ng pasensya. Hindi ko alam kung ano ang salita na dapat kong sabihin sa kaniya, kinabahan ako na baka may mali akong masabi, hindi ko alam ang dapat ko gawin sa mga oras na kagaya ninto," tugon ni Elara sa kaniyang fated mate.

Naiintindihan naman ni Damian ang nararamdaman ni Elara, mahirap talaga gumawa ng hakbang sa ganitong sitwasyon. Miske siya ay hindi niya alam kung ano ba ang tamang sabihin sa sitwasyon na ito, tanging suporta at comfort na lang ang mabibigay niya para kay Elara.

"Pinakulong ko na rin si Francis, nakausap na ni Elijiah ang lahat at napaliwanag na ang mga ginawa ng dalawa sa kaniya. Nagpasya na rin si Elijah na umalis ng pack pagtapos niya magpagaling," paliwanag ni Elara habang nakayuko, iniisip niya kung tama ba ang lahat ng mga nangyayari? Bakit pakiramdam niya ay may mali at hindi tama sa mga ito. Dahil ba nakatakas si Fiona at hindi pa rin ito nahahanap? O dahil ba hindi niya alam kung pano niya tutulungan ang kaniyang ama na makabangon sa mga nangyayari.

Hindi lang ang pamilya niya ang kailangan niyang isipin, kailangan niya rin kaharapin ang pagiging bagong Luna ng Forestheart na unti-unting natitibag dahil sa mga pangyayari sa loob ninto. Hindi alam ni Elara kung makakaya niya ba ang lahat ng problema at resposibilidad na nasa harapan niya ngayon.

"Ayos ka lang ba? Magpahinga ka muna," sagot ni Damian dahil pansin niya ang kakulangan sa tulog ni elara at ang katamlayan ninto. Umupo siya sa tabi ni Elara at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng kaniyang fated mate.

"Kailangan mong maging matibay, mahahanap din natin si Fiona at magiging ayos din ang lahat," tugon ni Damian. Kung kailan naman pwede niya nang sabihin ang tungkol sa totoong pagkatao ni Elara ay doon naman nangyari ang mga bagay na ito, hindi niya tuloy mahanap ang pagkakataon kung kailan niya masasabi ang totoo.

"Sana nga Damian, sana nga," sagot naman ni Elara. Mahigpit niya rin hinawakan ang kamay ni Damian at dinama ang init na nang gagaling dito. Sa mga oras na ito ay si Damian lamang ang kaniyang masasandalan, si Damian lang ang mahihingan niya ng tulong.

Kinakabahan siya, hindi niya mapaliwanag kung bakit pero tingin niya ay dahil ito sa nalalapit na araw ng kamatayan niya. Sa past life ni Elara, tatlong buwan mula ngayon ay ang kamatayan niya kung saan siya nilason at pinatay ni Fernanda at Fiona. Kinakabahan siya dahil marahil ang mga nangyari sa kaniya noon ay isa-isang napupunta sa kapalaran ng iba, kinakabahan siya na pano kung kailangan din na may mamatay na iba para mapasa sa iba ang pagkamatay niya? Ang kapalaran niya?

Pano kung malapit sa kaniya ang mamatay, kapalit ng buhay niya? Hindi makakayanan ni Elara ang bagay na iyon kaya hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin o iisipin, hindi niya alam kung pano niya paplanuhin ang mga susunod na mangyayari.

Napatunayan niya na na totoo ang mga ito, alam niya na ang kapalaran niya ay napapasa sa iba, katulad na lamang ng pagkalason ni Elijah, at pagbubuntis ni Fiona. Kaya sino ang susunod na sasalo ng malas niyang hinaharap?

Napansin ni Damian na hindi mapalagay si Elara, mukhang may iba pa itong iniisip. May kakaiba rin siyang nararamdaman sa kaniyang fated mate, tila ba mas lumalakas ang wolf scent ninto at aura na binibigay ni Elara. Mas pansin na ngayon ang scent at aura nito, kung hindi niya kilala si Elara bilang isang wolfless ay aakalain niya na isa itong normal na Lycan.

Alam ni Damian na malapit na magising ang wolf ni Elara at kailangan na nilang gawin sa madaling panahon ang paghahanda rito. Pero sa pagkakataon katulad ngayon ay hindi niya pa magawang sabihin kay Elara ang bagay na ito, alam niya na hindi ito ang tamang oras.

"Magpahinga ka na muna, tara at matulog ka muna sa kwarto ko," pag-aaya ni Damian pero tinignan siya ni Elara na tila ba binabasa nito ang isipan niya.

"Anong problema?" Nagtatakang tanong ni Damian at napabuntong hininga na lamang si Elara.

"Huwag na, sa kwarto ko na lang ako matutulog," sagot ni Elara kaya nakaramdam si Damian na tungkol ito sa nangyari sa kanila nung nakaraan, alam niyang hindi niya pa rin nabibigyan ng maayos na paliwanag si Elara sa bagay na ito at alam niyang kasalanan niya iyon.

"Elara, sa totoo lang ay may nais akong aminin sa'yo. Dapat nitong pag-uwi ko galing sa Nightraven ay sasabihin ko na sa'yo, pero dahil sa dami ng nangyayari ay nahihirapan ako mag desisyon kung ngayon ko ba sasabihin o kailangan ko muna ayusin ang lahat ng kaguluhan sa pack na 'to," sagot ni Damian, hindi niya nais na dagdagan ang problema ni Calisto o ni Elara dahil sa bagay na ito.

Iniisip niya na may karapatan naman si Elara na malaman ang bagay na ito, pero kapag pinangunahan naman ni Damian si Calisto sa pagsasabi ay baka mas lumala lang ang problema na iniisip ni Calisto ngayon o pagmulan pa ito ng ayaw ng mag-ama.

"Ayos lang Damian, mag-iintay na lamang ako," sagot ni Elara. Inakala ni Damian na wala ng gana pa makinig si Elara sa mga paliwanag niya dahil sa kawalan ng gana sa boses ninto. Hindi niya alam ay mas malalim lang na iniisip si Elara ngayon.

"Sana patawarin mo ko kung hindi ko masabi agad sa'yo," sagot naman ni Damian, iniling ni Elara ang kaniyang ulo at tumayo na sa pagkakaupo. Naramdaman ni Damian ang lamig ng pakikitungo ni Elara sa pagbitaw ninto sa kaniyang kamay.

"Mauna na ako magpahinga, balitaan mo na lang ako kung may ano mang dumating na balita tungkol kay Fiona," sagot ni Elara at naglakad na palabas ng opisina ni Damian.

Napayuko si Damian at nasapo ang kaniyang noo, hindi niya na alam ang gagawin niya ay ayaw niyang lumayo ang loob sa kaniya ni Elara. Malalim siya nagbuntong hininga at tumayo na rin para puntahan si Calisto dahil kung hindi pa ngayon ay kailan niya pa magagawa ang bagay na kailangan niyang gawin.

Agad niyang hinanap si Calisto sa loob ng pack house at nahanap ito sa likod ng village kung nasaan ang mga libingan ng iba pang pack members. Nakita niya na nakayuko ito sa harap ng puntod at walang imik. Alam ni Damian na nagluluksa pa ito sa lahat kaniyang mga nalaman, sa lahat ng member ng Forestheart ay si Calisto ang pinaka apektado sa lahat ng nangyari.

Una ay hindi niya alam na ang pinapainum niyang gamot ay lason na unti-unting pumatay sa kaniyang asawa na si Emely, sunod ay tinaggap niya mismo ang babaeng pumatay sa asawa niya na si Fernanda, pangatlo ay hindi niya alam ang mga ginagawang pagmamalupit ni Fernanda at Fiona sa sarili niyang anak na si Elara, at pang huli ay nalaman niyang ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan ang fated mate ng kaniyang chosen mate.

Nagdadalawang isip na humakbang papalapit si Damian, hindi niya alam saan niya uumpisahan ang pakikipag-usap dito.

"Anong kailangan mo Alpha Damian?" Tanong ni Calisto, kaya wala nang nagawa pa si Damian kundi ang humakbang papalapit at damayan si Calisto ngayon.

"Pasensya na, alam kong gusto mo mapag-isa, pero kailangan kong aminin kay Elara ang totoo," sagot ni Damian, pursigido na siyang sabihin kay Elara ang totoo dahil ayaw niya nang itago ang tunay na pagkatao ni Elara.

"Pasensya ka na rin kung naiipit ka sa problema namin Alpha Damian, huwag ka mag-alala at bukas na bukas din ay sasabihin ko na kay Elara ang totoo, kailangan niya na malaman ito dahil ayoko na magaya pa siya kay Emely," sagot ni Calisto habang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa puntod ng kaniyang asawa.


TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now