CHAPTER: 24

492 21 6
                                    

"Ano naman naisipan mo bakit gusto mo magtrabaho? Saka hindi ba't may sakit ka?" Tanong ni Damian habang nasa harap niya si Elara, nakatayo at naka formal attire.

Tinatago ni Damian ang kaniyang mukha sa laptop na nasa harapan niya at sa hawak niyang folder, gusto niya kasing tumawa dahil parang mag-a-apply talaga ng trabaho si Elara pero ayaw niya naman mapahiya ang kaniyang luna, dahil seryoso talaga si Elara sa bagay na 'to.

"Lately wala naman po akong nararamdaman na kakaiba sa aking katawan, Alpha Damian. Masigla ako at kaya kong magtrabaho," determinadong sagot ni Elara. Ito ang first time niya sa pag-a-apply ng trabaho kaya naman pinaghandaan niya talaga ito, gumawa pa siya ng resume at naghanda sa interview dahil gustong gusto niya talaga magkaroon ng parte sa pack na 'to.

"Pano ka nakakasigurado? Nag pa-medical ka na ba?" Tanong ni Damian, sumilip siya sa hawak niyang folder at nakita niya si Elara na natataranta, halatang sineryoso ninto ang tanong niya.

"Nakalimutan ko! Pwede ba ako bumilik dito kapag nakuha ko na ang medical ko? Saka ano ba ang mga requirements para maging secretary mo, Alpha Damian? Kapag ba hindi ako nakapasa sa medical ay hindi ako pwede mag apply ng trabaho?" Natatarantang tanong ni Elara dahil nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na iyon, sa pagkakaalam niya nga ay kailangan pa ng medical bago ka makapasa sa isang trabaho.

"Pftt— hahaha tama na nga Elara! Masyado mo na ko pinapasaya," sagot ni Damian at hindi na napigilan pa ang paghalakhak nang malakas na umeko sa kabuoan ng opisina. Miske si Calix na papunta pa lang sa opisina ay ringi na rinig na agad ang tawa ng Alpha niya sa hallway.

"Seryoso ako! Gusto ko magkaroon ng ambag sa pack na 'to, hindi pwede na maging pasarap lang ako ng wala akong ginagawa," sagot ni Elara, ayaw niyang mahusgahan siya ng ibang pack members nila lalo na ngayon na maayos ang pagtanggap na ginawa ng mga ito sa kaniya.

"Wag ka mamadali, nag iisip na rin naman ako ng pwede mong gawin. Pero kung gusto mo maging secretary ko ay okay lang naman sa akin, tutal kailangan ko rin ng katulong sa mga business matters ng pack, hindi pwede na si Calix na lang ang gagawa ng lahat," tugon ni Damian, napangiti si Elara dahil sa wakas magkakaroon na siya ng trabaho.

"Pero bago kita ilagay sa posisyon na 'yun ay kailangan mo muna pag-aralan ang mga fundamentals, kailangan ko rin ma check kung kakayanin mo ba ang stress dahil hindi naman biro ang pagiging secretary ko, para ka na ring beta," sagot ni Damian kaya napalunok sa kaba si Elara.

Bakit hindi niya naisip ang bagay na iyon? Akala niya ay mag aayos lang siya ng mga papeles sa loob ng opisina ni Damian o hindi kaya ay mag che-check ng iba't ibang papeles na lalabas at papasok sa pack nila.

"Pumasok ka na Calix," utos ni Damian kaya binuksan ni Calix ang pinto at naglakad papalapit sa kanila, inilapag niya ang ilang mga papeles sa table ni Damian.

Nagulat na lang si Elara na nasa labas na pala ng opisina ni Damian ang beta niya, nahihiya na baka narinig ninto ang mga pinag-uusapan nila at ang mga kahihiyan na pinagsasabi niya.

"Ayos na ba 'to? Do I need to check it first or sign it all?" Tanong ni Damian dahil tinatamad na siya basahin ang mga nilalaman ng papeles na 'yun, gusto niya pirma na lang siya ng pirma para mas madali niyang matapos ang trabaho at malandi si Elara.

"Kailangan na lang po ng pirma niyo, Alpha," sagot naman ni Calix kaya na windang si Elera, hindi man lang kasi binasa ni Damian ang mga papeles na iyon, pano kung may papeles doon na nagsasabing ililipat ang malaking kayamann ng Nightraven sa pangalan ki Calix? Edi, wala ng laban si Damian kasi napermahan niya na 'to?

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now